Chapter 20

48.8K 767 273
                                    

Nakabukas ang gate sa may garahe kaya malaya kong naipasok ang aking sasakyan.

Nang matanggal ko mula sa compartment ang dala kong trolley bag ay malaya ko itong hinila habang tinutungo ang front door.

Pero hindi ko na namalayan ang biglang pagkatumba ng aking bag dahil bigla ko itong nabitawan nang matanaw ko mula sa aking kinaroroonan si Heera.

I gritted my teeth habang naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamao.

Anong ginagawa ni Dino dito?sinamantala ba nya ang pagkakataon dahil alam nyang mayroon kaming hindi pagkakaunawaan ni Heera?

Sino nga ba ang hindi maghysterical kung ganito ang mabubungaran kong pagkakalapit ng dalawa?

Nakaupo sa may bench si Dino habang nasa likuran nya si Heera at nakadukwang habang nakatukod ang siko nito sa ibabaw ng balikat ni Dino.

They been like this even before!hanggang ngayon ba ay hindi man lang nagbago ang kanilang samahan?

Bakit attached na attached sila sa isat-isa?mabuti sana kung babae si Dino.But...for heaven's sake!Dino was a huge man too at hindi maipagkakaila na mapapalingon din ang mga babae sa kanya.

Pagseselosan ko ba sya kung wala syang maipagmamalaki?kung bakit kasi hindi pa nya maisipang  mag-asawa nang sa ganoon ay mabawasan man lang ang closeness nila ng asawa ko!

"DADDY!!!"

Naibaling ko ang aking atensyon sa mga anak ko na nag-uunahan pa sa pagtakbo habang papalapit sa aking kinatatayuan.Hindi ko na napansin kung saan nanggaling ang dalawa.

Kaagad akong nag-squat seat at mabilis kong sinalo ng aking magkabilang braso ang kanilang katawan.Mahigpit kong niyakap sina Sharyl at Shady.God!how i miss this kids!!

"I miss you so much,Daddy!antagal mong hindi nagpakita sa amin..."~Sharyl~

Napapikit ako ng mariin at pinaglipat-lipat kong hinalikan  ang kanilang noo at pisngi.

"I'm sorry,twins...kung natagalan ang pagsunod ni Daddy,i promised...mananatili na ako sa tabi nyo at hinding-hindi na ako aalis pa!"

"Really,Daddy?gusto mo rin na tumira dito na kasama namin?"

Bigla akong natigilan nang biglang sumabad si Shady.

"Ayaw nyo na bang bumalik sa bahay natin sa Manila?"

"Mommy said dito na daw kami titira...kasi wala naman daw syang babalikan sa Manila."nakangusong reklamo ni Sharyl habang pisil-pisil pa nya ang aking mukha.

"Kayong dalawa..gusto nyo ba na dito na tayo tumira?"halos kakapusin na ako ng hininga habang inaantay ang kanilang sagot.

"Yes,Daddy!!"chorus pa nilang sagot.

Oh god!I'm in trouble now...

"Fine!dito na tayo titira kung iyon ang kagustuhan ninyo at ni Mommy!"final kong sagot.

Marahan na akong tumayo habang karga sa kabilang braso si Sharyl at hila-hila ko naman sa kabilang kamay ang aking trolley bag.

Mabibigat ang paa na sumunod ako kay Shady nang tapunan ko ng tanaw ang kinaroroonan ni Heera kanina at napansin kong blangko na iyon.

Hinahanap-hanap ko ang kanyang pagsugod ng yakap sa akin at pagkintal ng halik sa pisngi sa 'twing darating ako sa bahay.Ang sakit lang sa pakiramdam dahil ngayon magawa na nya akong balewalain.

"Leandrie?"

Gulat na gulat ang Mama ni Heera nang madatnan ko sya sa may sala.Hindi ko maiwasang hindi suyurin ng paningin ang buong paligid pero ang taong hinahanap ng aking mata ay wala.Kahit ang tarantadong iyon ay wala din.Saan kaya sila nagpunta?

Binitiwan ko ang hawak na trolley bago ibinaba si Sharyl.Kinakabahan pa ako nang lapitan ko ang Mama ni Heera.Paano kung naikwento na ni Heera sa kanya ang lahat?

"Kamusta po kayo,Ma?si Papa nasaan?"tanong ko sa kanya sabay ng paghalik ko sa kanyang noo.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapansin kong malapad syang ngumiti bago sumagot.Akala ko pa naman ay sasabunutan na nya ako at sasampalin.

