Hindi Makakalimutan

45 3 0
                                    

Hinang hina ang Ametista sa kanilang nakita. Isang walang ulong katawan na nakahandusay sa sahig, tumatalsik ang dugong lumalabas mula sa ulo.

"Wala kang awa!" Sigaw ni Rica.

"Magbabayad ka!" Sigaw ni Trixie at inatake si Marianne.

Met built walls made of the combination of tungsten, steel, chromium and titanium. This is the strongest metal ever built in her history.

Dumilim ang kalangitan, nagbabadyang bumuhos ang ulan. Kumikidlat at kumukulog. The entire place is in chaos.

Bago pa maatake ni Trixie si Marianne ay dinaluhong na siya ni Met. Tumilapon si Trixie dahil binangga siya ng bakal na babae.

Kumilos kaagad ang Ametista. They all activated their powers. Si Jezelle ay nagkalahating apoy, kalahating yelo. She's burning and freezing at the same time.

Sabay sabay nilang inatake si Marianne. Sabay sabay din silang inatake ng kaniyang mga kagrupo.

Naglaban laban ang lahat. Maingay ang bawat pagbangga ng kanilang mga sandata. Ang iba ay sa ere nag-aaway, ang iba naman ay sa lupa.

Jezelle attacked Kinesis, using her balls of fire and ice. Mahusay namang iniilagan ng kalaban iyon habang tumatakbo palapit sa kaniya.

"Harapin mo ako, Marianne!" Sigaw ni Kyla sa galit habang umiikot dahil hinahanap ang kalaban. "Duwag ka pala e!"

"Looking for me?" Marianne playfully said. Napaikot ng katawan si Kyla para harapin ang kalaban ngunit bigo siya dahil walang babaeng itim ang nagpapakita. Sa sandali pa'y tumilapon siya at bumunggo sa bakal na pader. Dumaing siya pero kaagad ding nakabawi.

The black girl came into view with her smirk. With her blunt dark eyes, black lips and firm stance. Tumayo ng maayos si Kyla kasabay ng paghinga, not minding the havoc around her.

"Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ka pero napakasama mo!" Sigaw nito sa galit.

Marianne smirked. "Mas mainam na wala kang alam tungkol sa akin, Kyla. 'Cause if that so, para na ring binaon mo ang isa mong paa sa lupa. Remember, too much curiosity will lead you to death."

"Nasa iyo na si Earl, 'di ba?! Bakit hindi mo pa kami tatantanan?!"

Marianne laughed richly, amazed with Kyla.

"Seriously? Sa tingin mo ganun ganun lang 'yon? No, Kyla. Hindi ako papayag na matatapos ang labang ito dahil lang nasa akin si Earl. I want all of you to die."

"To die? Tanga ka ba? Isasali mo 'yong mga inosente? You're such a desperate lover. Hindi mo siya kayang bawiin mula sa akin dahil aminin mo man o hindi, I'm way better than you-" natigil siya sa pagsasalita dahil mabilis siyang inatake ng dalaga. Mahigpit at marahas ang pagkakahawak nito sa kaniyang leeg. At halos magiba ang bakal na pader sa pagiging malakas niya.

"You're better than me? Then prove it!" Singhal nito. Naging itim ang kaniyang mga mata at umihip ang malakas na hangin. Natatangay ang iilang Ametista. Nabibiyak ang lupa, dahilan para mabungkal ang mga puting krus.

Hirap na hirap ng huminga si Kyla. Pilit niyang paalisin ang kamay na nakahawak sa kaniyang leeg ngunit masyadong malakas ang kalaban. Mabuti na lamang at natunugan iyon ni Via. Inatake niya ito, dahilan para tumilapon si Marianne. Marianne's group gasped pero wala silang magagawa. Hindi nila matutulungan ang pinuno dahil nakikipaglaban din sila sa ibang Ametista.

Nauntog ang ulo ni Marianne sa bakal na pader. Bumagsak kaagad siya sa lupa. Natigil ang mga nag-aaway dahil tinignan nila ang babaeng walang malay.

"Si Marianne!!!" Bulalas ni Cyan. Her eyes turned to white. At pagkunway mabilis siyang tumakbo habang namumuo ang mga nagyeyelong tinik sa kaniyang balat hanggang sa humaba ito. Huli na nang napansin siya ni Via. Inangat ni Cyan ang kaniyang kamay at buong lakas na sinakal ang kalaban. Natigil sa paghinga si Via kasabay ng pagbangga ng kaniyang likod sa pader.

"Such a reckless fighter." Cyan grawled. At sa sandali pa'y bumaon ang lahat ng yelong tinik sa kaniyang katawan. Kahit ang bakal na pader ay hindi nakaligtas sa pagiging matulis nito. Dumiretso ito sa likod.

Dumanak ang dugo. Bumubuga ang bibig ni Via ng dugo. Maging ang mga butas sa kaniyang katawan gawa ng yelong tinik.

"Via!!!" Sigaw ni Glaiza at umatake. Pero bago pa siya makaabot sa kalagitnaan papunta sa kaaway ay tinanggal ni Cyan ang yelong tinik sa katawan ni Via at pinalipad ito papunta sa gawi ni Glaiza. Bumaon ang mga ito sa katawan ng dalaga, dahilan para manigas ang kaniyang katawan. Itinaas siya sa hangin saka marahas na itinapon sa bakal na pader. Nagkaroon pa ng lubak ito sa tindi ng impact.

Walang nagawa ang Ametista kung 'di ang manood na lamang. Gustuhin man nilang sumugod, naninigas ang kanilang mga katawan dahil sa kapangyarihan ni Erebo. Kontrolado nito ang kanilang isip at katawan.

"Marianne." Sambit ni Cyan at tumakbo palapit sa katawan nito. Kumilos din sina Claud at iba pang hukbo. They all looked worried.

"Let's take her home." Suhestiyon ni Cyan. Sumang-ayon naman ang lahat. At pagkunwa'y, lahat sila ay nagsilaho. Iniwan nila ang Ametista na ngayon pa lang nakagalaw pagkatapos ng lahat ng nangyari.

"Via!"

"Glaiza!" Sabay sabay nilang bulalas at nilapitan ang mga bangkay.

"Via..." nanghihinang sambit ni Carla at pinahiga ng maayos ang babaeng duguan.

"C-Carla..." nanghihinang sambit nito.

"Huwag kang susuko, okay?" Nagsisimula ng bumuo ang kaniyang mga luha. "Kaya natin 'to." Nagsisiunahan nang bumagsak ang kaniyang mga luha.

"A-Ayoko na... 'd-di ko na... kaya..."

"No." Panay siya sa pag-iling. "Kaya natin 'to, Via!"

"Via!!!" Bigong sambit ni Nicah.

"Via..." umiiyak na tawag ni Merlaine. Katabi niya si Ela na umiiyak rin.

"S-Salamat sa... pagiging parte ng high school ko. Hinding hindi ko kayo makakalimutan."

"Via!!!" Umiiyak nilang sambit.

"Nasaan ba si Kyla?! Gamutin na niya si Via!!!" Natatarantang usal ni Rychelle.

"Kyla!" Tawag ni Rica sa babaeng nakaluhod ngayon sa gilid ni Glaiza. Hawak hawak niya ang kamay ng naghihingalong babae. Kahit siya'y kritikal na rin ang kalagayan. Hindi magtatagal ay bibigay na ang kaniyang katawan.

"You all are the best part of my high school." Panimula ni Glaiza. Nakakapagsalita pa siya nang maayos. "Salamat dahil naging kaklase ko kayo. Hinding hindi ko kayo makakalimutan."

"Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan, Glaiza!" Inis na sabi ni Jezelle na ngayo'y basang basa sa luha ang mukha. "Lalaban pa tayo!"

Glaiza smiled sweetly. "Hindi na ako aabot, Jezelle. Hindi na..." at pagkatapos ay dahan dahang sumara ang kaniyang talukap. Bumagsak ang kaniyang kamay na hawak hawak ni Kyla, tanda na wala na talaga siya.

"Glaiza!!!"

"Via!!!" Sabay sabay nilang sigaw sa sakit at pighati. Lahat ay umiiyak at nagdudusa. Poot at galit ang namamayani sa kanilang mga puso. Sisikat din ang araw. Liliwanag din ang madilim na mundo.

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon