Hidden Desire

89 5 5
                                    

"By the way," huminto sa paglalakad si Pyro at hinarap ang grupo ng kalalakihan. "I still don't know who the fuck are you and where the hell you came from." Seryosong pahayag niya.

"I'm Jonas." Pakilala ng lalaking mahawk style ang buhok, plastering his odd smile.

"TJ." Nakangising pakilala ng lalaking nakasalamin.

"Kurt." Pakilala ng lalaking nakasalamin at maitim with his deep voice.

"And you are?" Tumaas ang isang kilay ni Pyro, looking at the boy who is very silent.

"Josh." He curtly said. Sumilay naman ang ngiti sa labi ng mga babae. They like him. Tahimik at nasa loob ang kulo. They believe this boy is a good observer.

"O anong tinitignan niyo?" Usisa ni Kurt na ngayo'y nababagot. Alam niyang guwapo ang kaniyang kaibigan at 'di na nila kailangang titigan dahil baka matunaw.

Nilingon ni Pyro si Kurt. "Be careful with your words, crinkled head. I might burn you into ashes." Pagbabanta ng dalaga. Kanina pa siya nagtitimpi sa ugali ni Kurt. Kurt is such a pain in the ass.

"Sorry." Nakaipit-labi niyang sabi. Kita tuloy ang dalawa niyang biloy. Samantalang umirap lang si Pyro saka umikot at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman sa kaniya ang mga babae.

"Kaw kasi! Daldal mo." Sita ni TJ.

"Anong ako?" Depensa kaagad ng binata.

"Ikaw naman talaga, e! Masyado kang mimi." Si Jonas sabay aktong susuntukin ang kausap.

"Mimi? Wak ni Tak!" Aniya sabay aktong lumilipad. Tumawa nalang ang grupo at napailing. Abnormal talaga siya kahit kailan.

Patuloy sila sa paglalakad sa mahabang corridor. It's not an ordinary corridor. It is made of glass at pagtingin mo sa baba, machines are all over the place. May mga puting usok na lumalabas mula doon. At gumagana lang sila kahit walang nag-o-operate.

"Astig! Kailan pa napunta si Lars dito?" Manghang tanong ni Jonas sa kawalan. Nang narinig ito ni Pyro ay napaismid siya.

"Oo nga e. Nipa hut ba talaga 'to?" Takhang tanong ni Kurt. "Para kasing bahay kubo."

"Bobo!" Sabay sabay na bulalas ng kalalakihan sabay torpe sa kaniya. Nanggigil ang kaniyang mga kaibigan.

"Ano?" Angil ni Kurt na ngayo'y nakahawak sa kaniyang ulo. Ikaw ba naman hampasin sa ulo kung hindi ka ba masasaktan.

"Pabibo ka talaga." Si Jonas sabay irap. "Bida bida amputa."

Naguguluhan pa rin si Kurt sa inasta ng kaniyang mga kaibigan. May mali ba sa sinabi niya? Masama bang magkonklud?

"That's enough." Maawtoridad na sabi ni Pyro sabay harap sa mga lalaki. Natigil naman sa pagsasalita ang grupo at tila nakakita ng multo dahil sa paninigas. "I will give all of you a room. Each of you will stay on your own room unless someone will pick you up."

"Teka... teka lang ha?" Awat ni Kurt. "Puwede bang 'wag kang mag-English? Bobo kasi ako e."

"Puwede naman kasing magtagalog." Singit ni Jonas.

"May pa-english nga kasi si mayor."

Right after TJ finished his line ay tila isang mabilis na sasakyan ang dumaan sa kanilang gilid. Now that they are surrounded with fire, natigil sa pagloloko ang mga lalaki. Lumunok sila ng isang beses at doble ang tahip ng puso.

"I hate garrulous people like all of you... except Josh because he's so silent. And I don't want to hear any word from you if you don't want to taste my fire."

Not in a second, the fire blazed. Napaiktad ang lahat, takot na baka mapaso. At pagkatapos noon ay nawala na ang apoy na parang bula. Bumalik sa normal ang lahat, kasabay ng pag-alis ni Pyro sa kanilang harapan.

Napailing ang isang babaeng may tattoo sa leeg. It's a snow flake na kulay bughaw.

"She's the fire elemental." Panimula ng babae. "That's why she's Pyro. And I'm Cryo, an ice elemental. If you have any plan of bugging me, you better prepare yourselves." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Iniwan niya ang mga lalaking nakatunganga sa kawalan. Ni isang salita niya ay hindi nila naintindihan.

Ano? Pyro? Cryo? Fire and Ice elementals? What the hell!

Sa kabilang dako, pumasok sa isang isolated room ang lider ng grupo ng kalalakihan. He is protected by group of agents na nakasuot ng bakal na kasuutan. Armors and weapons are inside of it.

"Where is the hostage?" Tanong ng lider.

"He's in the E-C." Sagot ni Kinesis, the power manipulator. She has the ability to control and manipulate someone's special ability.

Hindi na umimik pa ang pinuno bagkus diretso niyang tinahak ang isang gate na gawa sa ginto. Kusa itong bumukas nang na-detect ang kaniyang enerhiya.

Then he saw a conscious man, with closed eyes, sitting in a metallic chair which is programmed to a machine. His veins almost burst in great force. He's trying to escape but the more he tries, the more the energy he losses.

"Stop trying." A cold voice echoed inside the room.

The target slowly opened his eyes. Nakilala niya kaagad ang boses ng lalaki. Dinalaw siya ng kaba at pagtataka. Hindi siya puwedeng magkamali. Kilala niya ang boses na iyon at sa kaklase niya lang 'yon!

"L-Lars?" Nanghihinang sambit ng bihag.

"Yes?" He replied with his blunt voice.

"A-Anong ginawa mo dito?"

Lars tilted his head, propping his hand on his side. "Ewan." Sabay kibit balikat nito.

"N-Nasaan sila?"

"Ewan." Kibit balikat muli ng lider. Nasisiyahan siya sa mukhang ipinapakita ng bihag.

"Traydor ka!" Sigaw nito at pilit na pumiglas. Ngunit bigo siya dahil mas malakas na puwersa, mas malakas na boltahe ng elektrisidad ang dadaloy sa kaniyang katawan.

Lars chuckled. Umismid naman ang kaniyang mga kasamahan.

"Look who's talking." Panunuya niya. "Stop playing innocence here, Arlan. I know you have hidden desire."

"Fuck you!" He cursed so loud that it bumps off in every corner.

Humalakhak lang si Lars sabay iling. Nasisiyahan siya sa mga nangyayari.

"Keep an eye on him." Malamig na turan ni pinuno sa kaniyang miyembro. Tumango naman sila. Sa sandali pa'y umikot ang lider saka lumabas ng room, leaving Arlan who is burning with anger.

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon