Hindi ko alam kung paano lumipas ang mga oras sa araw na ito.Nakakatawang isipin kasi nasa loob kami ng isang lugar ni Leandrie pero ni hindi man lang nagkatagpo ang aming landas.
Maybe because ayaw lang talaga ng tadhana na ipamukha ko sa kanya ang ginawa nyang panloloko sa akin.
Maybe because this is not the time yet...
Kung tutuusin pwede naman akong bumalik sa room na iyon na kung saan naroroon ang babaeng kinahuhumalingan nya pero hindi ko ginawa.
Natatakot ako na baka mas pipiliin nya si Chezca kaysa sa akin.Mas magmukha akong kaawa-awa.
Kung ibinunyag ko ba kay Chezca ang totoo ay bumalik pa sa dati ang lahat?hindi na!
Nasaktan man ako ng sobrang-sobra dahil sa natuklasan...kahit naubos na ang aking luha dahil sa pag-iyak...
Pero iniisip ko parin ang kalagayan ni Chezca.Minsan nagiging pasyente ko sya na isinalba ko ang buhay buhat sa critical na kondisyon.Ayoko syang mapahamak dahil alam kong hindi pa sya nakaka-recover mula sa surgery.
Isa akong Doctor at hindi isang mamamatay tao.
Kung mapahamak ba si Chezca dahil sa pagsasabi ko ng totoo ay masisiguro kong makukuha ko na ng buong-buo ang puso ni Leandrie?
Alam kong hindi!kagustuhan nya ito...sya ang nagdisisyon tungkol sa buhay nya.Puso nya ang tumibok sa iba kaya magwala man ako...kahit sabihin pang maglulumuhod pa ako sa harapan nya na sana balikan nya kami at talikuran si Chezca ay hindi parin maibabalik sa dati ang lahat.
Nagkaroon na ng lamat ang pagsasama namin.Mayroon na akong kahati sa kanyang puso.Siguro nga mas maliit pa sa 1/4 ang natitirang pagmamahal na kanyang nararamdaman para sa akin ngayon.
Inalala ko ang mukha ni Chezca kanina.No wonder,kung bakit ipinagpalit ako ni Leandrie sa isang katulad nya.
Napangiti ako ng mapait..bago marahang pinunasan ang bakat ng maraming luha sa aking pisngi.
Hindi ko pwedeng pagsabayin ang aking trabaho sa personal kong buhay.
Siguro nagkataon lang talaga na si Chezca ang babaeng kaagaw ko sa aking asawa na naging pasyente ko na isinalba ko ang buhay para magkaroon ng isa pang pagkakataon na mabuhay para magiging masaya at maging mahaba ang kanilang pagsasama.
Siguro ako ang ginawang paraan para magiging masaya sa piling ng iba si Leandrie.
Tama na...pagod na ako....ayoko nang magmukhang tanga.
*
*
*
Pagkasara ko ng malaking bag ay sya namang pagbukas ng pintuan ng master's bedroom.
Akala ko sina Shady at Sharyl ang pumasok kaya hindi na ako nag-angat pa ng mukha.Pero nagtaka ako kung bakit walang ingay ang dalawa.
Iniwanan ko kasi ang dalawa sa may playroom para piliin ang mga paborito nilang laruan na gusto nilang dalhin.
Tuluyan na akong napatayo nang sa paglingon ko ay hindi inaasahang tao ang malilingunan ko.
"Leandrie?"mukhang hindi pa nga ako sigurado sa nakita.
"Ano na naman bang kalokohan ito,Heera?"kunot-noo nyang tanong.
Napakurap ako..totoo nga palang si Leandrie itong kaharap ko.Teka,ora-orada yata syang napasugod dito ah!
Did his parents told him already about my plan?
Hindi na ako umuwi sa mansyon kahapon.Dumeretso kami dito sa bahay pagkatapos kong sunduin sa school ang mga anak ko.

BINABASA MO ANG
The Loyal Wife
ChickLitAno nga ba ang gagawin mo kapag napagtanto mong niloloko ka ng iyong asawa? Aawayin mo ba sya?mag-iiskandalo ka ba?o...manahimik na lamang? The loyal wife and a cheater husband... Paano nga ba magiging maayos ang ganitong samahan? Magtatagal kaya si...