Panay ang silip ko sa aking wrist watch.Hayyyyz...bakit pa kasi nasabi ko kay Dino na 10pm ako magpapasundo?
Sana pala yung sasakyan ko nalang ang ginamit ko kanina para hindi na ako maghihintay pa ng ganito.Makakauwi ako anumang oras na gusto ko.
Nahihiya naman akong tawagan sya kasi baka may kinaabalahan din iyon.No choice kundi ang hintayin ko ang pagdating nya.
Nahipo ko ang aking tyan nang biglang humilab iyon.Hindi ko maiwasang hindi kabahan habang nakahawak pa din ako sa aking tyan.Siguro nilalamig lang ako.
"Hi!need some wine?"
Napatayo ako ng tuwid nang marinig ko ang boses ng lalaki mula sa aking likuran.
Marahan akong lumingon at nabungaran ko ang isang morenong lalaki na nakangiti habang inaabot nya sa akin ang isang wine glass.
Bilang respeto tinanggap ko nalang kahit wala naman akong balak na uminom.
"Thank you!"kimi akong ngumiti.
"Ako nga pala si Sam.."
One of my husband's friends.I knew him...kung hindi ako nagkakamali we're neighbour.Minsan nakita ko sya na kausap ni Leandrie.Pero hindi ko nalang pinapansin kasi hindi ko naman ugali yung nakikipag-usap sa ibang lalaki maliban kay Dino at sa mga co-Doctors,patients at mga relatives ng pasyente na lalaki.
Nagkunwari nalang ako na hindi ko sya kilala.Tanga din eh,noh?paano ko hindi makakabisado ang mga neighbours namin...sa tagal ba naman ng anim na taon na pagsasama namin ni Leandrie ay kaagad na kaming lumipat sa aming bahay.
Imposible naman at hindi ko sila nakikita sa araw-araw na paglabas ko mula sa bahay.Pwera na siguro kung hindi na sila lumalabas ng kanilang bahay.
Ngumiti lang ako at wala na akong balak na magpakilala pa.Imposible naman na hindi nya ako kilala.
"Amm...bakit ka nga pala nakatayo dito sa may sulok at malayo sa karamihan?halika maupo tayo sa table namin."
Itinuro nya ang isang mesa sa may gilid.Maraming taong nakaukopa doon kaya nagdadalawang-isip pa din ako kung pauunlakan ko sya o hindi.
Napakislot ako nang maramdaman ko ang kanyang palad sa aking likod.Alam ko ang ganitong gesture.Being a gentleman ay kailangan nilang alalayan ang babae.Pero hindi ko nagustuhan iyon.
Marahan kong inilayo ang aking sarili hanggang sa matanggal ang pagkakalapat ng kanyang kamay sa aking likod.
"Okay lang ako dito...pauwi narin kasi ako eh,inaantay ko lang ang sundo ko...salamat nalang sa paanyaya."
Bumalot sa kanyang mukha ang matinding disappointment.
"Sige bumalik na ako sa table namin kung ayaw mo namang maupo muna."
Tumango nalang ako at ni hindi ko na sya tinapunan pa ng tingin.
Kaagad kong itinapon ang laman ng wine glass pagkatalikod nung lalaki bago ko ipinatong sa mesa ang baso.
Panay ang tingin ko sa may gate.Nakabukas na kasi iyon pero may nakabantay naman ng dalawang gwardya sa bawat gilid.Kaya kitang-kita mula dito kung dumating na si Dino mamaya.
Nagcross-arm ako para maiwasan ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat.
Pero bigla nalang akong natigilan nang may tumabi sa akin na isang matangkad na lalaki.Palihim ko syang nilingon at hindi na ako nagulat nang makita kong tahimik lamang sa aking tabi si Leandrie.
"Are you happy now?"puno ng hinanakit ang aking boses.
Huminga sya ng malalim bago nagsalita pero kaagad ko na ding pinutol dahil sa sobrang inis ko.
"Heera-"
"Don't talk!wala akong panahon para makinig sa mga paliwanag mo!!ano?nagkaroon ka ng lakas ng loob na lapitan ako para magpasalamat?o,para humingi ng paumanhin?o,di kaya hinihingi mo ang kalayaan mo?okay,go!!hindi kita pinipigilan,Leandrie!!sumama ka sa babae mo kahit saang lupalop man ng mundo!hwag mong isipin na pipigilan kita o di kaya ay magiging hadlang ako sa pagmamahalan ninyong dalawa dahil hinding-hindi ko gagawin iyan!salamat ha?dahil pinagmukha mo akong tanga!salamat dahil sa panloloko mo!at salamat dahil pinagpalit mo ako sa iba!sana magiging masaya ka sa disisyong pinili mo,Leandrie...sana hinding-hindi mo pagsisihan itong ginawa mong pagtalikod sa amin ng mga anak mo!paalam!"puno ng sarcasm ang aking boses.
Labis-labis ang pasasalamat ko nang matanaw ko si Dino sa bungad ng gate.Kaagad kong tinakbo ang pagitan namin at nakalimutan kong nakasuot ako ng stiletto heel.But thanks god!dahil hindi naman ako natisod.
Kaagad kong sinugod si Dino at mabilis kong itinapon ang aking katawan sa kanyang dibdib.Isinubsob ko doon ang aking mukha at hindi ko na napigilan ang aking sarili na hwag humagulgol ng iyak.
Naramdaman ko ang kanyang braso na pumulupot sa aking katawan bago ako niyakap ng mahigpit.
"Hey..."tanging salita na lumabas sa kanyang bibig.
"Dino...ideretso mo ako sa hospital,my baby...i want to save my baby,Dino!parang awa mo na please?"
Naramdaman ko kasi ang panginginig ng aking tuhod kasabay ng paghilab ng aking tyan.
"What the hell,Heera!are you pregnant?pero bakit ka nakasuot ng stupid heels na yan?"
Ramdam ko ang pag-angat ng aking katawan mula sa semento.Pinangko ako ni Dino matapos nya akong singhalan.
Marahan nya akong ipinasok sa passenger's seat bago nya tinakbo ang driver's seat.Pagkaupo at pagkaupo nya doon ay mabilis na nyang pinaharurot ng takbo ang kanyang kotse.
*
*
*
Panay parin ang aking pagluha habang nakatagilid ako ng higa sa ibabaw ng hospital bed.
Muntik nang mapahamak ang anak ko dahil sa kawalang hiyaan ng kanilang ama!
Naramdaman ko ang pagsuklay ni Dino sa aking buhok gamit ang kanyang daliri habang nakapangalumbaba sya sa may gilid ng aking kama.
Hinayaan lang nya akong umiyak at hindi man lang sya umimik.Alam ko naghihintay lang sya ng eksplenasyon mula sa akin.
"Alam mo ba kung saan ako nanggaling,Dino?"panimula ko nang mahimasmasan ako ng konti.
"Oo,galing ka sa party.Hinatid pa nga kita diba?"tamad nyang sagot.
"Dino,ang party kanina na pinuntahan ko...engagement party pala iyon ng magaling kong asawa!"
Muli na namang kumawala ang maraming butil ng luha mula sa aking mga mata.
"Fuck!at ano ang nakain mo kung bakit ka dumalo,Heera?kung nalaman ko lang na ganyan pala ang pupuntahan mo never kitang ihahatid doon."nakabalot sa kanyang boses ang matinding inis.
"Hindi ko naman alam na ganoon ang matutuklasan ko-"
"Pero alam mo na ang babae ng asawa mo ang nag-imbita sa'yo...ganoon ba?"
Saglit akong natahimik.
"Take a rest now...muntik ng mapahamak ang anak mo dahil sa katigasan din ng ulo mo.Ihahatid kita sa probinsya bukas...hindi ko kaya na hahayaan kang umuwing mag-isa."
Alam kong naiinis si Dino.Halata ko iyon sa kanyang boses.
"I'm sorry,Dino..."
Hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Minsan kasi,sarili mo naman ang intindihin mo,okay?kaibigan kita kaya ayokong nakikita kang nasasaktan,Heera."
Napatango nalang ako habang pinupunasan ng aking palad ang mga luha na lumandas sa aking pisngi.
Oo,Dino...magmula ngayon ay sarili ko na ang iisipin ko.
☆☆☆

BINABASA MO ANG
The Loyal Wife
ChickLitAno nga ba ang gagawin mo kapag napagtanto mong niloloko ka ng iyong asawa? Aawayin mo ba sya?mag-iiskandalo ka ba?o...manahimik na lamang? The loyal wife and a cheater husband... Paano nga ba magiging maayos ang ganitong samahan? Magtatagal kaya si...