Isang Linggo ang lumipas...
*
*
*
Ang isang araw na paghihintay namin kay Leandrie ay umabot na ng isang linggo.
Nakulong na kami dito sa bahay ng kanyang mga magulang.Nabo-bored na din ang mga bata at gusto na nilang bumalik sa sarili naming tahanan.
Araw-araw ko syang tinatawagan pero ni minsan ay hindi man lang nya sinasagot.Minsan nakasara pa ang kanyang cell phone at hindi ma-contact.
Kung ano man ang pinagagawa ni Leandrie sa loob ng isang linggo ay wala akong alam.
Ang huling beses na nasilayan ko ang kanyang mukha..noong muntik na kaming magkasalubong sa hallway ng hospital.
And after that ay hindi man lang sya nagpaparamdam.
Nang maihatid ko ang mga bata sa kanilang school ay dumeretso na ako sa hospital.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit parang wala ako sa kondisyon ngayong araw.
"Good morning,Doctora!"
Pilit akong ngumiti nang batiin ako ng primary nurse na biglang sumalubong sa akin.
"Good morning!can i have the patient's file?"sabi ko sa kanya.
"Okay,Doctora...ihahatid ko po sa deck nyo."maagap nitong sagot.
Magra-round ang Doctor's team ngayon...so,i need to wait them all para sabay na kami mamaya.
Naupo na ako sa swivel chair nang makalapit ako sa sariling deck.Ilang minuto din akong nag-antay bago ko natanaw ang primary nurse na pumasok sa Doctor's department.
"Ah,Doctora...may patient po sa VIP lounge na gusto kayong makausap..room 2045 po."
Sabi nya matapos ilapag sa ibabaw ng aking mesa ang file na pinapakuha ko sa kanya kanina.
Napakunot ang aking noo dahil sa narinig.
"Hindi ako ang in charge doon..it was Doctor Noah...i think?"
"Opo Doctora,pero kayo po kasi ang nagtake-over sa medical operation ng heart transplant ng pasyenteng ito one week ago.Kaya gusto ka lang nyang makausap just to thank you dahil sa successful operation na isinagawa mo."mahaba nyang paliwanag.
Napalabi ako habang nag-iisip.
"What's the patient's name again?"curious kong tanong.
"Chezca Villaza po Doctora.."
Sa dami na kasi ng pasyente na dumaan sa aking kamay ay hindi ko na natatandaan ang kanilang pangalan.Maalala ko lang iyon kapag mabanggit sa akin kung anong case.
"Okay,pupuntahan ko mamaya kapag hindi na ako busy."tanging sagot ko.
*
*
*
Isang magandang babae na nakahiga sa hospital bed ang bumungad sa akin nang buksan ko ang pintuan.Kahit na namumutla pa sya ay hindi parin maikukubli ang taglay nyang ganda.
Hindi ko napansin ang kanyang mukha noon dahil naka-focus ako sa sakit nya .
"Chezca Villaza?"
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi na nakapagdagdag sa kanyang ganda.
"Salamat sa pagbisita Doctora..at pasensya na sa abala.Kung kaya ko na sanang bumangon at maglakad ngayon ay di sana ako na lamang ang pupunta sa office mo..."

BINABASA MO ANG
The Loyal Wife
ChickLitAno nga ba ang gagawin mo kapag napagtanto mong niloloko ka ng iyong asawa? Aawayin mo ba sya?mag-iiskandalo ka ba?o...manahimik na lamang? The loyal wife and a cheater husband... Paano nga ba magiging maayos ang ganitong samahan? Magtatagal kaya si...