Chapter 11

35K 592 4
                                        

Heera's POV

Hindi maikukubli kung gaano ako ka-energetic ngayong araw.Buong maghapon din akong nakangiti.

Hayyy ewan...kailangan ba talaga na magiging masaya dahil lamang sa konting panahon na inilaan ni Leandrie para sa amin?

Pakiramdam ko tuloy ay para lang akong namumulubi ng pagmamahal mula sa aking asawa.

Huminga muna ako ng malalim bago kinuha ang cell phone mula sa aking bag.Hindi ko parin nakukuha ang kotse ko sa loob ng shop.So,no choice kailangan kong magtaxi pauwi ng bahay.

Gustong-gusto kong tawagan si Dino para magpasundo nalang sana kaya lang iniiwasan ko na sumama na naman ang loob ni Leandrie.Mahirap na.

Hindi na bale na isasabay nya sa pag-uwi ang mga anak ko basta hindi naman ako kasama.

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong cell phone nang bigla itong mag-ring.

Ilang beses pa akong napakurap habang nakatitig sa screen ng aking cell phone.Tama ba itong nakikita ko?tumatawag si Leandrie?

Lumunok muna ako ng mariin bago sinagot ang tawag.

"Yes,Lean..."hindi naman siguro ako masyadong excited eh,noh?

'We're here at the front of the hospital...'

Napatayo akong bigla nang marinig ang kanyang sagot.

"Ha?with whom?"sinalakay ako ng kaba.

'With the kids...sinundo ko na sila bago ako dumaan dito.'

Napaawang ang aking bibig.Am i heard it right?muli kong sinilip ang screen ng aking cell phone baka kasi hindi si Leandrie ang kausap ko.But it was him!

"Okay,lalabas na ako,Leandrie...and thank you."

Napahawak ako sa aking dibdib nang mag-end ang call.Gosh!i just can't believe this!

Nagmamadali kong inayos ang aking gamit bago mabilis na lumabas mula sa Doctor's department.

Halos liparin ko na nga ang hallway para kaagad na akong  makalabas.Nababahala ako na baka maiinip si Leandrie sa kaaantay sa akin at maisipan nyang hwag na akong hintayin pa.

Hayyy...ano ba ang nangyayari sa akin?

I compose myself bago malapad na ngumiti nang matanaw ko ang sasakyan ni Leandrie.

"Hi!I'm sorry kung napag-antay ko kayo ng matagal."sabi ko sa kanila nang buksan ko ang passenger's seat.

Maaliwalas na mukha ni Leandrie ang bumungad sa akin nang tapunan ko sya ng paningin bago ako sumampa.

Kaagad ko syang kinintalan ng quick kiss sa pisngi nang maayos akong makaupo sa loob.

Nilingon ko ang mga anak ko na nasa likuran habang abala sa katatitig sa kanilang iPod.

"Twins...where's my kiss?"

Sabay-sabay na napaangat ng mukha ang dalawa at sabay ding tumayo para bigyan ako ng halik sa aking pisngi.

"I miss you,Mommy..."

Marahan kong pinisil ang pisngi ni Sharyl matapos itong magsalita.

"I miss you too,my baby..."maagap ko namang sagot.

Napasinghap ako nang biglang ipulupot ni Shady ang kanyang braso sa aking leeg.

"Mommy,i want to eat cake!"lambing nito sa akin.

"Okay,baby boy...magbi-bake ng cake si Mommy mamaya pagdating natin sa bahay."

"We're not going home..."

The Loyal Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon