Death

47 4 2
                                    

Dumating si Marianne sa kampo ni Kreg na ngayo'y nakaupo sa trono ng kaniyang ina. Marami itong mga tinik ngunit 'di ito inalintana. Balang araw, siya naman ang susunod na maging tagasangguni ng reyna na ina ni Marianne.

"Marianne." Mapaglaro nitong sambit nang namataan ang dalaga na ngayo'y kalmado lang ang itsura kahit pa nagbabaga ang apoy sa kaniyang katawan.

"Kreg." Marianne snarkily smiled, wearing her so called chuffed face.

"Napadalaw ka?" Tumayo ang dalaga saka pumanaog para mayakap ang dalaga. "Nag-usap na ba kayo ni Ruffa?"

Marianne's breathing twitched pero hindi niya ito pinahalata sa kausap. Niyakap siya nito saglit saka siya tinignan ng diretso.

"Kumusta na pala ang plano niyo? Wala ka bang balak na kunin mula sa akin si Arlan?"

She licked her lower lip at mariing nagtangis ng panga. Kahit saang anggulo niya tignan ang dalaga ay mas lalo lamang sumisiklab ang galit sa kaniyang puso.

"Let him stay inside his room." Walang emosyon nitong sagot. Kasing lamig ng Atlantica ang kaniyang boses. "And, I am just here to remind you na pinapatay ko ang mga nilalang na nangingialam sa mga plano ko." Aniya at biglang umitim ang kaniyang mga mata.

Napalunok ng maigi si Kreg. Bigla siyang ginapangan ng kaba sa salita ng kausap.

Death.

Iyon ang tanging salita na umiikot sa kaniyang isipan. Kamatayan. Alam niyang sa oras na magbitaw ng salita ang anak ng reyna ng kadiliman ay gagawin niya ito.

"A-Anong i-ibig mong sabihin?" Pagaring na tanong ni Kreg, abot langit ang kaba.

Marianne smirked. "You know what I mean, Kreg. At binabalaan kita, sa oras na malaman kong nakikipagsabwatan ka kay Ruffa, buhay lang ang walang kapalit." Pagkatapos ng kaniyang banta ay naglaho muli siya, leaving Kreg, whose breathing hobbled. Namutla kaagad siya.

Hindi nagtagal ay dumating sa kaniyang harap ang pamilyar na mukha. Wala itong emosyon.

"Si Arlan?" Tanong kaagad nito sa malalim niyang boses.

"Anong ginagawa mo dito?" Matigas na tanong ng dalaga, palinga linga ang mga mata sa pamamatyag. Baka bigla na namang sumulpot sa harap nila si Marianne.

"Gusto kong makita si Arlan." Si Lars.

"Umalis ka na dito! Baka makita pa tayo ng mga kasama mo!" Pagtataboy nito.

"Nasaan nga si Arlan? Tangina nito."

Nagtiim bagang ang dalaga.

"At ikaw pa ang may ganang magalit? Alam mo bang galing si Marianne dito? Paano kung malaman niyang sinasabotahe mo siya?"

"Edi dead." Sarkastiko nitong sagot.

"Bobo ka ba?! Sa tingin mo ba, basta basta ka nalang papatayin ng babaeng iyon? Pahihirapan ka niya!"

"Eh ano naman ngayon? Gusto ko lang makita si Arlan! Bakit ba mahirap sa'yong gawin iyon?"

Napailing ang dalaga. Hindi siya makapaniwala sa inaasta ng kausap niya ngayon. Talaga lang Lars, ha? 'Di ka natatakot sa kamatayan?

Having no choice, Kreg led the way to Arlan's room. Nang nakapasok na sila sa loob ay tumango si Lars sa dalaga. Umirap naman ito saka umiling. Nakatitiyak siyang pagsisisihan ni Lars ang pagtataksil niya sa kaniyang pinuno.

"Arlan." Walang emosyong tawag ni Lars sa lalaking nakaupo habang nakagapos ang buong katawan ng kuryenteng kadena. Nakatungo siya at mukhang walang malay.

Nag-angat ito ng tingin nang narinig niya ang pamilyar na boses. Sa una ay kinabahan pa siya ngunit kaagad ding nakabawi.

"Lars." Tawag nito, nanghihina. "H-Huwag mo a-akong patayin." Pakiusap niya. Uminit ang kaniyang mata, nagbabadyang tumulo ang luha.

"Tanga. 'Di kita papatayin." Anito.

"B-Bakit ka nandito?" Napahinga siya ng malalim, umaasang hindi pa niya katapusan.

"Itatakas kita, Arlan." Anito saka lumuhod sa harap ng lalaking nakaupo. "Pero 'di ko pa alam kung kailan kita mapapalaya. Masyadong mainit ang mata ni Marianne sa'yo."

Nagbaba ng tingin si Arlan. Pakiramdam niya'y unti unting napupunit ang kaniyang puso. Reminiscing all the vivid memories of them together makes him shed a tear. Paano nagawa ni Marianne sa kaniya ang bagay na ito gayong unang pasukan ng kanilang pagiging grade seven ay mabuti naman ang kanilang samahan? Ni wala siyang maalala na may nagawa siyang kasalanan sa dalaga.

"K-Kailan? Nahanap niyo na ba ang magic paper?" Lumandas ang luha sa pisngi ni Arlan.

Saglit na nagbaba ng tingin si Lara at kaagad ding tinignan ng diretso ang kausap.

"'Di pa nga eh. Pero 'wag kang mag-alala, nasa kanila ang hologram mo. 'Di nga lang nila alam paano gamitin iyon."

"Si Junelle. Alam niya paano gamitin iyon."

Kumunot ang noo ni Lars, naguguluhan.

"Si Amang Junelle? Anong alam niya sa hologram na 'yon?"

"Si Junelle nga. Alam niya 'yon. Meron nga rin siyang hologram eh."

Lars grimaced, puzzled. Bakit walang nakakaalam na may hologram si Junelle? O siya lang ba ang walang alam tungkol dito?

"Alam niya paano manipulahin ang isang hologram. Kaya niyang kontrolin ito. Sa katunayan, siya ang nagbigay sa'kin ng hologram."

"Talaga?" Bulalas nito, hindi pa rin makapaniwala. "Eh pa'no 'yon? Nilagyan ni Marianne ng vuris ang hologram mo?"

"Ang vuris, parang data lang 'yan. Kaya nitong burahin kahit na sinong eksperto nito. Basta, alam ni Junelle ang lahat tungkol sa hologram. Maniwala nalang kayo sa kaniya."

Tumayo si Lars, tuliro pa rin. All this time, may tinatagong kakayahan si Junelle?

"S-Sige." Si Lars. "Sasabihan ko kaagad si Jezelle tungkol dito. Hintayin mo ang muli kong pagbabalik. Itatakas kita."

"Kahit 'wag na." Agap nito. "Mamamatay rin naman ako."

"Tanga ka talaga, Arlan." Inis nitong bulalas. "Sige na. Baka makita pa tayo ni Kreg. Baka malaman niya ang plano ko."

"S-Sige... salamat."

"Saka ka na magpasalamat kung malaya ka na." Aniya at biglang naglaho.

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon