Prayoridad

31 2 3
                                    

Pagkatapos mag-usap nila Lars at Cyan ay tumungo ang binata sa kampo ni Kreg. Maingat niyang pinasok iyon upang 'di siya mahuli. Alam niyang kakampi ni Kreg si Marianne.

Binabaybay ni Lars ngayon ang kahabaan ng hallway papunta sa silid ni Arlan. Nang nahanap niya ang tamang lugar ay palinga linga siya sa paligid. At nang may narinig siyang yabag ng mga paa at boses ay dali dali siyang nagtago sa isang pader. Mabuti at nilagpasan lang siya ng mga kawal at nang wala ng peligro ay dali dali niyang pinasok ang silid ni Arlan.

Nakita niya kaagad ang bihag nang nakapasok na siya. Sinara niya ang pinto ng silid at dali daling nilapitan si Arlan na ngayo'y nakaupo habang nakagapos ang buong katawan. He looks so fragile at nakakaawa.  Mabuti nalang talaga at walang bantay dito sa loob dahil kapag meron, baka katapusan na niya.

"Arlan," halos pabulong na tawag ni Lars at niyugyog ang balikat ng bihag. "Arlan!" Madiin nitong tawag at mas nilakasan ang pagyugyog kay Arlan. At sa wakas ay nagising ito. Nang nakita nito si Lars ay gulat siyang napaatras na tila takot na takot. "Shsh. Ako 'to, si Lars." Pampalubag loob nito. Napahinga naman ng maluwag si Arlan na tila nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Arlan at napalingon sa bandang pinto.

"Nandito ako para iligtas ka. Kailangang kailangan ka talaga namin ngayon, Arlan. Ikaw ay isa sa mga susi para mahanap ang magic paper."

"Magic paper?" Takha nitong tanong. "Hanggang ngayon ay 'di niyo pa rin nahahanap 'yon?"

"Tanga. Kailangan ka nga namin. Kaya 'wag ka ng maraming satsat pa. Kailangan na kitang pakawalan."

"'Di ba tayo mapapahamak nito?" Nag-aalala niyang tanong. Makalaya nga sila, mamatay din naman kapag mahuli.

"Relax," pagmamayabang niya. "Ako yata si Sketch." He wiggled his brows.

Nilabas ni Lars ang isang sketchpad at lapis. Tinignan niya ang lock sa katawan ni Arlan at pinag-aralang mabuti ang itsura ng susi. At nang nakuha na niya'y iginuhit niya ito. Maingat niyang ginagawa iyon at talagang pinagpawisan siya. Kakaiba ang locker kaya kakaiba rin ang susi. Mabuti at sanay na sanay siya sa pagguhit.

Pagkatapos niyang mabuo ang itsura ng susi ay hinipan niya ito. Umilaw ang sketchpad at sa sandali pa'y may lumutang na isang susi. Kumikinang ito sa mahika. Inangat ni Lars ang kaniyang palad upang tanggapin ito at nang nasa palad na niya'y naglaho ang liwanag.

"Makakalaya ka na rin sa wakas." Pang-aasar nito at dali daling pinasok ang susi sa kandado. Nabuksan ang kandado at dali dali namang kumalas si Arlan mula sa makapal na kadena. Kailangan nilang makalabas ng maaga hangga't kaya nila. Delikado kung matatagalan pa sila.

Tumayo na si Arlan. Tumango si Lars at hinawakan ang kamay nito saka bigla silang naglaho.

Dumating ang dalawa sa loob ng silid ng Ametista. Halos lahat ay nawindang nang napagtanto nilang si Arlan iyong kasama ni Lars.

"Arlan!!!" Bulalas ng lahat at sinugod si Arlan ng yakap. Naiyak pa sila sa sobrang tuwa. "Arlan!" Naiiyak nilang tawag saka kumalas mula sa binata. Suminghot ang mga ito saka nagpunas ng mukha.

"Akala ko patay ka na." Naiiyak na sabi ni Jezelle. Natawa naman si Arlan doon.

"Hindi namin kayang mawala ka, Arlan." Singit ni Jhenrish. Napabaling naman sa kaniya ang binata. "Kailangan ka namin para mahanap na ang magic paper."

"Si Junelle?" Tanong ng binata. Lahat ay napatingin sa likuran nila. Nakita nila si Junelle na ngayo'y ngiting ngiti.

"Arlan." Sambit nito saka niyakap ang kaibigan. Niyakap naman siya pabalik nito.

Kumalas si Junelle mula sa kaniyang kaibigan. Maging siya ay naiyak rin sa pagbabalik ng matalik na kaibigan.

"Sana... hindi ka na mawawala pa, Arlan." Umaasang sabi ni Kyla. Ngumiti naman ang binata saka bumaling kay Lars.

"Salamat kay Lars. Siya ang nagligtas sakin."

Jezelle looked away. Nagkamali siya ng paghusga. Pero masisisi ba siya ng sinuman? Ayaw niya lang maloko ulit. Ayaw niyang umasa sa wala. She knows Lars as the master of deception. Ayaw na niyang magtiwala pa ulit dito lalo na't iba ang pinapakita niya sa kaniyang sinasabi.

"Wala 'yon, Arlan." Si Lars, kunwari humble. "Gusto ko lang naman talagang makatulong eh."

"Paano si Marianne?" Alalang tanong ni Carla. Napabaling sa kaniya ang iilan.

"Kaya nga." Si Nicah. "Kapag malaman niyang traydor ka, baka papatayin ka niya."

"'Di bale na." Ngumiti siya ng mapakla at isa isang tinignan ang mga kaklase.

Naalala niya bigla si Cyan. Kumusta na kaya ang dalaga? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung sakaling malaman nito ang totoo? Na hindi lang niya pinako ang kaniyang pangako kundi nagsinungaling din ito sa kaniya. Tinalikuran niya ang buong hukbo para sa Ametista.

"Sana... maiintindihan ka niya, Lars." Umaasang sabi ni Ayessa.

"Oo nga." Segunda ni Janrez. "Pero 'wag kang mag-alala, nandito naman kami. Hinding hindi ka namin iiwan."

"Salamat." Tipid siyang ngumiti. "Sige na. Kailangan ko na palang bumalik. Baka hinahanap na ako."

Napalunok siya ng laway. Tanging nasa isip niya ngayon ay si Cyan. Ayaw man niyang saktan ang dalaga, alam niya pa rin ang kaniyang prayoridad. Isa pa, dati niya pang plano ito. Alam niyang kumampi siya kay Marianne para malaman ang baho nito.

"Ingat ka, Lars." Si Rychelle.

"Ingat, Lars." Si Abrielle.

"Ingat." Halos sabay sabay nilang sabi. Tumango naman si Lars saka biglang naglaho sa harap ng lahat.

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon