Codes

113 5 0
                                    

Araw ng Martes, ang Ametista ay naghahanda para sa panibagong pagsubok. Lahat, maliban kay Marianne, ay nagtatanong kung saan makukuha't mahahanap ang mahiwagang papel. If they failed to find the magic paper, they'll lose in the game. They won't have any cue on how to win against other school. Kapag nagkataon, babalik sila sa grade nine next year. At dahil diyan, hindi na sila ang makikipagkompitensya sa ibang school. Ang bagong grade ten na.

"Huwag kang kabahan. Just enjoy the show." Turan ni Jezelle kay Janrez na ngayo'y doble ang tahip ng puso. Hindi siya sanay sa ganitong mga bagay kaya ganoon na lamang ang kaba sa kaniyang dibdib.

Nasa loob ng silid ang Ametista. Dito nila pag-uusapan kung saang lugar sila pupunta at ano ang gagawin nila.

"Huwag nalang kaya natin ituloy?" Natatawa at kabadong tugon ni Janrez.

"Kaya mo 'yan, Udo." Si Princess. "Para sa Ametista!"

"Kaya nga, Dudes." Dugtong ni Daniel. "Isipin mo nalang na kapag magawa mo 'to, si ano ang premyo."

"Ba, 'wag na!" Agap ni Janrez.

"Hingang malalim." Si Jezelle. Kusa namang napasunod si Janrez. Huminga siya ng malalim saka pinaypayan ang sarili gamit ang kamay. Her straight waist length hair is tied in a dutch braid. "Okay na?" Tanong ni Jezelle. Tumango na lamang si Janrez kahit na kabadong kabado pa rin siya.

"Oy parating na si Marianne!" Pahayag ni Ayessa.

Ayessa has the ability to feel any energy. Alam niya kung kanino at anong klaseng nilalang ang nagmamay-ari nito. But she only use it if needed. Lalo na pagdating sa mga kompetisyon.

"Oy nandiyan na daw si Marianne!" Bulalas ni Shane. Dali dali namang nagsibalikan sa tamang upuan ang Ametista. Samantalang si Janrez ay nawala na parang bula. This is it. Magsisimula na ang plano.

Samantala, wala sa sariling lumitaw si Marianne sa loob ng silid-aralan. Saglit siyang napatunganga dahil sa kakaibang kilos na pinapakita ng buong Ametista. Sa halip na mag-isip pa siya'y pinagkibit balikat na lamang niya iyon. Wala siyang ganang mag-isip. She wanted to be alone. To be far from everyone but she's here inside the room, trying to indulge herself in some activites to forget what happened to her last night.

Lingid sa kaniyang kaalaman, sumusunod na si Janrez sa kaniya. She can't feel her because her power is not activated. She had sworn that she won't use her black magic anymore. Pero alam niya sa kaniyang sarili na may kapalit ito. At tantiya niya'y posibleng ang kaniyang buhay ang magiging kabayaran because she can no longer defend herself.

Maingat na pinagmasdan ni Janrez si Marianne. Marianne occupied her seat which is at the last row and almost beside the corner. Tumabi naman sa kaniya si Janrez na ngayo'y kabadong kabado. Samantalang si Jezelle ay pinapanood si Marianne. Si Ayessa naman ay sinasabi kay Jezelle kung nasaan na si Janrez. Bawat galaw ay kapanabik-nabik. Kailangang mag-ingat ng lahat dahil kapag ang isa ang magkamali, damay damay na lahat. And it may lead to conflict.

Janrez gestured in the air behind Marianne's head. May kulay asul na usok ang nagawa. Dito ay pinapakita kung ano ang iniisip ni Marianne. At sa kasamaang palad, wala siyang naintindihan. Marianne's head is full of codes. Codes that represent thought. Each code has its own meaning. At tanging magagaling sa teknolohiya lamang ang makakaintindi noon.

"Bakit madaming codes?" Pabulong na tanong ni Ayessa kay Jezelle.

"Ha? Anong codes?" Naguguluhang tanong ni Jezelle pabalik. Her eyebrows met in between because of curiosity.

"Marianne is too complicated." Si Quennie. "Her mind is full of codes. At tanging magagaling lang sa technology ang makakabasa ng mga ito."

Napatunganga ang mga nakarinig. Nilingon nila si Marianne na ngayo'y tulala sa kawalan. Maaaring codes ang nakikita ni Janrez dahil hindi nag-iisip si Marianne. And in order to fully understand what's inside Marianne's head, someone will talk to her. At isa lang ang naiisip ni Jezelle na sino. Si Luise ito. Pero ano ang gagawin ni Luise? Will he be able to continue the plan or siya ang makakasira nito?

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon