Chapter 19

47.2K 798 490
                                        

Author's note:

[Oh..sa mga haters ni Leandrie dyan!magsisimula na tayo...sisimulan na nating tirisin ng pinung-pino si Leandrie!hahaha...

By the way...i hate cheater too,grrrr....but i love Leandrie here!hehe]

Leandrie's POV

Nakatitig ako sa aking trolley bag na nakalapag sa may sahig at inilipat ko ang aking paningin sa ibabaw ng bedside table na kung saan doon nakapatong ang aking passport at ang aking ticket.

Tomorrow,I'm going to leave...

Pabagsak akong naupo sa mahabang sofa.Nahilot ko ang aking sentido at napapikit ako ng mariin.

'I love you,Daddy!'

Umalingawngaw sa aking pandinig ang boses ni Sharyl.Parang sirang plaka iyon na paulit-ulit nalang nagre-replay sa aking utak.

God!i miss them!!

'Okay,go!!hinding-hindi kita pinipigilan,Leandrie!!sumama ka sa babae mo kahit saang lupalop man ng mundo!'

When Heera turn her back on me that night...alam ko yun na ang katapusan para sa aming dalawa.

Nakita ng dalawa kong mata kung paano nya niyakap si Dino.Her bestfriend na lagi kong pinagseselosan ay ngayon napagtuunan na nya ng pansin dahil alam kong hindi na masusukat ang galit nya para sa akin.

Biglang nag-init ang aking mga mata at hinayaan ko nalang na lumandas ang aking mga luha sa aking pisngi.

Tuluyan na bang mawala sa akin ang aking pamilya?

Am i work out hard enough  to kept them?alam kong naging maingat ako sa ginagawa ko...iniiwasan kong malaman ni Heera ang totoo dahil ayoko syang masaktan.

Pero ano nga ba ang ginagawa ko ngayon?ang pamilya na iniingatan ko..ang pamilya na ayokong masira...unti-unti na palang nawawala,unti-unti nang lumalayo mula sa aking piling..na hindi ko namamalayan and i left so alone!

'Are you happy now?'

Kung sinabi ko bang hindi,paniniwalaan pa nya ako?ni ayaw na nga nya akong papagsalitain pa!ayaw na nyang makinig sa mga paliwanag ko...paano ko pa ipaintindi sa kanya ang lahat kung hindi na nya ako binigyan pa ng pagkakataon para magpaliwanag?

Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamao nang sumagi sa aking isip kung gaano kaganda at kung gaano kaakit-akit si Heera that night.

Yung pakiramdam na gusto ko syang tangayin at ilayo sa karamihan?gusto kong ipagsisigaw na pag-aari ko ang babaeng pinagpi-pyestahan ng kanilang mata!

Pero anong nangyari?para akong natrapped sa isang kweba at walang mahanap na butas na malalabasan.

Alam na ba ni Heera ang lahat?pero bakit nananahimik lang sya?ang ginawa ba nyang pag-iwas at paglayo kasama ang mga bata ay paraan lang nya...pero ang totoo?natuklasan na nya ang tungkol sa pinagagawa ko!

Bakit hindi ko kaagad napansin iyon?

Naniwala ako na babalik sila after fifteen day's...pero para akong tanga sa paghihintay buong maghapon hanggang sa umabot na ng isang buwan ang aking paghihintay,hindi sila dumating.

Walang palya ang aking pagtawag at pagse-send ng text message,pero ni minsan ay hindi  ko narinig ang boses ni Heera.Sa 'twing tumatawag ako lagi nalang ang mga anak ko o di kaya ang Mama nya ang nasa kabilang linya.

Nagtaka ako pero hindi talaga sumagi sa aking isip na mayroon na syang nalalaman tungkol sa akin.

Until that night happened...

The Loyal Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon