Chapter 8

36.8K 736 81
                                        

Ang sarap sa pakiramdam yung magigising ka na yakap ka ng taong mahal mo.

Kung dati nagigising ako sa umaga na magkatalikuran kami ngayon naman ay halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang higpit ng kanyang yakap.

Huminga ako ng malalim bago ko tiningala ang kanyang mukha.Dati ganito ang lagi kong ginagawa.Ang lihim na pasadahan ng tingin ang kanyang makisig na mukha habang mahimbing syang natutulog.

Huminga ako ng malalim bago napakurap.Gusto kong hilingin na sana ay ganito nalang kami palagi...pero alam ko naman na mahirap mangyari iyon.

Hindi ko maintindihan kung bakit pinakikisamahan nya ako ng maayos ngayon.Kung dati-rati naman ay matagal na nyang hindi pinaparamdam sa akin ang ganito.

Mas lalo akong kinakabahan ngayong nagpapakabait na sya sa akin.Naninibago ako..

Kung sana ay hindi nalang ako inatake ng matinding curiosity.Hanggang ngayon ay panatag parin siguro ang aking kalooban.

Dahil kasalukuyan akong magmumukhang tanga sa kanyang harapan.At kasalukuyan akong nagbubunyi sa mga kabaitang ipinapakita nya sa akin.

Kaso hindi,eh!natuklasan ko na ang lahat.At ang tanging nagagawa ko ngayon ay ang magkunwari sa kanyang harapan.

Marahan kong itinaas ang aking kamay para sana haplusin ang kanyang pisngi pero ni hindi ko pa nga nadadantay ang aking palad sa kanyang balat ay bigla nalang akong nagulantang nang biglang tumunog ang alarm clock  na maayos na nakapatong sa may bedside table.

Pahamak na alarm clock!

Mabilis kong ibinaba ang aking kamay pero sakto namang iminulat ni Leandrie ang kanyang mga mata.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi bago nya hinuli ang aking kamay.Idinantay nya iyon sa kanyang pisngi papunta sa kanyang labi.Kinintalan nya ng halik ang aking palad.

Napalunok ako bago marahang binawi ang aking kamay na kasalukuyang nakadantay sa kanyang labi.

"Yung alarm clock i-o'off ko sana..."pigil ang hiningang sabi ko sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag nang marahan na nyang pinakawalan ang aking kamay.

Napakurap ako nang marahan nyang padaanin ng kanyang daliri ang bawat sulok ng aking mukha.

"Heera...alam kong may ikinagulat ka kaya ka nagba-blush ng ganito,next time do it when I'm awake,hmm?"

Napakagat ako sa aking labi.Shit! nahiya naman ako dun...

"Gigisingin sana kita...alam mo naman na hindi ako pwedeng tanghaliin sa higaan."i reasoned out.

Napatili nalang ako ng malakas nang isama nya ako sa pagtihaya ng higa.So,ang nangyari napadapa ako sa kanyang ibabaw.

"Leandrie,ano ba!kailangan ko nang bumangon...pareho kaming may pasok ng mga bata ngayong araw!"nagpupumiglas ako para makawala.

"Oh right!may pasok din pala ako...tumawag si Papa,kailangan daw nila ang presentation ko ngayong araw kaya no choice i need to go."

Damn me!bakit ko pa binanggit sa kanya iyon?hindi ba pwedeng ikulong ko nalang sya dito buong araw?para malaman ko na kami parin ang laman ng kanyang utak at hindi maagaw ng iba!

Pero hindi naman lingid sa aking kaalaman na kahit ila-lock ko pa sya sa loob ng bahay kung gugustuhin nyang kumawala ay talagang maghahanap sya ng paraan para makawala.

"Yun naman pala eh,so...pakawalan mo na ako,Lean....baka pareho tayong ma-late nito."

Kung pwede lang sana na hwag nang magtrabaho kaya lang paano naman ang mga pasyente na nag-aantay sa akin doon sa hospital?

The Loyal Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon