Nagrupo na ni Arlan ang Ametista at bawat lider ay may sariling hologram. Nakaprogram na roon ang lens na mayroon ang bawat isa. Apat na grupo ang kaniyang nabuo bagamat may limang letra na meron sa codes. B ay para sa Bagumbayan, SG ay para sa San Gabriel, D ay para sa Dulumbayan, P ay may pagpipiliian sila. Pantay, Prinza at Poblacion.
"Alam niyo na ang gagawin niyo. At ngayon, kailangan na nating mahiwa-hiwalay. Tawagan niyo lang ako kung kailangan niyo ng tulong."
Tumango tango ang lahat. Naipaliwanag na ni Arlan ang mga dapat gawin. Batid na ng Ametista na sa bawat lugar na mapupuntahan nila, hindi maiiwasang mapapahamak sila. Kagaya ng alam nila, may mga patibong sa bawat dinadaanan kaya kailangan nilang talasan ang kanilang sensasyon upang walang magiging problema.
Nagkahiwalay hiwalay na ang lahat. Ang grupo ni Arlan ay nilibot ang buong Bagumbayan. Una nilang pinuntahan ay ang Prinza. Doon sila naghanap ng blue energy pero bigo sila.
"Wala sa Prinza ang magic paper." Pahayag ni Arlan nang minsang napagdesisyunan nilang magpahinga. Tirik na tirik na ang araw.
"'Di ba may pagpipilian tayo sa P?" Tanong ni Jezelle pero tunog pagkaklaro iyon.
"Oo." Sagot ni Rica. "Prinza, Poblacion at Pantay."
"Kung wala sa Prinza, baka nasa Poblacion." Sabi ni Ayessa.
"Baka nga." Si Angelika. "Pero puwede rin sa Pantay. Malawak pa naman ang lugar na 'yon."
"'Di naman masyado." Sabi ni Rica. "Magubat lang siya."
"Malapit lang ba 'yon sa Abuyod?" Kunot noong tanong ni Arlan.
"Ewan ko lang." Kibit balikat ni Angelika. "Feeling ko naman 'di na kailangan 'yon."
"Kaya nga." Si Ayessa. "Basta ang importante, cleared na ang Prinza. Sabihan nalang natin sina Kyla.
"Teka..." agaw atensyon ni Rica. "Palengke pa pala."
"Ay oo!" Bulalas nila. "Pero kung palengke, dapat mauna siya sa Dulumbayan."
Napaisip ang lahat sa sinabi ni Arlan. Imposible namang mauna ang Dulumbayan kesa sa palengke.
"Basta. Sina Janrez na bahala roon." Si Rica. Tumango tango naman ang lahat.
Sa kabilang dako, ang grupo naman ni Kyla ay pumunta sa San Gabriel. Nalibot na nila ang lahat pero wala pa silang mahanap hanap na magic paper. Ni wala man lang senyales ang hologram na malapit na sila dito, wala ring bakas ng blue energy.
"Pahinga muna tayo." Sabi ni Rychelle sabay upo sa ilalim ng isang manggahan. "Kanina pa tayo paikot-ikot dito pero wala man lang tayong nahahanap."
"Hayaan niyo na." Si Kyla na nanatiling kalmado kahit sa isip niya'y gusto na niyang sumuko. "Lahat naman tayo napapagod. Magpahinga lang tayo. 'Wag tayong sumuko."
"Tama." Si Sheika sabay tango tango. "'Di porket nahihirapan tayo'y susuko na kaagad tayo. Pagkatapos naman nito, malaya na tayo."
"Sana nga." Umaasang bulong ni Quennie na ngayo'y nakaupo sa isang malaking kahoy habang nakatingin sa malayo. Iniisip niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang kinalaman at koneksyon ni Russel kay Marianne. Nakawiwindang lang dahil ang akala ng lahat, kakampi nila si Russel. Kakampi pala siya ng kaaway.
"Tawagan natin sina Arlan. Kailangan natin ng updates." Si Kyla saka may pinindot sa hologram. "Baka kasi nasa kanila na ang magic paper tas todo hanap pa tayo."
"Sige," tugon nila. "'Di ba buong Bagumbayan ang lilibutin nila?" Pagkaklaro ni Kyla. "May kalakihan rin 'yon. Mas nakakapagod ang trabaho nila."
"Kaya nga," si Sheika. "'Wag tayong magreklamo kasi pare-pareho lang tayo."
