Kadiri

50 3 0
                                    

"Anong gagawin natin dito?" Naiinip na tanong ni Kurt.

"Kaya nga eh. Nagugutom pa naman ako." Nakangising sabi ni TJ.

"Lumabas kaya tayo?"

"Baliw ka ba?" Tutol kaagad ni Jonas. "Mapapahamak tayo! Gusto mo bang masunog lalo ang balat mo?"

"Ba't naman?"

"Bobo! Malamang susunugin ka ni Pyro! Tanga neto ah."

"Relax. Para kang dragon. Meron ka ba ngayon?" Pang-aasar nito.

"Pakyu." Umirap siya.

Bumukas ang pinto ng kuwarto na tinutuluyan nila. Nagpakita kaagad sa kanila si Pyro na ngayo'y may tulak tulak na lagayan ng pagkain. May apat itong gulong.

"Pagkain ba 'yan?" Tanong ni Jonas.

"Oo. Nagugutom ka na ba?"

"'Di pa naman."

"Paano naman ako? Hindi mo ba ako tatanungin?" Reklamo ni Kurt.

"Kumakain ka ba ng apoy?" Masungit nitong tanong. Humagalpak sa tawa si Jonas at TJ samantalang tahimik lang na nakangiti si Josedech.

"Grabe 'to sakin! May gusto ka siguro kay Jonas kaya ayos 'yong pakikitungo mo sa kaniya."

"Whatever." She rolled her eyes. "Oh ito! Lamunin mo 'yan!" Tinulak niya ang de gulong na stand. Nasalo naman ito ni Kurt. Gayunpaman, muntikan ng tumama ang matulis na parte ng stand sa kaniyang tiyan.

Bumaling si Pyro kay Jonas sunod kay TJ at huli kay Josedech. "Kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang sa akin."

"Puwede ba kaming lumabas? Nakakainip kasi dito e. Anong ganap? Nasaan si Lars?" Sunod sunod na tanong ni TJ.

"Wala siya ngayon. Kasama siya ni Heart."

"Nasaan si Marianne?" Tanong kaagad ni Jonas. Tinignan siya ng diretso ng dalaga.

"Basta. Maiintindihan niyo rin 'to sa tamang panahon."

"Ano bang ginagawa namin dito?" Mahinahong tanong ni Josedech sa malalim na boses. Bahagyang nagulat si Pyro sa biglaan nitong pagtanong. Usually ay tahimik lang ang binata habang nakikinig sa usapan.

Pyro smiled. "Nandirito kayong lahat para sanayin sa isang labanan. Lider niyo si Sketch o mas kilalang Lars."

"Matagal na ba siya dito?"

Pyro narrowed her eyes. "Oo. Halos tatlong taon na."

"Tatlong taon?!" Gulat na bulalas ni Kurt. "Bakit ngayon lang namin nalaman ang tungkol dito?"

Sinamaan siya ng tingin ng dalaga. "Eh malay ko ba kung tatanga-tanga kayo. Akala ko ba kaibigan niyo si Lars?"

"Oo nga!"

"Eh paanong 'di niyo alam ang tungkol dito?" Iritado niyang tanong.

Napalunok si Kurt. Literal na nasusunog ang buhok ng dalaga. Ang init talaga ng dugo niya sa kaniya. Napaisip tuloy siya kung bakit. Wala naman siyang ginagawang masama. Nagtatanong lang naman siya. Masama na ba ang magtanong?

"Baka sinekreto ni Lars." Komento ni Josedech na kalmado pa rin. "Kasi kapag malaman namin ang tungkol dito..."

"Baka mapapahamak ang grupo niyo." Dugtong ni Jonas.

Natahimik ang lahat dahil sa pag-iisip.

"Mabuti pa kayo at nauunawaan niyo ang nangyayari. 'Di kagaya ng isang 'to na tanong ng tanong. Ang daldal kasi kaya walang alam." Umirap siya.

"Oh? Ako na naman napapansin mo. Kulang nalang talaga iisipin kong may gusto ka sakin."

"Yuck!" Agap niya, diring diri. "Kabahan ka nga sa iniisip mo! Kadiri ka! Tignan mo nga 'yang sarili mo kung guwapo ka ba." She rolled her eyes once again at bahagyang nanginig. May mahinang boltahe ang dumaloy sa kaniyang katawan. Diring diri siya sa sinabi ni Kurt.

"Eh ako? Guwapo ba ako?" Kompiyansa ni Jonas.

"Guwapo na 'yan!" Si Kurt. "Baka nga may gusto 'yan sa'yo."

"Excuse me?" Tumaas ang kilay ni Pyro na ngayo'y nakahalukipkip.

"Sus kunwari ka pa e!" Pang-aasar ni TJ sa dalaga.

"Tss." Umirap siya. Sa sandali pa'y bigla siyang naglaho. Hiyang hiya siya sa nangyayari. Halata na ba masyado na may gusto siya kay Jonas?

"Kainan na!!!" Deklara ni Kurt at nilantakan kaagad ang pagkain. Pinanood naman siya ng kaniyang mga kaibigan. Sa una ay maayos pa ang kaniyang mukha habang ngumunguya. At makaraan ang ilang segundong pagngunguya ay para siyang nakakain ng hilaw na bawang at paminta.

Sinuka niya ang lahat ng kaniyang kinain. Nataranta naman ang mga lalaki at binigyan siya ng tubig. Nilagok niya kaagad ito at pagkatapos ay hingal na hingal. Para siyang tumakbo ng ilang milya.

"Anong lasa?" Natatawang tanong ni TJ.

"'Yan kasi! Ang baboy mong lumamon." Si Jonas.

Ubo ng ubo si Kurt. Gusto niya pang sumuka sa pandidiri.

"Gago! Hindi ko maintindihan ang lasa! Parang bawang na luya na paminta. Pwe!" Nagsitalsikan ang kaniyang laway.

"Kadiri ka!" Sigaw ni Jonas at kumuha ng panyo mula sa kaniyang bulsa at ipinunas ito sa kaniyang balat. "Katakawan mo kasi, Kurt! Kaya ka minamalas."

"Eh nagugutom ako, eh!"

"Gutom mukha mo! Tanga ka ba? Malamang iba 'yong lasa ng pagkain. 'Di naman natin sila kalahi. Kadiri." Ibinulong niya ang huli niyang salita.

"Sorry naman. Bakit ba kasi tayo nandito?"

Mahigpit ang pagtatangis ng panga ni Jonas. Naiinis na siya kay Kurt. Kulang nalang ay suntukin niya sa mukha ang kaibigan niya. Mabuti at mahaba ang kaniyang pasensya kaya hindi niya magagawa iyon.

"Diyan na kayo." Malamig na sabi ni Jonas saka ibinalik ang panyo sa kaniyang bulsa.

"Saan ka pupunta?" Usisa ni TJ na ngayo'y seryoso ang mukha.

"Sa labas. Maghahanap ng puwedeng patayin."

Tinignan nila Josedech at TJ si Kurt na ngayo'y nagngangatngat ng daliri. Umiling ang dalawa, dismayado. Natatakot sila na baka seryoso si Jonas. Iba pa naman 'yon kapag may mapagtripan. Dadanak ang dugo.

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon