Bangkay

39 2 2
                                    

"Nasaan na 'yong lens?" Tanong ni Arlan.

Ngayon ay kumikilos na sila para sa magic paper. Gabi man ngayon, hindi iyon naging hadlang para gawin ang dapat. Mas mainam na rin para bukas, kikilos na lamang sila.

"Eto." Si Jhenrish at ibinigay kay Arlan ang tatlumpung piraso ng lens.

"Ito na rin 'yong hologram mo." Si Junelle saka nilapag ang hologram ni Arlan sa mesa.

"Salamat." Anito saka ngumiti.

Arlan programmed the lens to the hologram. Kung ano ano ang pinipindot niya na hindi masubaybayan ng lahat dahil bukod sa mabilis ito, wala naman silang alam sa hologram.

"Sure ka na bang mahahanap na natin ang magic paper, Arlan?" Tanong ni Rica.

"Oo." Sigurado nitong sagot. "Pagkatapos nito, ie-explain ko ang mangyayari."

Tumango ang Ametista. May tiwala naman sila kay Arlan kaya wala problema iyon. Noon pa ay pinagkakatiwalaan na nila ang binata dahil naniniwala silang tunay nila itong kakampi.

"Paano kaya si Lars, ano?" Wala sa sariling tanong ni Angelika na ngayo'y tulala.

"Kaya nga e." Sagot ni Ayessa. "Hindi kaya siya mapapahamak?"

"He chose us." Si Jezelle. Napabaling ang iilan sa kaniya. Maging si Arlan ay napahinto sa kaniyang ginagawa para pakinggan ang kaibigan. "Akala ko wala siyang kwentang tao. Kilala natin siya. Isa rin siyang tusong tao. Pero nang niligtas niya si Arlan, I realized I judged him in a wrong way."

"Lahat naman tayo nagkakamali ng paghusga." Si Princess, dahilan para makuha niya ang atensyon ng lahat. "Kahit 'di natin alam ang totoo, batay sa pagkakaintindi natin o sa narinig, iyon na kaagad ang paniniwalaan natin."

"Tama." Si Sheika. "Nanghuhusga tayo kasi 'yon 'yong una nating impression."

"But you can't blame me." Giit ni Jezelle. Nagkibit balikat na lang si Arlan at pinagpatuloy ang pagggawa. "Kilala natin si Lars sa simula pa lang."

"Pero 'di natin inasahan na malaking tulong pala siya sa atin." Singit ni Janrez.

"Oo nga." Si Jezelle. "Pero 'di ba... ang mahalaga ay nakatulong siya? Na, siya 'yong dahilan para mabalik si Arlan sa atin?"

"Feeling ko nasa kampo nila sina Jonas at Kurt." Singit ni Junelle.

"Posible." Sagot ni Arlan. Napatingin ang ilan sa kaniya na ngayo'y naghihintay nalang ng complete process. Kapag mapuno ang bar, naka-access na ang thirty lenses sa kaniyang hologram. "'Di naman puwedeng mahiwalay ang mga lalaki sa kaniya."

"Buhay pa kaya sila?" Biglang napatanong si Trixie. "I-I mean, 'di ba nga nasa kampo sila ni Marianne?"

"Puwede namang nanumpa ng katapatan 'yong mga lalaki sa kaniya." Si Shane. "Pinuno si Marianne. Imposibleng wala siyang nakukuha mula sa boys."

"Oo. Parang ganoon na nga." Sabi ni Luise.

Nag-iwas ng tingin si Russel. He felt guilty about something he did. But he knows in himself na may dahilan kung bakit siya si Erebo at kailangan niyang kumampi sa kadiliman.

"Ano kayang feeling ng pagiging alagad ng babaeng iyon, ano?" Kuryosong tanong ni Daniel. Napaisip rin ang iba, puwera kay Russel.

"S-Sigurado akong h-hindi madali 'yon." Utal nitong sabi.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Nicah.

"Kaya nga." Segunda ni Abrielle. "Unless na-experience mo na, right?"

Pinagsalubong ni Russel ang kaniyang makapal at maitim na kilay.

"H-Ha? H-Hindi pa. I mean... 'di ba nga kilala si Marianne sa pagiging malupit? Imposibleng walang dinaranas na mahirap na pagsubok ang sinumang mangahas na maging alagad niya."

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon