Chapter 7

36.2K 766 152
                                        

Napayakap ako sa may dahon ng pintuan habang nakapikit.Idinikit ko ang aking noo doon at napaisip ng malalim.Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo dito sa labas ng pintuan ng silid namin ni Leandrie.

Kanina pa nakatulog ang kambal matapos kong basahin sa kanila  ang isang fairytale story book.

Kaagad akong dumeretso dito sa tapat ng silid namin pagkatapos kong maihatid sa kanyang sariling silid si Shady  pero hanggang ngayon ay hindi ko parin magawang pumasok sa loob.

Mas gustuhin ko pa na natutulog na si Leandrie kapag pumasok ako tulad ng lagi nyang ginagawa kaysa matagpuan na patuloy parin sya sa paghihintay at pilit gawin ang isang bagay na labis ko nang iniiwasang mangyari.

Hindi ko napaghandaan ang biglang pagbukas ng pintuan kaya bago ko pa nai-balanse ang aking katawan ay namalayan ko na lamang ang aking sarili na nakayakap  sa kanyang matitipunong dibdib.

Napamulat akong bigla nang mapasubsob ang aking mukha sa kanyang mabalahibong balat.

Kasabay ng pagdantay ng kanyang kamay sa magkabila kong balikat ang marahang pag-angat ng aking mukha.Napalunok ako nang magkasalubong ang mga mata namin ni Leandrie.

"Kailan ka pa nandito sa labas ng pintuan?"pigil ang inis sa kanyang boses.

"Mag-iisang oras na siguro..."

Napahigpit ang pagkakahawak nya sa aking balikat.

"Then,why?"

Nakakapaso ang ginawa nyang pagtitig sa akin.

Umiling ako bago sumagot.

"I don't know..."

Marahas nya akong binitawan bago nya sinipang pasara ang pintuan.Napatakbo ako sa may sulok ng silid dahil hindi ko maiwasan na hindi kabahin.

"Heera,may problema ba tayo?"inulit na naman nya ang tanong nya sa akin kanina noong nasa sala kami.

"Wala...walang problema.I'm just tired."

Humakbang syang papalapit sa akin kaya dumausdos ako ng upo bago ko niyakap ang aking mga tuhod habang nakakubli ang aking mukha.

"Heera..."

Naramdaman  kong nakatayo na sya sa aking harapan.

"Bakit kasi gising ka pa?nasanay na akong nadadatnan kang natutulog...kinakabahan ako kapag umaasta ka ng ganito..."sabi ko sa kanya habang hindi parin ako nag-aangat ng mukha.

"Bakit ang layo-layo mo na?nasasaktan ako,Heera..."

Kaagad akong napaangat ng mukha at mabilis na hinuli ang kanyang mga titig.Napalunok ako habang pinipigilan ang paglandas ng mga luha sa aking pisngi.

"Akala ko kasi ito ang gusto mo,yung nilalayuan kita..I'm sorry kung nasaktan na kita..."

Napalunok ako ng mariin para maikubli ang paggaralgal ng aking boses.

Sana naisip din nya na ganyan din ang nararamdaman ko sa 'twing binabalewala nya ako.

"Nahuhulog na ba ang loob mo kay Dino kaya mo ako iniiwasan ng ganito?"

Bakit ba lagi nalang nya kaming pinag-iisipan ng masama ni Dino?Hindi ba pwedeng magpasalamat nalang sya sa kaibigan ko dahil without his presence ay nandyan parin ito na lagi kong nasasandalan kapag kailangan ko ang kanyang tulong?

"Lean,how many times i told you that Dino just my bestfriend!may isip naman yung tao at hindi nya magawang patulan ang isang katulad ko na legal ng kasal at nagkaroon na din ng anak!wala naman sa bokabularyo nya na sirain ang pamilya natin..."

The Loyal Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon