One Down

30 3 1
                                    

"Sure kang okay ka lang?" Pagkaklaro nito. Tumango lang ang kausap kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo sabay hinga ng malalim.

Pinagpatuloy nila ang labanang iyon. Kailangan nilang mapaslang ang mga kalaban.

"Dudes, Luise! Bilisan niyo na!" Sigaw ni Russel na ngayo'y nakikipaglatigo sa mababangis na lobo.

"Bilisan niyo! Nahihirapan na kami!" Segunda ni Daniel na paika-ika pa habang tinatantiya ang katawan ng isang lycan. Kailangan niyang mahuli ang leeg nito para mamatay.

"'Di na kaya ng kapangyarihan ko! Nanghihina na ako!" Singit ni Carla habang tinataboy ang mga kalabang sumusugod sa kaniya. Pinagtatapon niya ito sa pader saka binabalik ang leeg.

"Ito na nga!" Sigaw pabalik ni Janrez na mukhang natataranta.

"Relax, Udo. Kaya natin 'to." Kalmadong sabi ni Luise. Napahinga ng malalim si Janrez saka tumango.

The plan here is to kill the leader of the pack. Konektado ang kaniyang buhay sa buhay ng kaniyang nasasakupan. At marahil ito rin ang nag-uutos para paslangin ang hukbo ni Janrez.

Isinagawa na ng dalawa ang plano. Nahihirapan pa sila dahil mabalasik ang pinuno. Kailangan nilang tantiyahin ito.

Sa unang subok ay nabigo sila. Ang plano ay kailangang mahawakan ni Luise ang anumang parte ng katawan ng pinuno para makontrol niya ang utak nito. Si Janrez naman ay makikipag-usap sa pinuno gamit ang utak.

"Masyadong matigas ang kalaban! Hindi siya nagpapadaig sa atin!" Pahayag ni Janrez.

"Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ni Luise.

"'Di ko alam. Kailangan nating mapadali ito. Nanghihina na silang lahat."

"Russel!" Tawag ni Luise. Nilingon siya ni Russel kaya naman tumilapon ang binata dahil 'di niya nabantayan ang pag-atake ng leon. Nagkaroon siya ng malaking kalmot sa likod nito. Ito ang dahilan kung bakit nanghihina na siya.

"Hala si Russel!" Bulalas nila. Lahat ay napalingon kay Russel. Tinapos muna nila ang kalaban bago nila nilapitan ang sugatan.

"C-Carla," nanghihinang sambit ni Russel.

"Oy, Russel." Si Luise.

"Russel!" Si Janrez.

"Ache!" Si Daniel saka lumuhod sa harap ng nakaratay na kaibigan.

"H-huwag niyo na akong...  alalahanin pa. Kailangan n-niyong matapos ang pinuno."

"Anong gagawin namin, Russel?" Umiiyak na tanong ni Janrez.

"Si... si Carla,"

"Huh? Anong meron sakin?" Naguguluhang tanong ni Carla.

"Kailangan mong... gamitin ang buong lakas mo para hindi makagalaw ang leader. Si Luise naman..." napahinga siya ng malalim. "Hawakan ang kamay nito. Si Dudes," napapikit siya.

"Oy!" Bulalas ng lahat, natatakot na tuluyang mamaalam si Russel.

Nagmulat si Russel ng mata saka ngumiti.

"Si Dudes, lilinlangin niya lang ito. At ikaw, Dan, ikaw na bahala kung paano mo papatayin iyon."

"May sandata ka ba o ano diyan?" Umaasang tanong ni Daniel. Wala siyang alam kung papaano niya papatayin ang pinuno.

Nag-angat ng kamay si Russel at 'di nagtagal, may hawak hawak na siyang espada.

"Bigay sa akin ni Marianne 'to. Ingatan niyo sana at pahalagahan."

"Pero paano ka, Russel?" Umiiyak na tugon ni Carla. "Huwag kang sumuko, ha? Kailangan ka namin."

"Oo. Ayos lang ako." Tumango tango siya, assuring his members that he'll stay.

Makaraan ang ganoong eksena ay pinagpatuloy nila ang kanilang laban. Nagkaroon sila ng lakas ng loob. Para kay Russel, papatayin nila ang lider at makakalabas sila sa ganitong sitwasyon.

Huminga ng malalim si Carla na ngayo'y nakatayo sa malaking halimaw, which is scratching its nails on the ground na parang handang handa na sa pakikipagkarera.

Takot ni pangamba ay wala sa bokabolaryo ni Carla. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay ang kapakanan ni Russel. Para sa kaniya ang labang ito.

May ginagawang pattern si Carla sa hangin habang matalim ang titig sa halimaw. At nang sumugod ang halimaw ay siyang pagbuga niya ng kaniyang kapangyarihan. Nanigas ang halimaw. Kahit anong subok nitong kumawala mula sa mahika ay 'di niya magagawa. Lalo na't mas lalong lumakas ang kapangyarihan ng dalaga.

Sumenyas si Daniel kay Luise. Dali dali naman itong tumakbo papunta sa halimaw at buong lakas na hinawakan ang kamay nito. Mariin siyang pumikit at umawit ng enkantasyon. At tuluyan na ngang nanigas ang halimaw.

Samantala, si Janrez at Daniel ay tumango sa isa't isa. Dinaluhong nila ang halimaw. Si Janrez, kinontrol niya ang isip ng hukbo ng halimaw. At gamit gamit ni Daniel ay espada ni Russel, buong lakas niya itong tinuhog sa puso ng halimaw, dahilan para bumagsak ang tuhod nito sa lupa. Itim na dugo naman ay dumanak sa buong paligid. Isa isang bumagsak sa lupa ang mga nasasakupan nito. At 'di nagtagal, nagsilaho sila. Isang nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa buong paligid hanggang sa nawala ito, kasama ng paglaho ng pinuno na parang bulang pumutok.

"Si Russel!" Bulalas ni Carla at dali daling nilapitan si Russel na ngayo'y nakatalikod mula sa kanila.

"Russel!" Tawag ni Dudes saka tumakbo papunta sa kaibigan.

"Russel." Tawag muli ni Carla at pinaharap ito sa kanila. Ganoon na lamang ang kabiguang dumalaw sa kanila nang tumambad sa mata nila ang isang walang buhay na kaibigan.

Parang huminto sa pag-ikot ang mundo. Nanigas sila sa kanilang nasaksihan. Isang lalaking maputlang maputla na. Nababalutan din ng dugo ang kaniyang buong katawan.

Humagulhol sila sa iyak. Huli na pala ang lahat. Wala na si Russel. Namatay man ang halimaw, buhay naman ni Russel ang naging kabayaran nito. Hindi kailanman matatawaran ang kabayanihan at sakripisyong alay nito, maging ligtas lang ang lahat.

Paalam, kaibigan. Ikaw ay isang bayani.

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon