Chapter 12

32.9K 604 11
                                        

"Lola,kamusta na po kayo?"

Kaagad akong lumapit sa kinahihigaan ni Lola pagkapasok namin ni Leandrie sa loob ng silid.

"Heera?"

Kasabay ng aking pagtango ang paghagulgol nya ng iyak kaya bigla akong nataranta.

"Bakit Lola,may masakit ba sa-"

"Bakit ngayon ka lang dumating?lagi kitang hinihintay,Heera!ang sama-sama ng ugali nila sa akin..Hindi nila ako pinapakain!"

Huminga ako ng malalim bago hinagod ang kanyang balikat.Nakahiga kasi si Lola sa kanyang kama.

"Ano ba kasi ang gusto mong kainin,Lola?"

Humihikbi parin sya na parang bata bago sumagot.

"Gusto kong kumain ng cake pero hindi nila ako binibigyan,Heera!"

Napapailing nalang ako bago ko sinulyapan si Leandrie.Pinandilatan ko sya nang mapansin kong ang lapad ng kanyang pagkakangiti.

Hindi na kasi bago ang ganitong scenario.Si Lola parang sina Shady at Sharyl kung umasta.Bumalik na sa pagkabata ang kanyang pag-iisip.

"Lola...bawal naman po kasi sa inyo ang cake,may diabetes po kayo kaya hindi pwede yung matatamis na pagkain."pang-aalo ko sa kanya.

"Pero Heera gusto ko talagang kumain ng cake!"giit parin nito.

"Okay,hwag na po kayong umiyak...magbi-bake po ako ng cake para sa inyo mamaya."

"Talaga?"tuluyan na syang huminto sa paghikbi.

"Opo.."itinaas ko ang aking right hand na parang sumusumpa sa kanya.

Nilingon nya ang kinatatayuan ni Leandrie bago bumulong sa akin.

"Hwag mong sabihin kay Lean,ha?baka magsusumbong sya sa Mama nya..."

Napangiti ako bago tumango.

"Lola,narinig ko po...pero hwag kang mag-alala,ako mismo ang gagawa ng cake mo."natatawang sabad ni Leandrie.

"Ayoko!gusto kong si Heera ang gagawa ng cake ko!"biglang tumaas ang kanyang boses.

Sinenyasan ko si Leandrie na tumahimik nalang.Nakita na nga nyang umiiyak ang matanda aasarin pa nya.

*

*

*

Pinalabas ni Leandrie ang lahat ng kasambahay mula sa loob ng kusina bago nya ni-lock ang pintuan.

"Anong ginagawa mo?"kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Mag-bake nga tayo ng cake ni Lola,diba?"

Napatili nalang ako nang walang babala nya akong pinangko bago marahang pinaupo sa may counter table.

"At wala kang gagawin kundi ang panoorin lang ako.."

Hinuli nya muna ang aking labi bago nya inumpisahan ang gagawing cake.

"Lean,diet cake ang ibi-bake...baka magkamali ka ng ingredients na ihalo..."hindi ko mapigilang hwag mag-react..kasi naman,eh!

"Relaxed!wala ka  bang tiwala sa asawa mo,huh?anong silbi ng google application sa cell phone ko,wife?sabi nang maupo ka lang dyan at panoorin mo ako.Judge me later kapag natikman mo na ang cake na ibi-bake ko,okay?"

Napakagat nalang ako sa aking labi habang sinusundan ng tanaw ang bawat galaw nya dito sa apat na sulok nitong kusina.

Hour's later...

The Loyal Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon