I'm so uncomfortable sleeping on the sofa dahil mas mahaba pa ang size ng katawan ko kaysa sa haba ng sofa na kinahihigaan ko.
Kaya nga hindi ko alam kung nakatulog ba ako ng mahimbing?
Panay ang tingin ko sa wallclock para malaman ko kung anong oras na.
Iniisip ko kasi na kailangan kong maghanda ng breakfast ng maaga tapos muli akong iidlip hanggang sa magsigising na ang lahat.
Tampal sa mukha at pisil sa ilong at tainga ang nagpagising sa akin kinaumagahan.
Tamad kong iminulat ang aking mga mata at ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang mamulatan ko ang mga anak ko na nakadukwang sa aking harapan.
"Daddy,why are you sleeping here?"naka-pout pang tanong ni Sharyl.
Bahagya kong iniwas ang aking mukha dahil kinikiskis nya sa aking pisngi ang buhok ng laruan nyang doll.
"Hindi ako natulog dito...may hinahanap lang akong book tapos dinalaw ako ng antok."i reasoned out.
"Eh bakit nandyan ang bag mo?"turo naman ni Shady sa aking trolley na nakalapag sa sahig.
Ang sarap lang sabihin na pinalabas yan ng Mommy nyo kagabi.hehe...
"Wala na kasing space doon sa room eh.."napakamot ako sa aking ulo.
My kids is only five years old pero nakakapanginig ng tuhod kung magtanong.
"Bakit nga pala kayo nandito?ang aga pa ah!"balik tanong ko sa kanila.
"It's time for breakfast,Daddy!magagalit si Lolo kapag hindi sabay-sabay kumain."si Sharyl ulit.
"Pinapagising nga po kayo ni Lola kasi mag-breakfast daw muna tayo."segundo naman ni Shady.
Marahan akong bumangon bago hinilot-hilot ang batok.
Awtch!
Nadagdagan pa ang sakit nang biglang magpalambitin sa aking leeg si Sharyl.Wala na hindi na yata ako masisilayan ng bunso ko sa lagay na 'to ah!
Maliban sa Mama ni Heera...walang kaalam-alam ang lahat na ako na naman ang naghanda ng breakfast ngayong umaga.Maigi na yun para makakain ng madami si Heera.
Kasi kapag palagi syang skip ng skip sa pagkain ay baka madamay pa ang baby namin.Ayoko namang mangyari iyon.
Bigla akong binalot ng excitement nang lumaro sa aking isipan ang munting anghel sa sinapupunan ni Heera.Sino kaya ang kamukha nya?babae kaya o,lalaki?sana kambal ulit.Napahagikhik ako ng tawa dahil sa naisip.
"Dad,why are you laughing?"sinilip pa ni Sharyl ang aking mukha.
"Kasi twins...eight months from now ay magkakaroon na tayo ng bagong myembro ng pamilya..."balita ko sa kanilang dalawa.
"Ha?bakit eight months from now pa?"curious na tanong ni Shady.
"Kasi sa ngayon nasa tummy pa sya ni Mommy..."
"Ha??"chorus na sambit ng dalawa at pareho pa ang reaction ng mukha.
Alam ko hindi nila naiintindihan kung ano ang ibig kong sabihin.
*
*
*
Nabunutan na ako ng tinik sa dibdib dahil ngayong araw babalik na sa Manila si Dino.
Hindi nya dala ang kanyang sasakyan kaya no choice ako ang maghahatid sa kanya papunta sa terminal ng bus.
Pareho kaming tahimik habang nasa daan.

BINABASA MO ANG
The Loyal Wife
ChickLitAno nga ba ang gagawin mo kapag napagtanto mong niloloko ka ng iyong asawa? Aawayin mo ba sya?mag-iiskandalo ka ba?o...manahimik na lamang? The loyal wife and a cheater husband... Paano nga ba magiging maayos ang ganitong samahan? Magtatagal kaya si...