Kasalukuyang nilalaro ni Marianne ang kaniyang kapangyarihan nang biglang sumipot sa kaniyang likod si Cyan. Naramdaman kaagad ito ng dalaga pero nanatili siyang kalmado.
"Si Ruffa ay nandito. Hinahanap ka." Balita nito.
Natigil sa paggalaw ang dalaga nang narinig niya ang pangalan ng kaniyang kapatid. Binaba niya ang kaniyang kamay saka hinarap ang babaeng puti.
"Anong sabi mo?" Tanong nito kahit na narinig niya ang pahayag ng kausap.
"Nasa bulwagan si Ruffa, naghihintay sa'yo."
Napaiwas siya ng tingin saka napahinga ng malalim. Pilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarili. Bakit ba nandito si Ruffa? Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng iyon?
"Sige. Sabihin mong hintayin ako sa baba."
"Sige." Tumungo si Cyan, silbing galang. Hindi nagtagal ay naglaho siya saka dumating sa harap ng isang babaeng natatakpan ng kulay indigo na tela ang buong katawan.
"Nasaan na ang magaling kong kapatid?" Tanong kaagad nito pagkadating ni Cyan sa kaniyang harapan.
"Hintayin mo nalang daw siya." Walang emosyon niyang tugon. Katulad ni Marianne, ayaw na ayaw ni Cyan sa babaeng nasa harap niya.
"Ano?!" Agap nito. "Kahit kailan talagang babaeng iyan." Umirap siya't nagtiim bagang. Nag-aalab ang kaniyang dugo.
Si Ruffa ay kapatid ni Marianne sa ina dahil magkaiba sila ng ama. Kung si Marianne ay may lahing Sikaro, si Ruffa naman ay may dugong Havian, galing sa Tribong Havi. Mas mataas sila kesa sa mga Sikaro. Ngunit 'di kagaya nila, ang mga Havian ay mahihina kung mag-isip kumpara sa mga Sikarian.
"Maaari kang umupo, Ruffa-"
"Erege Ruffa-" pagtatama nito na ang ibig sabihin ng "Erege" ay kamahalan.
Ang salitang "Erege" ay ginagamit lamang kapag anak ka ng pinuno ng tribong Havi. At dahil si Ruffa ay anak ng isang reynang namumuno sa buong Zauberei at hari ng tribong Havi, ang mga nakakakilala sa kaniya ay tinatawag siyang "Erege Ruffa".
"Erege Ruffa." Pag-uulit ni Cyan saka umirap at biglang naglaho. Prente namang umupo ang babaeng indigo sa trono ni Marianne, ninanamnam ang pagiging kamahalan.
"How many times do I have to pricking tell you that you're not allowed to sit on my throne?!" Galit na sigaw ni Marianne. She activated her power. Itinaas niya ang kaniyang palad para sana marahas na itabi si Ruffa ngunit naunahan na siya. Siya ang tumilapon sa marmol na haligi. Dumaing siya pero kaagad ding nakabawi.
"Damn, pricking Ruffa!" She grawled at tumayo. Naunahan muli siya ni Ruffa. Marahas siyang pinasandal sa haliging marmol.
"Huwag ka ng magtangka pa, Yan. Hindi mo ako kaya." Matigas at nanggigigil nitong sabi habang naglalakad palapit sa kaniyang kapatid.
Umismid si Marianne kahit na nahihirapan na siyang huminga.
"You're just... powerful. You... don't have any brain-" nahihirapan siyang magsalita kaya 'di diretso ang kaniyang linya. Mas hinigpitan naman ni Ruffa ang pagkakasakal sa kaniya na halos malagutan na ng hininga.
Inilapit ni Ruffa ang kaniyang mukha sa kaniyang kapatid habang mas mahigpit ang paghawak sa leeg nito. Sukdulan ang kaniyang panggigigil sa babae na umabot sa puntong gusto niyang paslangin ito ng walang kahirap hirap.
"Hindi na mahalaga sa akin ang utak, Sikarian. Mas mahalaga pa rin ang kapangyarihan. Palibhasa, umaasa ka lang sa diyamanteng itim kaya ka nagmamatapang-tapangan. Pero ang totoo? Kaya kitang patayin ngayon kung gugustuhin ko."
BINABASA MO ANG
The Chronicles of Ametista (Part 1)
FantasiaHow far will you go just to succeed in your mission? When everything else falls apart, to whom will you hold on?