Heera's POV
"Hmmm...ang bango!"
Napangiti ako habang inilalabas mula sa oven ang cake na bi'nake ko nang marinig ang excitement sa boses ni Shady.
Sa loob ng isang oras na naging busy ako sa kusina ay ni isang segundo ay hindi rin lumabas mula sa kusina ang dalawa.
Nakaupo lang sila sa dining chair habang nanonood sa ginagawa ko.
Ipinatong ko sa counter table ang pyrex na may lamang cake at hinayaan kong lumamig muna bago ko hihiwain mamaya.
Inilabas ko ang serving plate mula sa lalagyan at hinanda ko na din ang tinidor para sa kanilang dalawa.
Binuksan ko ang ref at tiningnan ko kung kasya pa ang ginawa kong fresh juice kaninang umaga.Madami pa naman kaya hindi na ako gumawa ng panibago.
Marahan ko nang hiniwa ang cake nang lumamig ito ng konti.Pagkatapos ay hinainan ko na ng tig-iisang slice ang dalawang platito na nakahanda para sa kanilang dalawa.
"Tsaran!"
Nakangiti kong inilapag sa kanilang harapan ang dalawang platito na hawak ko.
"Enjoy your meal,my loves!"magiliw kong saad.
"Thank you,Mommy..."chorus na sagot ng dalawa.
Muli kong binalikan ang natirang cake na nasa loob ng pyrex.Kailangan ko kasing ayusin ito sa loob ng serving plate para mailagay ko na sa loob ng ref.
Maybe...incase na darating ang magaling kong asawa ay maaaring matikman din nya ito.Alam kong paborito ito ni Leandrie.
Hayyy...i sighed.
Mabuti nalang talaga at nagkaroon kami ng anak kung hindi baka naisipan ko nang magpatiwakal dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko buhat sa natuklasan.
"Daddy!!!"
Muntik ko nang mabitawan ang hawak na kutsilyo nang marinig ko ang tawag ni Sharyl sa kanyang Daddy.Mas gusto ko pang isipin na nagbibiro lang sya pero-
"How's my adorable kids?"
Speaking of the devil!nandito nga si Leandrie!
My heart skip a beat nang marinig ang baritonong boses na nagmumula sa aking likuran.
Damn heart!kung hindi ko lang napigilan ang aking sarili ay baka napasugod na ako ng yakap sa kanya tulad ng dati kong ginagawa kapag dumating sya sa bahay.
'Ano ba Heera!nasasakal na ako sa higpit ng yakap mo!!'
Naipilig ko ang aking ulo nang bigla kong maalala ang palagi nyang sinasabi kapag niyayakap ko sya dati.
Ngayon ko lang na-realize na hindi naman pala sya nasasakal kundi ayaw lang talaga nyang yakapin ko sya.
Napalunok ako bago marahang lumingon.I compose myself at pasimpleng ngumiti.
"Hi!"i greeted him.
Pero muntik ko nang malulon ang aking dila nang mapansin kong titig na titig si Leandrie sa akin.
Bigla akong naging conscious sa aking sarili nang mapansin ko ang suot kong damit.Hindi ko alam kung bakit naging awkward para sa akin ang ilantad sa harapan nya ang aking katawan.
Nakasuot lang kasi ako ng see through white sando at maikling shorts na hanggang singit na yata ang ikli.Mabuti nalang at may suot akong apron kaya naman ay hindi bumakat mula sa suot kong sando ang malulusog kong dibdib.
Mabilis kong dinampot ang empty na platito at nilagyan ng cake bago muling kumuha ng isa pang baso para sa juice.Marahan kong inilapag iyon sa mesa bago ako tarantang umatras.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ako natataranta sa kanyang harapan.It seems na parang ako pa itong nagkaroon ng kasalanan.
"Magmeryenda ka narin,tamang-tama at kasisimula lang ng mga anak mo.Aakyat muna ako,nakalimutan ko yung laundry na inilagay ko sa washing machine kanina."pagkakaila ko.
Kaagad na akong tumalikod at hindi ko na inantay ang kanyang sagot.
Pahingal kong isinara ang laundry room bago ako sumandal sa likod ng pintuan.
Shit!what's happening to me?
Marahas kong hinubad ang suot kong damit at isinalansan iyon sa loob ng laundry basket.
Anong silbi para magpakita ako ng kasexy-han sa harapan nya kung ibang katawan naman ang lumalaro sa kanyang isipan?
Walang silbi ang kagandahan na ito!ang matangos na ilong na yan...ang luscious lips na yan at ang mapupungay na mga mata na yan...walang silbi ang lahat!
Kasi,nagawa parin nya akong ipagpalit sa iba!
Para akong baliw na dinuduro-duro ang aking sarili sa harapan ng salamin.
Pinakalma ko muna ang aking sarili bago naghanap ng maluwang na pants at malaking t-shirt.Matapos kong magbihis ay muli na akong bumaba at bumalik sa loob ng kusina.
Nabaling sa akin ang atensyon ng tatlo nang bumungad ako sa may pintuan.
Kaagad akong nagbaba ng tingin nang biglang magtama ang mga mata namin ni Leandrie.
Ito yung pakiramdam na naturingang mag-asawa pero daig pa namin ang estranghero na ngayon lang nagkita.
Nandyan nga sya at abot kamay ko lang pero pakiramdam ko ay milya-milya ang layo namin sa isat-isa.
Lumapit ako sa bilugang mesa at imbes na tumabi kay Leandrie na lagi kong ginagawa ay mas pinili kong tabihan ang mga anak ko.
"Mommy,ang sabi ni Daddy your cake was the best cake's ever!"pagbibida kaagad ni Sharyl.
"Really?"nakangiti kong sagot pero iniwasan kong tapunan ng paningin si Leandrie.
Kung hindi ko lang sana natuklasan ang tungkol sa kanyang panloloko sa akin ay iisipin kong bukal sa kanyang kalooban ang kanyang appreciation.
Baka nga nagpagulong-gulong na ako sa sahig dahil sa sobrang tuwa.
Pero sa sitwasyon namin ngayon..alam kong kaplastikan lahat itong pinapakita nya sa akin.
Syempre para hindi matuklasan ang kanyang matinding lihim.
But it's too late my dear husband.Ngayon,alam ko na kung paano mag-adjust para maiwasan ang sobrang pagkadurog ng aking puso balang araw.
Maiwasan nga ba?o...madagdagan?
☆☆☆

BINABASA MO ANG
The Loyal Wife
ChickLitAno nga ba ang gagawin mo kapag napagtanto mong niloloko ka ng iyong asawa? Aawayin mo ba sya?mag-iiskandalo ka ba?o...manahimik na lamang? The loyal wife and a cheater husband... Paano nga ba magiging maayos ang ganitong samahan? Magtatagal kaya si...