Pagkatapos ng pagpupulong nila'y may ibinulong si Cyan kay Marianne.
"Napapansin mo rin ba ang kakaibang kinikilos ni Lars?"
Lumunok ng husto si Marianne, trying to calm her system down. Hindi niya inakalang maging si Cyan ay nakakapansin rin sa kakaibang kilos ni Lars.
"Manmanan mo siya, Cyan. Dahil once na ako ang makahuli sa kaniya, buhay lang ang walang kapalit."
Napalunok ng husto si Cyan. She's torn now in between. Alam niyang may gusto siya sa binata pero hindi puwedeng maging siya ay susuway sa pinuno. Her life will be the change if that so.
"Masusunod, Heart." Aniya saka biglang naglaho.
Samantala, ang grupo ni Lars ay abala sa panibagong plano. Ayaw man nila, wala silang magagawa dahil lider pa rin nila si Lars.
"'Di ko talaga gets, Lars." Bulalas ni Kurt. "Bakit ba natin ginagawa 'to?"
"Paano kung mahuli tayo? Lahat tayo mamamatay!" Dagdag ng praning na Jonas.
"Relax lang kayo, okay? Alam ko ang ginagawa ko." Ang pinuno.
"Gago mo kasi. Dinadamay mo kami." Si Kurt.
"So ayaw niyo akong tulungan?"
"Gusto ka naming tulungan, Lars." Si Josedech. Gulat ang lahat na bumaling sa kaniya. "Pero kung buhay ang magiging kapalit nito, magsolo ka. Kilala mo si Marianne simula nang grade seven pa tayo. Malupit 'yon. Wala 'yong sinasanto."
"Tanga. Walang kilalang santo 'yon. 'Di naman 'yon kauri natin. Hindi 'yon tao at wala siyang kinikilalang diyos o relihiyon." Sarkastikong sabi ni Lars. Tumahimik nalamang si Josedech.
"Bahala ka sa buhay mo, Lars." Ani TJ. "Kung gusto mong magpakamatay, 'wag mo kaming idamay."
"Ikaw kaya unahin ko? Ano ba kayo? Mga duwag?"
"Ayaw lang naming pagtaksilan si Marianne." Si Kurt.
"Wow, nagsalita ang loyal." Sarkastiko nitong tugon. "Tingin niyo ba, magtatagal kayo dito kahit pa maging loyal kayo sa babaeng 'yon? Hindi, mga gunggong! 'Wag kayong magpakampante na kapag susunod kayo sa kanya'y safe na kayo. Mga baguhan talaga kayo." He snapped his tongue and shook his head in dismay.
"Paano mo naman nasabi?" Si Josedech sa mahinahon na boses.
Bumuntong hininga siya. "Bakit niya pinapapatay si Arlan kung talagang magkakampi sila?"
Kumunot ang kanilang mga noo, naguguluhan sa sinabi ng lider.
"Hindi ba't magkalaban naman talaga sila simula't sapul?" Si Kurt na ngayo'y nalulunod sa kuryosidad.
"Ang tatanga niyo talaga." Umiling si Lars. "'Di niyo kasi alam na dati pa silang magkaibigan."
"Malay mo napilitan lang si Marianne na gawin 'yon." Komento ni Josedech.
"Anong ibig mong sabihin?" Takhang tanong ng pinuno.
"'Yan. Ikaw din 'tong tatanga tanga, Lars." Sarkastikong bulalas ni Kurt. Kaya naman naagaw niya ang atensyon ng lahat. "Kung 'di ako nagkakamali, kanina yata 'yon. 'Di ako sure kasi 'di ko naman alam kung anong oras na ngayon. Basta 'yon, bago nagpatawag ng pagpupulong si Marianne ay nakita ko siyang nakipag-usap sa isang babae."
Bumalik lahat sa alaala niya ang nangyari kanina. Hindi siya puwedeng magkamali sa kaniyang nakita.
Napagpasiyahan niyang lumabas ng silid dahil nababagot na siya sa loob. Dahil hindi niya alam ang pasikot sikot ng kampo, naglakad lakad siya kahit saan.
Gawa sa kakaibang mahika ang buong paligid. Ang mga kagamitan ay kung hindi gawa sa ginto, sa bakal naman. Sumisigaw ang mga ito ng kapangyarihan at kayamanan. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na mamangha dahil ito ang unang beses na makakita o mapadpad sa ganitong lugar.
"How many times do I have to pricking tell you that you're not allowed to sit on my throne?!" Galit na sigaw ni Marianne.
Napatago si Kurt sa marmol na haligi. Doble ang tahip ng kaniyang puso. Kinakabahan siya ng husto dahil batid niyang hindi ordinaryong sigaw iyon ni Marianne. Alam niyang may halong galit iyon at panggigigil.
"Damn, pricking Ruffa!" Rinig niyang sigaw muli ng pinuno. Napasign of the cross siya ng wala sa oras.
"Huwag ka ng magtangka pa, Yan. Hindi mo ako kaya." Matigas at nanggigigil na sabi ng hindi pamilyar na boses ng isang babae.
Kurt sneaked in silently. Nadatnan niya ang pag-ismid ni Marianne kahit na nahihirapan na itong huminga. Ramdam na ramdam niya ang mahigpit na pagsakal ng isang babae sa pinuno.
"You're just... powerful. You... don't have any brain-" pautal utal na sabi ng pinuno. Mas hinigpitan ng babae ang pagkasakal dito. At sa sobrang kaba ay nagtago muli siya, takot na mahuli siya't paslangin.
"Hindi na mahalaga sa akin ang utak, Sikarian. Mas mahalaga pa rin ang kapangyarihan. Palibhasa, umaasa ka lang sa diyamanteng itim kaya ka nagmamatapang-tapangan. Pero ang totoo? Kaya kitang patayin ngayon kung gugustuhin ko."
Sikarian? Napatanong si Kurt sa kaniyang sarili. Sino ang tinutukoy niyang "sikarian"? Ano ang ibig sabihin nito?
Halos mapudpod na ang kanyang daliri dahil nginangatngat niya ito sa sobrang kaba. Napasign of the cross muli siya.
Humalakhak ang pamilyar na boses.
"Dami mong... satsat!" Anito. Wala na siyang alam sa susunod na mga eksena basta ay may kumalabog lamang. "Ano ba ang kailangan mo? You're a piece of bull who tried to shit me off."
"Shit your ass." Agap ng ibang boses. "Nandito ako upang ipaalala sa'yo ang misyon mo sa mundo ng mga tao."
"Misyon?!" Gulat na bulalas nito. Napatakip siya ng husto sa kaniyang bibig. Sana ay walang nakarinig sa kanya dahil kapag nagkataon, katapusan na niya.
"Ano bang misyon iyon?" Takhang tanong ni TJ nang matapos si Kurt sa pagkukwento.
"'Di ko rin alam." Tipid nitong sabi.
"Eh ikaw, Lars?" Si Jonas sabay tingin ng diretso sa kinakausap.
"Si Ruffa 'yong babaeng tinutukoy mo, Kurt." Anito. Kusang nagkasalubong ang mga kilay ng kanyang hukbo dahil sa kaniyang sinabi.
"Anong ibig mong sabihin?" Takhang tanong ni Josedech.
"Si Ruffa ay kapatid ni Marianne sa ina."
"Ano 'yong "sikarian"?" Tanong kaagad ni Kurt.
"Lahi niya 'yon. Tatlo silang magkakapatid na puro babae. Silang dalawa lang ang naglalaban para sa susunod na tagapagmana ng trono."
"Talaga?" Manghang bulalas ni TJ.
"Oo."
"Pero ano kaya 'yong misyon na tinutukoy ni ano... sino ba 'yon? Ruffa?"
"'Di ko alam, Kurt. Basta ay may kinalaman ito sa section natin."
"Luh? Paano napunta sa Ametista ang misyon?" Kunot noong tanong ni Josedech.
"'Yan ang kailangan nating malaman. Maraming tinatagong lihim si Marianne na dapat ay walang makakaalam. At kung ako pa sa inyo, makikipagtulungan kayo sakin. Kailangan ko ng tulong niyo. Para sa kapakanan ito ng buong Ametista. 'Di ba gusto niyong matapos na ang paghahanap ng magic paper?"
"Paano ba natin gagawin 'yon?" Usisa ni Jonas.
"Ako ang bahala." Umismid si Lars, nasisiyahan sa mga bagay na tumatakbo ngayon sa kanyang isipan. Kapag nagtagumpay siya sa kanyang plano, babalik sa normal ang dati.
"Sige." Si Jonas. "I'm in." Aniya sabay lahad ng kamay sa gitna. Nag-alinlangan pa ang iba dahil iniisip nila ang kanilang buhay.
"In." Si TJ sabay buntong hininga. Hinihiling niyang walang mamamatay.
"In." Si Kurt at ipinatong ang kamay sa kamay ni TJ.
Tinignan ng lahat ang natitirang lalaki na ngayo'y nag-aalinlangan pa.
"Kaya natin 'to." Pampalubag loob ni Lars. Tumango naman si Josedech at ipinatong ang kamay sa ibabaw ng kamay ni Kurt.
"In." Anito.
BINABASA MO ANG
The Chronicles of Ametista (Part 1)
FantasyHow far will you go just to succeed in your mission? When everything else falls apart, to whom will you hold on?