"Maayos lang naman ako,hijoh...ikaw kamusta ka na?mabuti naman at sinundan mo ang mag-iina mo dito.Wala ang Papa mo,hindi pa dumating.Inanyayahan kasi ng isa sa mga kaibigan nya kanina."

Napatango nalang ako pero hindi parin napapalagay ang aking kalooban hanggat hindi ko nakikita at nakakausap ang aking asawa.

"Si Heera,Ma...nasaan?"alanganin kong tanong.

"Nasa labas lang iyon ah!kasama nya ang kaibigan nya kanina.."kunot-noong sagot ng Ginang.

Gusto kong mainis na ewan.Bakit ba kinukunsinti nila si Heera na makipagkaibigan sa isang lalaki?at hinahayaan pa nila na dito tumuloy ang tarantadong iyon!

"Kailan pa nandito ang lalaking iyon,Ma?"hindi ko na itinago ang iritasyon sa aking boses.

Sinulyapan nya muna ako bago napangiti.

"Pangatlong araw na nya ngayon. Hinatid nya kasi si Heera pauwi dito kasi kalalabas lang daw nila galing hospital noong nakaraang gabi.Alam mo naman na maselan masyado si Heera kapag nagbubuntis.Naalala mo noong pinagbubuntis pa nya ang mga panganay nyo?halos hindi na kayo mauwi-uwi sa bahay.Panay ang check-up sa kanya."

Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng lalamunan at walang boses na lumabas mula sa aking bibig.Nanlambot ang aking mga tuhod at bago ko pa namalayan ang aking sarili ay napaupo na ako sa mahabang sofa habang hawak ko ang aking sentido.

My wife was pregnant!at muntik ng mapahamak ang aking anak na nasa kanyang sinapupunan dahil sa pagkakamaling nagawa ko.Alam ko kung kailan ang nakaraang gabi na tinutukoy nya.Marahil..paglabas ni Heera mula sa residence na pag-aari ng pamilya ni Chezca.

"I'm sorry,Ma...it was my fault..."nag-init ang aking mga mata dahil sa mga  luha na bumubuo roon.

Wala akong idea kung alam nya ang buong pangyayari.Pero bukal sa aking kalooban ang amimin sa kanya ang totoo ngayon kung kinakailangan.

"Nagkamali ako,Ma...nasaktan ko si Heera na syang labis kong pinagsisihan ngayon.Patawarin nyo ako Ma..patawarin nyo ako."pagsusumamo ko.

"Ayusin ninyong mag-asawa ang problema ninyong dalawa.At sana hindi na mauulit ito,Leandrie...kung hindi ako na mismo ang magpapalayas sa'yo mula dito..."maawtoridad nyang sabi sa akin.

"Hindi na,Ma...hindi na po talaga!"maagap kong sagot.

*

*

*

Halos mabasag ko na ang lahat ng gamit na mahahawakan ko dito sa loob ng kusina kapag sumisiksik sa aking utak ang nasaksihan kanina.

Bago kasi ako nagpasyang magkulong dito sa kusina para magluto ng dinner ay wala sa loob na umikot ako sa likod ng bahay kanina.

Doon ko natagpuan ang dalawang tao na kanina ko pa hinahanap.Pareho silang nakahiga sa iisang swing habang may kanya-kanyang hawak na libro.

Kung hindi ko pa napigilan ang aking sarili kanina ay baka nasugod ko na ang gagong iyon at pinahalik sa lupa.

Ako itong asawa..pero ako itong nawalan ng karapatan para hawakan sya..lapitan o,kausapin man lang!

Kami dapat ang nasa loob ng swing na yun eh!paborito naming tambayan ni Heera iyon kapag nandito kami sa probinsya.Pero ano ngayon?ang tarantadong iyon na ang umuukopa!

"Daddy,yung tubig...kanina pa nakabukas...sabi ni Lola mahal daw ang tubig kaya dahan-dahan lang sa paggamit!"

Napakamot ako sa aking ulo nang masermunan ako ni Sharyl.

Hayyy...mabuti nalang talaga at nagkaroon ako ng precious twins ko kung hindi wala man lang akong karamay ngayon.See?mabuti pa sila...at hindi nila ako hinayaang mag-isa dito sa loob ng kusina.

☆☆☆

The Loyal Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon