Pretty Squad
Quennie:
Where are you na ba?
Jhenrish:
Hindi ka na pumapasok.
Sheika:
We're so worried about you.
Jhenrish:
Kaya nga. The last time we saw you was you were with Earl.
Quennie:
Baka naman may nangyari na sa inyo, ha?
Kyla:
Gaga.
Jhenrish:
HAHAHA
Sheika:
Oy nagreply na!
Lakas talaga ni Quennie hahahaha
Jhenrish:
Kyla 'wag puro seen
Kyla:
-_-
Sheika:
May problema ba?
Napabuntong hininga si Kyla. She's a little bit depressed sa nangyari. Dalawang araw na ang lumipas mula nang nagkita sila ni Earl. Wala rin silang komunikasyon. Pakiramdam niya'y nagkakalabuan na sila. Pakiramdam niya'y may mali at may tinatago ang kaniyang nobyo.
Kyla:
I'm fine.|
'Di niya alam kung ise-send niya ba iyon o mananatiling draft. She's not fine. She knows that. Sino ba ang niloloko niya?
Bumuntong hininga muli siya at pinindot ang blue button. 'Di nagtagal ay nagsend ito at nakita ng lahat.
Quennie:
You sure you're fine?
Jhenrish:
Naku 'di ka na nasanay, Quennie.
Sheika:
She's not fine. She said she's broken hearted.
Kyla:
Sheika!!!
Jhenrish:
Brokenhearted? Kanino?
Quennie:
Don't tell me wala na kayo ni Earl?
Sheika:
'Di.
Jhenrish:
Ano ba kasi Sheika?
Quennie:
Ay ganiyanan. Naglilihim na.
But anyway, natukoy na pala kung ano ang ibig sabihin ng B.
Kumunot ang noo ni Kyla nang nabasa niya ang mensahe ni Quennie.
Kyla:
B?
Sheika:
Ay 'di pa niya alam?
Jhenrish:
Hala oo nga pala.
Kyla:
Ano ba 'yon?
Quennie:
Kasi, Marianne gave us codes. 'Yong codes na 'yon, kailangan mahulaan 'yon kasi susi 'yon sa pagkuha ng magic papers.
Jhenrish:
'Di ba nga Bagumbayan 'yong B? Ibig bang sabihin noon ay nasa bagumbayan ang magic paper?
Kyla tilted her head. Napaisip siya sa sinabi ni Jhenrish na ngayo'y nag-iisip ng malalim.
Kung nasa Bagumbayan nga ang B, it means nandoon ang magic paper?
Sa kabilang dako, tutok si Arlan sa kaniyang hologram. Malapit na niyang matapos ang kaniyang improvised eyeglass na konektado sa kaniyang hologram. If someone wears the computerized eyeglasses at nakaprogram ang hologram ni Arlan, makikita niya ang laman ng hologram.
"Okay na ba?" Asked Jezelle.
"Almost." Tipid na sagot ni Arlan saka may pinindot sa kaniyang keyboard. Tinutukan naman iyon ni Jezelle.
Nasa loob sila ng secret room ni Arlan. Nandito rin sina Janrez, Luise at Ayessa. Ngayon ay napagplanuhan nilang gumawa ng panibagong plano para matukoy ang nawawalang magic paper at mabigyan ng linaw ang codes.
"Sino naman ang gagamit niyan?" Tanong ni Janrez na ngayo'y nanonood sa bawat galaw ni Arlan.
"'Di pa alam." Si Jezelle. "We still don't know if it will really works."
"Para saan ba kasi 'yan? 'Di ko talaga gets." Si Luise.
Arlan and Jezelle stopped from what they are doing and turned to Luise. They gave him a bored look.
"Look," panimula ni Jezelle. Hawak niya ang eyeglasses. "These eyeglasses will help us to track down the magic paper. The magic paper has an energy na mararamdaman nito. Malalaman natin na malapit na tayo sa magic paper if may blue light tayong makikita."
"Wala ba tayong ibang paraan para mahanap ang magic paper?" Kunot noong tanong ni Ayessa. "Kasi tignan niyo," she crouched. She propped her arms on her thighs. "This is really a bad idea. Magic paper lang pinapahirapan na tayo? And figure it out, how sure are we na nakay Marianne nga ang magic paper? What if she's just playing around with us?"
Napatigil sa paghinga ang lahat. May punto si Ayessa. Paano kung wala nga kay Marianne ang magic paper? That they are just deceived?
Bumuntong hininga si Jezelle.
"That's why we have to try, Ayessa. We have to take the risk. Kung wala sa kaniya, okay. Kung nasa kaniya, still okay. Ang mas mahalaga sa atin ay makuha ang magic paper. June 30 ang pasahan noon. Next naman ay ang ibang formulas. Hindi pa kasali ang legendary formula noon."
"Eh bakit ba natin hinahanap 'yon?" Kunot noong tanong ni Luise. "Ba't kailangan pa nila tayong pahirapan?"
"'Di ka na nasanay." Nakangiting sabi ni Ayessa. "Ganoon naman lagi e. Pinapahirapan tayo. Marami silang pinapagawa. Reklamo diyan, demand dito. Kung ano ano pa pinagsasabi tungkol sa atin."
"Kaya nga." Segunda ni Janrez. "'Di man lang nila iniisip na nahihirapan na tayo. Na napapagod din tayo."
"Because school is not about learning anymore." Said Jezelle and grimaced. Inisa isa niya ng tingin ang lahat. "We should be used to it. Teachers pa rin sila. We are just students here. We are here to follow their rules and regulations. And if you don't want, then you are free to quit schooling."
"But it's not an excuse." Agap ni Arlan. "They should consider our feelings. Para namang hindi sila dumaan sa pagiging estudyante."
"That's the point, Arlan." Agap ni Luise. "Baka iniisip nila na maghiganti."
"Revenge?" Jezelle grimaced. "Sounds pathetic, Luise."
"Hay naku," si Ayessa. "Tama na nga 'yan. Wala tayong matatapos kung puro lang kayo reklamo." She flipped her hair and sneakingly rolled her eyes. "Tapusin na natin 'to. Nagugutom na 'ko."
"Ako rin." Si Janrez sabay tawa.
"Ako din kaya." Humagikhik si Luise.
"Lahat tayo gutom na. Kaya tapusin na natin 'to." Si Jezelle.
BINABASA MO ANG
The Chronicles of Ametista (Part 1)
FantasíaHow far will you go just to succeed in your mission? When everything else falls apart, to whom will you hold on?