Back Off

85 7 0
                                    

"Is she dead?" Tanong ni Rychelle, fanning the air of smoke.

"Wait..." eksena ni Shane at tinaas ang kaniyang palad, dahilan para humangin ang paligid. Naging maaliwalas ang paligid. Kulang na lamang ay ilaw. Then Shane turned to Rica and nodded. Ganoon din ang ginawa ni Rica.

Inangat ni Rica ang dalawa niyang kamay. May puting ilaw ang lumabas doon. Una ay manipis lamang hanggang sa naging makapal ito at binalutan ng liwanag ang buong paligid.

Tila isang paraiso sa liwanag ang buong paligid. Dahan dahan silang humakbang sa katawan ng isang babae. She's dead. Iyon ang gusto nilang mangyari. Si Marianne lang naman talaga ang problema nila, eh. Bukod sa nawawalang Arlan.

"Ayessa..." sambit ni Jezelle habang nakatingin lang sa walang malay na dalaga. "Check her energy."

Tumango ang dalaga. Sa sandali pa ay itinaas niya ang kaniyang palad at mariing pumikit.

There is a weak energy which travels along her veins. Mahinang mahina that she couldn't almost feel it.

Nagmulat siya ng mata. Lahat ng mga mata'y nasa kaniya. Hinihintay ang dapat niyang sabihin.

"She's partially dead." Ayessa declared. Napabuntong hininga naman ang lahat.

"Anong gagawin natin sa katawan niya?" Tanong ni Rica.

"I will heal her." Pahayag ni Kyla na agad ding tinutulan ng lahat.

"Pagkatapos ka niyang saktan, gagamutin mo siya?" Kunot-noong usal ni Jezelle na dismayado sa kausap.

"Wala namang masama." Giit niya.

"Muntik ka ng mamatay, Kyla!" Untag ni Quennie na ngayo'y naiirita sa inaasal ng kaibigan.

"Alam ko." Agap ng dalaga. "Pero hindi ko rin kayang tignan lang siya ng ganiyan."

Umiling ang ilan, dismayado kay Kyla. Ngunit buo ang desisyon ni Kyla na gamutin ang walang malay na kaklase. Umaasa siyang paggising nito'y makakakuha siya ng impormasyon tungkol kay Earl. Kung sino ba ang lalaking ito at ano ang nakaraan nila.

"Let's keep her in an isolated room." Pahayag ni Angelika.

"Doon ko na rin siya gagamutin." Pahabol ni Kyla.

"Nababaliw ka na ba talaga?!" Singhal ni Sheika. Her eyes turned to flames.

"Sheika..." pagpigil ni Jhenrish. She touched her kaya napakalma ang nagbabaga niyang mga mata.

"I need to know kung anong meron sa kanila ni Earl. Kaya sa ayaw at sa gusto niyo, gagamutin ko siya." Deklara ni Kyla sabay ikot ng katawan para lapitan si Marianne.

"You don't know her capabilities." Luise declared, hoping it would change Kyla's mind. Pero buo na ang desisyon ng dalaga. Kahit na sino pa ang tututol, hindi mababago ang kaniyang isip.

"Let's keep her in isolated room. Sa room 204." Carla said and walked towards Kyla. Lumutang naman ang katawan ni Marianne. Her hands and feet are swung in the air. Wala nga talaga siyang malay. She looks like dead. At iyon ang hinihiling ng ibang Ametista. They believe she's the hindrance of success of Amethyst. She deserves to die.

Dinala ang katawan ni Marianne sa room 204. It is an isolated room that is covered with darkness. May mga machine doon for the patients. And even a stretcher.

Marianne's hands and feet are tied with electronic metal. Kapag magbabalak siyang tumakas ay may dadaloy na malakas na boltahe sa kaniyang ugat na makakapanghina sa kaniyang katawan.

Kyla raised her palm. Isang violet light ang lumabas mula doon. Sa sandali pa'y pumikit siya at sinimulan ng gamutin ang dalagang nakahiga. At kahit na alam niyang ikapapahamak niya ang paggamot sa dalaga, mas pinili niyang gawin ito para sa ikatatahimik ng kaniyang utak.

"Sino ba si Earl? Bakit sabi ni Marianne ibalik mo siya sa kaniya?" Inosenteng tanong ni Carla na punong puno ng kuryosidad. Nag-iwas naman ng tingin ang kaniyang kausap. Her breathing hitched. Parang kinurot ang kaniyang puso.
"'Di ba jowa mo siya?" Dagdag nitong tanong na ikinalungkot ng kausap.

Jowa mo, Kyla? Where is he now? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo maayos? Na hanggang ngayon ay wala pa rin kayong koneksyon sa isa't isa?

"I-I don't know our real status." Si Kyla sabay kagat ng kaniyang labi. "The last time I checked, hindi kami maayos." Tumingala siya sa kausap. "Remember the earthquake nang nasa McDo tayo?"

Pinagsalubong ni Carla ang kaniyang mga kilay. Palinga linga ang kaniyang mga mata, inaalala ang pangyayaring lumindol nang nasa McDo sila.

"Bakit? Anong meron?" Takhang tanong ni Carla. Nilingon niya si Marianne na ngayo'y maputla ang balat. "'Di ba si Marianne ang may pakana ng lahat ng 'yon?"

Nalulunod si Carla sa dinami-rami ng kaniyang iniisip. Ayaw niyang manghula. Gusto niyang ibigay kaagad sa kaniya ang impormasyon.

"Si Earl ang may gawa noon."

Carla gasped in disbelief. "Bakit daw?"

Kyla shrugged her shoulders saka nilakad ang uluhan ng pasyente.

"Wala siyang sinabi, eh. I tried to get rationales from him pero ayaw niya akong sagutin. Ni hindi siya makatingin sa akin ng diretso."

"Baka dahil kay Marianne?" Carla concluded, making Kyla turn around to face her.

"Bakit naman dahil kay Marianne? At paano ka nakasisigurong dahil nga 'yon sa kaniya?"

"Hindi ko rin alam. Pero ano ba? Wala ba siyang sinabi tungkol kay Marianne? Or kahit sa past love man lang niya?" Umaasang tanong ni Carla.

Napabuntong hininga muli si Kyla. Her heart is sinking vigoriously. Parang nalulunod na barko. Hindi niya alam kung anong gagawin niya para mawala ang sakit sa kaniyang dibdib.

"Wala." She curtly answered at nagtiim ng bagang. Ayaw na niyang mapag-usapan ang ganitong bagay. Carla should back off before Kyla bursts into havoc.

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon