Chapter 4

39.2K 878 114
                                        

Matapos kong ihatid sa sarili nyang kwarto si Shady ay marahan na akong lumabas.

Mabibigat ang aking mga paa na tinungo ang tapat ng pintuan ng silid namin ni Leandrie at wala sa loob na tumayo roon.

Nakatutok lang ako sa nakapinid na pintuan at para bang kay bigat ng aking kamay na hawakan ang doorknob nun para buksan.

Huminga ako ng malalim.Nagdadalawang-isip parin ako kung dito ako matutulog ngayong gabi pero kalaunan namalayan ko na lamang ang aking sarili na humahakbang palayo mula sa pintuan.

Tinungo ko ang guests room at balak na doon matulog.Wala akong balak na iwasan si Leandrie pero kasi masakit isipin na ako nga ang katabi nya sa pagtulog pero ibang babae naman ang lumalaro sa kanyang isipan.

Marahan akong humiga sa aking kama matapos kong i-lock ang pintuan.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit natatakot ako na muling magkalapat ang mga balat namin ni Leandrie.

Kung pwede nga lang sana kahit dulo ng aking daliri ay ayoko nang dumapo sa balat nya.

Hindi ko matanggap sa aking sarili na may iba nang hinahawakan ang kanyang mga kamay.

I hated it!

Para akong sinasakal sa katotohanang iyon.

*

*

*

Tulad ng lagi kong ginagawa..maaga na naman akong nagising kinabukasan.Kailangan ko pa kasing ipaghanda ng almusal ang mag-aama ko bago ko aayusin ang sarili para maagang pumasok sa hospital.

Walang pasok ang mga bata ngayong araw dahil nagkaroon ng seminar na dadaluhan si Dino.So,mag'e-stay sila sa bahay.

Panalangin ko nalang sana na hindi aalis ng bahay ang kanilang Daddy hanggat sa hindi ako makauwi ng bahay mamayang hapon.

Kung hindi kailangan ko silang dalhin sa hospital dahil wala namang magbabantay sa kanila.

Matapos kong maiayos sa ibabaw ng dining table ang kanilang paboritong breakfast ay nagmamadali na akong umakyat.

Pero ni hindi pa nga ako nakakaakyat ay natanaw ko na lamang si Leandrie na patakbo pang bumaba ng hagdan.

Tumabi ako para mabigyan sya ng daan.Himala ang aga naman yata nyang nagising.

"Heera..."

Napaangat ako ng mukha nang marinig ko ang kanyang pagtawag sa paos na boses.

Gosh!how i miss those voice...

"Yes?may kailangan ka?masama ba ang pakiramdam mo?gusto mong i-check kita para-"taranta kong tanong pero kaagad nyang pinutol ang iba ko pa sanang sasabihin.

Umaatake na naman yata ang pagka-doctora ko kapag nababanaag ko sa kanyang boses na parang mayroon syang dinadaramdam.

"Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi,masikip yata ang dibdib ko."

Malamlam nya akong tinitigan sa aking mga mata bago nya ako marahang nilapitan kaya maagap akong napaatras.

"The breakfast is ready...pero hintayin mo nalang na magising ang mga anak mo para sabay kayong kumain mamaya.Maaga kasi akong umalis ngayon.At saka kung pwede sana bantayan mo nalang muna ang mga bata,wala kasing pasok ang kambal ngayong araw."

Wala naman sana akong balak na sabihin iyan pero kasi nakakawala  sa sarili ang binitawan nyang kataga ngayon.

"Matagal ko nang hindi nahahawakan ang mga kamay mo..Heera."

The Loyal Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon