Hindi nya ako hinayaang magluto ng dinner instead he did it by himself alone.
Parang naulit yung moment na bagong kasal pa lamang kami.Naroon yung awkwardness.
"Heera,pakiayos naman itong suot kong apron..."
Mabibigat ang aking mga paa na lumapit sa kanyang pwesto bago ko marahang inayos ang kanyang apron.
Nandito din kasi ako sa loob ng kusina at nagmamasid sa kanya like the old day's.
Napasinghap ako nang bigla syang pumihit at mabilis nya akong binuhat paupo sa may counter table.He parted my legs bago nya ipinulupot sa kanyang leeg ang aking braso.
Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa gulat at bago pa ako nakapagpumiglas ay naramdaman ko na lamang na sakop na nya ang aking labi.Binigyan nya ako ng full mouth kiss sa aking labi.
Ipinilig ko ang aking mukha pero hindi ko man lang maigalaw iyon dahil pigil nya ako sa aking baba.
Kinagat nya ang aking pang-ibabang labi nang hindi ko man lang tinugon ang mapusok na panghahalik nya sa akin.
Dahil doon ay napaawang ang aking bibig dahilan para magkaroon sya ng daan para pailaliman ang kanyang halik.
Napaungol ako nang marahas nya akong hilain palapit sa kanyang dibdib.
No,Heera...hwag kang bumigay!
Marahan kong tinanggal ang aking mga braso na nakapulupot sa kanyang leeg at lumipat iyon sa magkabila nyang pisngi.
Marahas kong inilayo ang aking mukha sa kanya.
"Lean,sandali!yung mga anak mo baka biglang sumilip..."pahingal kong sambit.
Mapanganib nya akong tinitigan sa aking mga mata.Nababanaag ko sa bawat sulok ng kanyang mga mata ang matinding pangangailangan bilang lalaki.
"Save it for tonight...hinding-hindi kita patutulugin,mark my word!"
Biglang nanlambot ang aking tuhod buhat sa narinig.
Kung dati halos hihilain ko na ang oras para magkasarilinan na kami kaagad kahit na nga ba ako pa din ang gumagawa ng hakbang para may mangyari sa aming dalawa.
Ngayon naman ay mas gusto ko pang hilingin na sana hindi na tatakbo ang oras para hindi na darating ang gabi.
Kinakabahan ako kung maipagkakatiwala ko pa ba sa kanya ang sarili ko na walang pag-aalinlangan?
Ilang oras din ang lumipas bago natapos sa pagluluto si Leandrie.Hinayaan ko na din syang maghain na mag-isa.Ayaw nya akong patulungin eh,so...hinayaan ko nalang.
"The dinner is ready...tatawagin ko muna ang mga anak ko sa loob ng kanilang room para makakain na tayo."
Tumango nalang ako at hindi ko parin maiwasan na hindi kabahan dahil papalapit at papalapit na talaga ang oras para magkasarilinan kami.
Tumayo ako at tinungo na ang dining room nang makita kong lumabas sya ng kusina.
Malaya akong naupo sa aking pwesto habang inaantay ang pagpasok ng tatlo.
Pinasadahan ko ng paningin ang mga pagkain na maayos na nakahilera sa ibabaw ng dining table.
Anong nangyayari sa kanya?Bakit bigla nalang syang bumait ng ganito?sign na ba ito ng pamamaalam?
Magpakita sya ng kabutihan sa amin dahil afer this magco-confess na sya ng totoo nyang saloobin?
Parang piniga ang aking puso dahil sa naisip.Kakayanin ko bang pakinggan ang confession nya kung sakali?
Paano kung nakahanda na pala ang annulment paper at signature ko nalang ang inaantay nya?
Napatuon sa aking daliri ang aking paningin.Tinitigan kong mabuti ang suot kong wedding ring.
Ganoon lang ba kadali ang anim na taon ng aming pagsasama bilang mag-asawa?
Ako ba talaga ang nagkulang kaya nabaling sa iba ang kanyang atensyon?
Wala naman akong nagawa na ikinasama ng kanyang loob ah!
Sa pagkakaalam ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin sya..ang paglingkuran sya..at intindihin sya sa kabila ng kanyang mga pagkukulang.
Nawalan sya ng oras sa amin pero nanahimik ako.Dinibdib ko ang lahat kahit ang sakit-sakit na!
"Daddy,hindi ba pwedeng mag-stay ka nalang dito all day long?"
Kaagad kong napunasan ang butil ng luha na bigla nalang lumandas sa aking pisngi nang marinig ko ang boses ni Sharyl habang papalapit sa may bungad ng dining room.
Mas lalong nanikip ang aking dibdib nang makita kong attached na attached ang mga bata sa kanya.
Paano nalang kung darating ang araw na tuluyan na nya kaming iiwan? Alam ko na ang mga anak namin ang sobrang maapektuhan nito kung sakali.
"Baby girl,minsan kasi masyadong busy si Daddy kaya hindi sya kaagad nakakauwi...but i promised na gagawa ako ng paraan para lagi ko kayong makasama,okay?"
Napalunok ako ng mariin nang marinig ang kanyang sagot.Lagi namang ganoon ang kanyang sinasabi.
Kung noon nakukumbinsi nya ako sa ganyang rason pero ngayong alam ko na ang dahilan ay daig ko pa ang isang drama queen..na kunwari nakangiti sa kanyang harapan but it's like i am dying inside!
Alam nyo yung pakiramdam na sinasabi mo sa sarili mo na okay lang ang lahat..na kaya mo namang magtiis.Pero ang totoo?halos mahihimatay kana dahil sa pagtitimpi na hwag magalit at magwala.
"Kasi Daddy...minsan si Teacher Dino ang napapagkamalan na Daddy namin kasi sya ang lagi naming kasama."naka-pout pang reklamo ni Sharyl.
Biglang nabura ang ngiti sa kanyang labi bago nya ako tinapunan ng matalim na titig.Nagkibit lang ako ng balikat.
"Akala ko ba sa school nyo lang nakakasama ang Teacher nyong iyon?"
Kitang-kita ko ang paggalaw ng kanyang panga.
"Daddy,minsan kasi wala kaming kasama sa bahay kapag busy sa work si Mommy...kaya sinusundo kami ni Teacher Dino o di kaya mag'e-stay sya dito hanggang sa makauwi ng bahay si Mommy."paliwanag naman ni Shady.
"I have no choice...lagi kang abala sa work mo,kaya kanino ko ipagkakatiwala ang mga bata kung may emergency sa hospital?Laging nandyan si Dino...at-"
"Let's eat now...mamaya na tayo mag-usap tungkol dyan."putol nya sa aking sasabihin.
Napakagat nalang ako sa aking labi at hindi na kumibo pa.
☆☆☆

BINABASA MO ANG
The Loyal Wife
ChickLitAno nga ba ang gagawin mo kapag napagtanto mong niloloko ka ng iyong asawa? Aawayin mo ba sya?mag-iiskandalo ka ba?o...manahimik na lamang? The loyal wife and a cheater husband... Paano nga ba magiging maayos ang ganitong samahan? Magtatagal kaya si...