Kagaya ng plano, tinawagan ni Kyla si Arlan gamit ang hologram nito. Sinagot naman kaagad ang tawag.
"Napatawag kayo?" Bungad kaagad ni Arlan nang sinagot nila ang tawag.
"Wala kaming nahanap, Arlan." Malungkot na sabi ni Kyla. "Feeling ko naman wala talaga rito ang magic paper."
Napabuntong hininga ang grupo ni Arlan. Nakakapanghina ang balitang iyon.
Huminga ng malalim si Arlan. "'Wag kayong mawalan ng pag-asa. Marami naman tayo. Kaya natin 'to."
"Sana nga." Si Sheika. "Kayo? Anong balita?"
Nagkibit balikat si Arlan. "Wala rin dito ang magic paper. Feeling ko nasa Dulumbayan lang 'yon."
"Tawagan kaya natin sina Dudes?" Suhestiyon ni Rica.
"Mamaya na." Agap ni Angelika. "Hayaan niyo muna sila. Saka, pagkatapos nito, doon nalang tayo magkita kita. Magtutulungan na tayo para mapadali ang paghahanap ng magic paper."
"Oo nga." Sang-ayon ng lahat.
Ang grupo ni Kyla ay napagdesisyunang pumunta ng San Roque samantalang ang grupo ni Arlan ay nanatili sa Bagumbayan. Prinza pa lang ang napuntahan ng kaniyang grupo. May Carissa I at II pa saka Bulak.
"Kung wala sa San Gabriel, baka nasa San Roque." Biro ni Sheika.
"Pero duda ako." Ani Kyla kaya naagaw niya ang atensyon ng lahat. "Baka naman niloloko lang tayo ni Marianne. Malay mo nasa kaniya talaga ang magic paper."
"Kaya nga e." Napabuntong hininga si Quennie. "At kailangan nating makasiguro."
"Anong ibig mong sabihin?" Takhang tanong ni Rychelle.
"Napapansin niyo ba ang kilos ni Russel?" Tanong nito pabalik.
"Ha?" Naguguluhan nilang bulalas. Huminga naman ng malalim si Quennie.
"'Di ako sure, guys, pero feeling ko kasabwat ni Marianne si Russel."
"Paano mo nasabi?" Tanong ni Sheika.
"Saka, sigurado ka ba?" Segunda ni Kyla.
"'Yon na nga." Humalukipkip siya. "Kailangan nga nating makasiguro. Feeling ko, feeling ko lang naman, kalaban natin si Russel."
"Imposible naman 'yan, Quennie." Si Rychelle.
"Alam ko." Agap ng kausap. "Kaya nga imposible nga pero paano kung posible?"
"Posibleng alin?" Si Kyla. "Posible na kakampi ni Russel si Marianne?"
"Bakit hindi? Si Lars nga saka 'yong boys, kakampi ni Marianne."
"Pero may dahilan 'yon." Agap ni Sheika. "Saka 'di ba, dahil sa kaniya, nabalik si Arlan sa atin?"
"Alam ko, okay?" Umirap si Quennie. "Pero puwede namang palabas lang din ang lahat ng 'to."
"Nakakalito ka, Quennie." Kyla joked, trying to lighten the mood of everyone. Sinamaan naman siya ng tingin ni Quennie. "Saka na muna natin 'yan isipin kung maayos na ang lahat."
"Itanong nalang kaya kay Lars?" Suhestiyon ni Rychelle.
"Sinubukan ko pero 'di siya umamin."
"Ha? Edi may alam talaga siya?" Si Kyla na ngayo'y nawiwindang sa kaniyang narinig.
"Oo, meron. Sabi niya sa akin, 'wag ko raw alamin kung ano ang code ni Russel dahil masisira ang plano nila."
"Plano nila?" Pag-uulit ni Sheika. "Ibig sabihin, may dahilan kung bakit pumapanig si Russel at Lars kay Marianne."
"Kung ano man iyon, mali pa rin 'to." Giit ni Quennie. "Pinapahamak nila ang kanilang mga sarili."
'Di na nagsalita pa ang kaniyang kagrupo. Kung ano man ang pinaglalaban ni Quennie, sa kaniya na iyon. All they could do is to respect it.
BINABASA MO ANG
The Chronicles of Ametista (Part 1)
FantasyHow far will you go just to succeed in your mission? When everything else falls apart, to whom will you hold on?