"Dito ako matutulog ngayong gabi..."
Pasimple kong nilingon si Leandrie habang nakasandal sa may pintuan ng kusina.
Bumalik sya dito matapos nyang igiya sa may sala ang mga bata para sabihin sa akin yan?
Magugulat pa ba ako sa ganitong set-up namin? At teka- kailangan paba talaga nyang magpaalam? Kaninong bahay ba ito para kailangan pa nyang humingi ng permiso? Nakalimutan na ba nya na sya ang padre de pamilya?
Ano ba kasi ang gusto nyang alamin?na maglulundag ako sa tuwa dahil dito sya matutulog ngayong gabi?
Oo nga pala...isang gabi na matutulog dito na kasama namin,pagkatapos dalawang Linggo na mawawala!
Its good!
Kung noon ay halos magtatalon na ako dahil sa tuwa sa isiping makakatabi ko na naman sya sa pagtulog kahit pa nga ba isang beses lang sa loob ng dalawang linggo..
Pero ngayon..nakakawala na ng gana.Mas gugustuhin ko pa na hindi nalang sya uuwi.Para naman hindi na ako umakto na maayos na makikisama sa kanya.
"Okay..i preparing your favorite foods for dinner then."
Nginitian ko sya bago muling ibinaling sa lababo ang paningin.Naghuhugas kasi ako ng pinagkainan naming cake kanina.
"Heera..."
Humakbang ako palayo sa lababo at lumipat sa kabilang corner nang mapansin kong lumapit sya sa aking kinaroroonan.
Kinuha ko yung dry towel para kunwari magpupunas ako ng pinggan na hinugasan ko.
"Yung sinabi ni Sharyl kanina..sinong teacher ang tinutukoy nya?"
Oh!nagulat ako dun ha?kailan pa sya nagkaroon ng oras na bigyan ng pansin ang mga nirereklamo ng mga anak ko sa kanya?
'Alam mo Daddy..laging sinasabi ng teacher namin na maganda daw si Mommy!'
Gusto kong matawa...magkunwari pang affected samantalang ang totoo nyan ay nagtatalon narin siguro ang kanyang puso dahil sa tuwa!
Syempre magkakaroon sya ng dahilan para awayin ako.Kunwari magseselos para iisipin ko na mahalaga ako sa kanya..at dahil doon ay muling matatabunan ang kanyang kalokohan.
Great!
"Si Dino iyon..bestfriend ko noong college ako.Hwag mo nang pansinin ang sinabi ni Sharyl.Hindi lang naman ako ang Mommy na sinasabihan nya ng ganoon."balewala kong sagot.
Nagulantang ako nang bigla nalang nyang tampalin ang ibabaw ng counter table.Anong problema nito?
"All these time ay nagkikita parin pala kayo ng lalaking iyon!at doon mo pa ipinasok ang mga anak ko without my permission!ano ba ang pinagagawa mo behind my back?"
Napahigpit ang hawak ko sa may dry towel bago marahas ko syang hinarap.
"Private school iyon at nagkataon na nagtuturo doon si Dino.May tiwala ako sa bestfriend ko at mapapanatag ang kalooban ko habang nasa trabaho dahil mapagkatiwalaang tao ang tumitingin sa mga anak ko!baka nakalimutan mo na pareho tayong busy sa trabaho pero atleast ako kahit gaano ako ka-busy sa loob ng hospital buong maghapon ay hindi ko naman kinakalimutan ang obligasyon ko bilang ina ng kambal!"
Wala akong balak na manumbat pero hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit bigla nalang ako nag-outburst.
Being a surgeon is not that easy.Saka lang ako nakakahinga ng maluwag kapag nakalabas na ako ng operating room leaving my patient in a stable condition.
That's why...gusto kong makapag-concentrate sa ginagawa without any thinking dahil alam kong nasa maayos na pangangalaga ang aking mga anak.
Eh sya?saan sya nagiging busy?sa babae nya!

BINABASA MO ANG
The Loyal Wife
Literatura FemininaAno nga ba ang gagawin mo kapag napagtanto mong niloloko ka ng iyong asawa? Aawayin mo ba sya?mag-iiskandalo ka ba?o...manahimik na lamang? The loyal wife and a cheater husband... Paano nga ba magiging maayos ang ganitong samahan? Magtatagal kaya si...