Dito

23 1 0
                                    

"Ang gaganda ng mga sandata mo." Komento ni Merlaine habang pinagmamasdan ang mga ito sa gitna ng ngiti. "Siguro alam mo kung paano gamitin ito lahat."

"Oo." Nakangiting sagot ni Katmon. "Ipinasa sa akin ang mga kagamitang iyan. Mahigpit na pinagbibilin sa akin ni ina na ingatan ko lahat ng iyan."

"Ah," bulalas ni Ela. "Kaya pala hanggang ngayon, mukhang mga bago ang mga ito."

"Tama." Numiti siya na hindi kita ang ngipin. Pinagpatuloy naman ng dalawang babae ang pagmamasid sa mga armas. "At kung gusto niyo, maaari niyong subukan ang mga iyan. Kung maipapangako niyo sa akin na iingatan niyo 'yan."

"Siyempre naman, 'no!" Tugon agad ni Merlaine na bahagyang ikinagulat ni Katmon. "Ang ibig kong sabihin, iingatan namin iyan kagaya ng pag-iingat mo." She grinned awkwardly. Tumango naman si Katmon sa gitna ng tipid na ngiti.

Lumabas ang tatlo upang subukan ang mga kagamitang pandigma. Napili ni Merlaine iyong palaso na kulay berde at kumuha rin siya ng isang set ng pana. Nakaukit roon ang nananalaytay na berdeng ugat sa buong pana. Maging sa palaso ay ganoon rin at sa gitna nito'y isang dahon, simbolo ng kanilang tribo.

Samantala, napili ni Ela ang isang harp na gawa sa kahoy. Kumikinang ito at nagsusumigaw sa mahika. Mahilig sa musika si Ela kaya naisipan niyang gamitin iyon. Isa pa, may kung ano sa harp na agaw-pansin. Dahil ba sa wangis nito?

Sinubukan ni Merlaine na gamitin ang pana. Sa unang tira ay pumalpak siya. Hindi naman siya kagalingan sa paggamit ng ganoon kaya hindi ito naging madali sa kaniya.

"Ano ba 'yan! Nasayang 'yong sampung pana!" Reklamo niya. Bawat tira niya sa pana ay kung hindi malayo mula sa target, sobrang lapit naman na mabibilang lang ng ilang hakbang mula sa kinatatayuan niya.

Napangiti si Katmon dahil sa inasta ni Merlaine. Mukhang interesado namang matuto ang dalaga kaya naisipan niyang magpakitang gilas para mas lalo pang ganahang mag-aral si Merlaine.

"Ganito lamang iyan." Panimula niya. Dinampot niya lahat ng pana. Binigay naman ni Merlaine sa kaniya ang palaso.

Pumwesto na si Katmon. Higit sa sampung target ang nasa paligid. May nasa lupa, meron naman sa mga sanga ng kahoy at ang iba ay nakalambitin.

Napahinto si Ela sa kaniyang ginagawa upang panoorin si Katmon. Saglit na binalingan ni Merlaine ang kaniyang kaibigan saka nagfocus sa babaeng may hawak na pana at palaso.

Isa isang pinalipad ni Katmon ang mga pana. Mabilis ang kaniyang bawat galaw na parang batikan sa ganitong gawain. Kahit saan siya pumuwesto ay nakakabull's eye pa rin siya. Kaya naman hindi maiwasan ng dalawa na mamangha sa angking galing at liksi ni Katmon.

Matapos ang sampu ay tumigil na si Katmon. Hindi man lang siya nagkaroon ng isang butil ng pawis. Hindi rin siya hinihingal. Everything's flawless and swift.

"Grabe ang galing!" Puri ni Merlaine na bakas sa boses ang paghanga kay Katmon. In her entire life, wala pa siyang nasaksihang ganoong eksena.

"Salamat." Tipid na ngiti ang kaniyang iginawad.

"Sana, turuan mo 'ko sa paggamit niyan." Nagpuppy eyes si Merlaine, nagpapahiwatig. Isang matunog na ngiti naman ang pinakawalan ni Katmon.

"Oo naman. Walang problema."

"Talaga?! Yes! Excited na ako!" Tumalon-talon pa siya sa galak. Ngumiti naman si Katmon, maging si Ela.

Umalis muna si Katmon kaya naiwan ang dalawa sa labas. Pinagpatuloy pa rin ni Merlaine ang pag-aaral sa paggamit ng palaso at pana. Samantala, si Ela ay sinubukan niya ang mahabang espada. Ang hawakan nito'y kahoy rin at may iilang makapal na ugat ang umaahas dito. Buhay ang mga ito at nagniningningan.

"'Di pa ako nakakakita ng ganitong kahabang espada." Komento ni Ela habang pinagmamasdan ang armas. Umaabot ito ng limang talampakan. Mabuti at hindi ito mabigat. "Kakaiba 'to, Mer. Grabe, ang ganda!"

"Sinabi mo pa." Sang-ayon ng kausap. "Alam mo? Pansin ko na laging may buhay na ugat ang nasa hawakan. Tapos parang mga ahas pa."

"Oo nga eh. Ano kayang lahi nila, ano? Nakakapagtaka."

"'Wag na muna nating alamin. Basta, masaya ako na napadpad tayo rito."

Natigil si Ela sa kaniyang ginagawa. Naningkit bigla ang kaniyang mata nang may napagtanto siya.

"Oo nga pala!" Bulalas nito.

"Bakit?" Dinalaw ng kaba si Merlaine. Bigla bigla nalang kasing sinabi iyon ni Ela. Baka ano ng problema.

"Napadpad lang pala tayo rito. Kailangan na nating umalis dahil baka hinahanap na nila tayo!"

Napahinga ng maluwag si Merlaine. Iyon lang pala. Akala mo naman malaking problema iyon.

"Hayaan mo na sila. Dito na muna tayo. Wala naman silang pakialam sa atin, eh."

"Pero paano na ang magic paper? Paano na ang legendary formula?"

Hindi nakaimik kaagad si Merlaine. Tinutok nalang niya ang kaniyang atensyon sa pana at palaso. Pumwesto siya na pinanood naman ni Ela ang bawat galaw niya.

"Wala ng pag-asa 'yon." Aniya saka nagpakawala ng isang bala. Kumuha muli siya saka iniangat ang kamay, handa na sa pagbato. "Isa pa, kaya na nila 'yon. Marami sila. Makapangyarihan sila at mautak. Dito nalang tayo." Hinarap niya si Ela. "Pero kung gusto mo, iwan mo nalang ako. Masaya na ako dito. Ikaw ba?"

Tinitigan lang nila ang isa't isa. Tinatantiya ang sarili. Sa huli ay huminga ng malalim si Ela.

"Dito nalang din ako." Aniya.

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon