"Lars." Tawag ni Quennie sa lalaking tulala. Nanumbalik naman ito sa kaniyang ulirat.
"Quennie... hindi mo kailangang malaman ang codename niya. Kaya nga codename para maitago ang tunay na identity."
"Eh bakit ba kasi kailangan niyo pang maglihim? For sure naman maiintindihan nila 'yon." Reklamo niya.
"Hindi iyon ganoon kadali, Quennie." Giit niya. "Kung para sa'yo ay madali lang, sa akin hindi... sa amin. Kasi kami 'yong mapapahamak."
"Traydor ka pala eh." Anito, making Lars' breathing hitched. Nagtatangis ang kaniyang panga, feeling scorned by her words.
"Traydor na kung traydor, Quennie. Ginagawa ko naman 'to para sa lahat, 'di lang para sa sariling interes. At kung sakaling mabuking man ako, isa lang ang sisisihin ko... ikaw 'yon. Kaya kung ako sa'yo, huwag ka ng magtangka pang mangialam. Sinisira mo lang 'yong plano ko." Pagkatapos ng kaniyang litanya ay umalis na siya, leaving Quennie dumbfounded.
Yet, Queenie's too intrepid to know the verity behind these things. She should cogitate in settling her plans. She needs facts that vindicate her judgements. Para sa huli, hindi siya iyong magmumukhang talunan.
Sa kabilang dako, nawindang ang "memorable" nang gumalaw ang mga daliri ni Janrez. Nagpanic kaagad sila. Halo halong emosyon ang nag-aaway sa kanilang sistema. Pero iisa pa rin ang nananaig, ang labis na kagalakan dahil gising na ang kanilang kaibigan.
"Udo!"
"Dudes!"
"Dudes!" Sabay sabay nilang tawag nang dahan dahang nagmulat ang dalaga.
Blurry images. Iyon ang bumungad sa kaniyang paningin. She closed her eyes again saka nagmulat muli. Unti unti naman niyang naaaninag ang paligid.
"Ah!" Daing niya nang sinubukan niyang tumayo. Kaagad naman siyang inalalayan nina Daniel at Jhenrish.
"Kumusta?" Tanong ni Trixie.
"Nasaan ako? Bakit ako nandito?" Dire-diretso niyang tanong.
Napatingin ang lahat sa isa't isa. Nagkibit balikat naman si Daniel. Siya ang may dahilan kung bakit walang maalala ang dalawang dalaga sa nangyari. Napagdesisyunan ng lahat na ilihim nalang ito upang 'di na muling magkagulo.
"Dudes." Tawag ni Daniel sa babae. Tinignan naman siya nito ng diretso. "Nagugutom ka ba? Maraming pagkain sa room."
Hindi umimik ang dalaga. Tanging nasa isip niya ngayon ay kung paano siya napunta sa lugar na ito. Ano ang nangyari at bakit mukhang nag-alala ang lahat sa kaniya.
"S-Sige," sagot nito. Tumingin naman si Daniel sa kaniyang mga kagrupo saka tumango, ganoon din ang kaniyang natanggap na tugon.
Nang maayos na ang kalagayan ni Janrez ay bumalik na sila sa kanilang silid. Merlaine and Ela are not around. Iyon ay pinagtataka ng iilan.
"Nasaan kaya sila?" Takhang tanong ni Abrielle. "Wala rin naman sila sa room."
"Ewan nga din, eh." Si Nicah.
"Hayaan niyo na sila." Singit ng masungit ni Micha. "Wala naman silang ibang ginagawa kung 'di ang magreklamo."
"Tama na 'yan." Mahinahong saway ni Ayessa. "Hindi ko rin sila maramdaman. Baka nga malayo sila sa atin."
Nasaan kaya ang dalawa? Iyon ang bumabagabag na tanong sa kanilang isipan. Sa huli, pinagkibit balikat na lamang nila iyon.
Sa kabilang dako, nasa loob si Lars sa kaniyang opisina. Iniisip niya pa rin ang posibleng kahinatnan ng lahat. Ayaw niyang mangialam si Quennie sa kaniyang plano dahil masisira lamang ito. Ayaw niya ring malaman ni Quennie na ang codename ni Russel sa pangkat ay "Erebo".
BINABASA MO ANG
The Chronicles of Ametista (Part 1)
FantasyHow far will you go just to succeed in your mission? When everything else falls apart, to whom will you hold on?