Chapter 21

47.3K 766 362
                                        

Parang hinahaplos ang aking puso nang makita kong maganang kumain si Heera.

Kahit na nga ba ang sama-sama ng loob ko dahil ang dati-rati na pwesto ko dito sa may dining room ay naging pwesto na ni Dino.At saan ako nakapwesto ngayon?dito sa pinaka-dulo!parang ako na ito yung outsider eh!ang sarap talagang kaladkarin palabas ng gagong iyan!haist!!ang sarap talagang  magwala!

"Ma,ito yung pagkain na sinasabi ko sa'yo kahapon na gusto kong kainin...mabuti nalang at naisipan mong lutuin..."

Saglit na nagtama ang mga mata namin ng Mama ni Heera nang biglang magsalita si Heera.And thanks god!at narinig ko na rin ang kanyang boses.

Actually,nag-insist akong magluto kanina instead na ang Mama ni Heera ang dapat magluto nang marinig ko mula sa kanyang Mama ang gusto nyang kainin.

Kasi since mag-isa lang naman sa bahay ang parents ni Heera kaya hindi na nila naisipang kumuha ng kasambahay.Kaya ang nagluluto sa pamilya ay ang Mama ni Heera.So,dahil nandito naman ako kaya inako ko nalang muna ang pagluluto.

May naglilinis naman ng buong bahay every two days at may naglalaba at namamalantsa din ng kanilang damit every seven day's.Ganoon ang daily routine nila sa pamamahay na ito ever since.

"Mommy,hindi naman si Lola ang nag-cook ng foods!"

Napaangat ng mukha si Heera at dumeretso kay Sharyl ang paningin nang bigla itong magsalita.Haist!hindi talaga marunong mag-behave ang baby girl ko.

"Sino?"kunot-noong tanong nya.

"Me,Shady and Daddy!"pagmamalaki pa ni Sharyl.

Bumagsak ang aking balikat nang mapansin ko ang marahan nyang paglapag sa hawak na kubyertos.

Inaasahan kong tapunan man lang nya ako ng paningin pero nakapanghihina ng loob nang hindi nya ginawa iyon.

"Ganoon ba?kaya pala iba ang lasa..."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa sariling kutsara.Murahin nalang ako o,duru-duruin matatanggap ko pero yung harap-harapan na ipamukha sa akin ang kahinaan ko dito pa mismo sa harapan ng outsider na ito?parang makasakal talaga ako ng tao kung hindi ko kayang kalmahin ang aking sarili.

Pero ano pa ba kasi ang aasahan ko mula kay Heera?na magtatalon sa tuwa dahil pinagluto ko sya sa kabila ng sakit ng nararamdaman nya na ako din ang naging sanhi?

Parang sinakal ang aking puso nang mauna na syang tumayo mula sa hapagkainan at hindi na tinapos ang kanyang pagkain.Malungkot kong sinundan ng tanaw ang kanyang likod nang lumabas sya mula sa pintuan ng dining room.

Nasaan na yung halakhakan at masasayang kwentuhan na dati-rati ay pumupuno sa apat na sulok ng dining room na ito?bakit ngayon ay nababalutan na ng kalungkutan at katahimikan?

Ako ba talaga ang dahilan ng lahat kaya ganito ang nangyayari?

Napabuga ako ng hangin.Ano ba ang kailangan kong gawin para bumalik sa dati ang lahat?

Alam ko na hindi na mabubura ang pagkakamaling nagawa ko pero paano ko ba muling mapaamo ang aking asawa?

*

*

*

Daig ko pa ang alila ngayon sa loob ng pamamahay na ito.After eating dinner...nagligpit pa ako sa kusina.Pinagsabihan na ako ng Mama ni Heera kanina na magpahinga na at hayaan nalang ang kusina pero hindi ako nakinig.

Kasi kapag iiwanan kong madumi itong kusina ay alam kong sya ang maglilinis.So,no choice kailangan kong tapusin ang hugasin at pagliligpit ng hapagkainan bago ako aakyat mamaya.

Napabuga ako ng hangin at napakuyom ng mahigpit sa aking kamao nang madatnan kong nasa labas ng pintuan ng silid namin ni Heera ang aking trolley bag.Alam kong inilabas nya ito..isa lang ang ibig nyang sabihin,ayaw nyang makasama ako sa iisang silid.

Gusto ko nang mamahinga dahil sa nararamdamang pagod mula pa kanina pero ang tanong saan ako hihilata?

