Happy birthday, Nicah!!! 04.13.**
* * *
"Kinakabahan ako, guys." Sabi ni Sheika habang hinihimas himas ang dibdib. Parang may bumabara sa kaniyang lalamunan na 'di niya maintindihan ni malaman kung ano ito. "Feeling ko kamatayan ang naghihintay sa atin dito."
"Shsh. 'Wag kang maingay." Halos pabulong na saway ni Quennie.
"Grabe, ang dilim." Komento ni Jhenrish habang sinusuyod ng tingin ang buong paligid.
"Makakalabas pa kaya tayo dito?" Tanong ni Kyla. "Para kasing walang patutunguhan ang daang ito."
"Relax lang kayo." Ani Quennie na ngayo'y nagmamasid ng buong paligid. "Pero teka, may nararamdaman akong 'di maganda."
"Ha? Ano 'yon?" Natatakot na tugon ni Sheika saka nagtago sa likod ni Quennie. Hinawi naman siya kaagad nito.
"Para kang timang, Sheika." Inis nitong sabi.
"Grabe." Bumusangot si Sheika saka tumabi nalang kay Jhenrish.
"Tama na 'yan." Pabulong na awat ni Jhenrish. "Baka mapapahamak tayo."
"Ano bang meron dito?" Kinakabahang tanong ni Kyla. "Bakit madilim? Bakit isang ilaw lang doon sa dulo ang makikita ko?"
"Oo nga." Sang-ayon ni Quennie. "Saka kanina pa tayo naglalakad. Parang 'di tayo umuusad. 'Yong ilaw, nandoon pa rin."
"Oh my god." Pabebe na bulalas ni Sheika. "Anong meron dito? Para tayong nasa loob ng illusion house."
"Ang arte mo talaga!" Inis na inis na si Quennie dahil sa pagiging pabebe nito.
"Tama na 'yan!" Saway ni Kyla habang magkadikit ang mga ngipin. "Bakit ba ang ingay ingay niyo?"
"Eh kasi 'tong si Sheika eh, pabebe."
"Bakit ako?" Reklamo kaagad ni Sheika.
"Sige, itutulak ko kayo kung 'di kayo titigil diyan." Pagbabanta ni Jhenrish. Parehong umirap ang dalawang magkaaway at tinalikuran ang isa't isa.
Patuloy lang sila sa paglalakad. At kagaya nga ng napansin ni Quennie, parang 'di gumagalaw ang ilaw at 'di rin sila umuusad.
Halos mapatalon sila sa gulat nang umilaw ang buong paligid. Kaagad na bumungad sa kanila ang isang halimaw na may ulo ng leon, katawan ng kambing at buntot ng anaconda. Nagsilawakan ang kanilang mga mata nang napagtanto nila kung gaano kabangis ang halimaw na 'yon.
"What-" tinakpan ng lahat ang bibig ni Sheika nang sumigaw ito. Natutulog ang halimaw at paniguradong kapag magising iyon, susugurin sila.
"Huwag kang maingay! Tangina mo ah!" Saway ni Quennie at mas hinigpitan ang pagtakip niya sa bunganga ni Sheika na ngayo'y umiiyak na. Hinihintay nalang ng lahat kung kailan titigil si Sheika sa pag-iyak. At nang nakontrol na niya ang kaniyang sarili, pinakawalan na siya ng mga kagrupo.
"Sorry," umiiyak nitong sabi habang tinatakpan ang bibig para 'di makawala ang hikbi mula sa kaniya. Baka magising 'yong chimera.
"Anong gagawin natin ngayon, guys?" Tanong ni Rychelle na ngayon lang nagsalita.
Napahinga ng malalim ang iilan at napatingin muli sa halimaw. 'Di nila alam kung ano ang gagawin nila. Basta, ang kailangan nilang gawin ay patayin ito bago sila maunahan.
BINABASA MO ANG
The Chronicles of Ametista (Part 1)
FantasyHow far will you go just to succeed in your mission? When everything else falls apart, to whom will you hold on?