Okupado na ni Dino ang guests room.Iisang room lang ang inuukopa ng mga anak namin pero may kanya-kanya naman silang higaan at napalagitnaan lang ng kurtina.

Hindi din ako pwedeng pumasok doon dahil sigurado na magtataka ang mga anak ko.At hindi maiwasan na magtatanong sila kung bakit.Hindi ko naman pwedeng sabihin na nagkatampuhan kami ng kanilang Mommy dahil baka makakaapekto iyon sa kanila.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang dumaan pero hindi parin ako umaalis sa tapat ng pintuan ng silid namin.

Para akong tanga...na naghihintay sa wala.Pakiramdam ko para akong gate crusher sa isang party o,di kaya yung mga pulubi na palaboy-laboy sa kalye!

Napatayo ako ng tuwid nang marinig ko ang pag-ingit ng pintuan.Lumabas si Heera at saglit pa syang natigilan nang mabungaran nya ako sa may pintuan.

"Heera..."

Nanlilisik ang kanyang mga mata nang titigan nya ako sa mukha.

"Nandito ka pa?bakit hindi ka pa umaalis?"para akong sinakal sa tanong na iyon.

"Heera,please hear me out first!"pagsusumamo ko sa kanya.

"Para ano?para magtagpi-tagpi kana naman ng kasinungalingan?tama na Leandrie!sawang-sawa na ako!!bakit ka pa kasi sumunod pa dito?diba binigyan na kita ng kalayaan para sumama sa babae mo?ano pa ang hinihintay mo ngayon?annulment?akin na ang papel at pipirmahan ko kung iyon ang dahilan na pagsunod mo dito!"

Hindi ko namalayan ang pag-agos ng maraming luha mula sa aking mga mata.Yung pakiramdam na gusto kong  ipaliwanag  ang side ko pero pinapangunahan na nya ako ng sumbat.Ang hirap!

"I'm tired Heera...i want to rest,pwedeng papasukin mo naman ako sa loob ng kwarto kahit sa sofa nalang ako,okay lang..."pag-iiba ko ng usapan imbes na seryosohin ang kanyang sinabi.

"Wala akong pakialam!hindi kita tinawag na sumunod dito kaya wala kang karapatan na pumasok sa kwarto ko!malaya ka ng umalis Leandrie!!hwag  mo nang bilugin ang aking ulo sa pagkukunwaring kabaitan mo dahil hindi mo na ako mapapaniwala pa!ano wala bang ka'thrill-thrill ang buhay mo kapag hindi na pa-sikreto ang gagawin mong panloloko sa akin?"

"I'm sorry...I'm sorry please!"

Napapikit ako nang bigla na naman syang magwala.Hindi ko alam kung dala lang ba ng kanyang paglilihi o dahil ayaw na talaga nya akong makita kaya sya nagkakaganito?

"I'm sorry?yun lang ang sasabihin mo sa hapdi at sakit na dinulot mo sa akin?ha Leandrie?matutumbasan ba ng salitang I'm sorry ang ginawa mong panloloko sa akin?pinagpalit mo ako sa iba,Leandrie!hindi ka nakontento kaya pakiusap doon kana sa babae mo...patahimikin mo na kami ng mga anak mo dahil kahit ano pa ang gagawin mo ay hindi mo na maibabalik sa dati ang lahat.Sinira mo na ang tiwala ko sa'yo...sinaktan at dinurog mo ang puso ko,ano pa ba ang gusto mo?"

Gusto ko syang yakapin ng mahigpit at patahanin sa aking dibdib nang humagulgol sya ng iyak.

God!did i hurt her that much?

Napa-facepalm nalang ako nang wala sa oras nang muli syang pumasok sa loob ng silid at pabagsak nyang isinara ang pintuan.

Tahimik akong napaupo sa sahig habang nakasandal sa pader ang likod.Tahimik akong umiyak..god!Heera...nasaan na ang lambing ng iyong boses?

Napamulat ako ng mata nang may mga kamay na tumapik sa aking balikat.

"Leandrie,inayos ko ang library room...doon ka nalang muna matulog hanggang sa humupa ang galit ng asawa mo.Habaan mo nalang ang iyong pasensya...ganoon talaga kapag buntis,mainitin ang ulo."

Tumango nalang ako matapos marinig ang sinabi ng Mama ni Heera.

"Okay,Ma..salamat."

Sagot ko bago ako tumayo at sumunod sa kanya papunta sa library room.

☆☆☆

The Loyal Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon