Chapter 24

42.5K 694 231
                                    

Marahan kong tinungo ang aking silid matapos kong patulugin ang twins namin ni Leandrie.

Matapos kong gawin ang daily routine ko before matulog ay dumeretso na akong humiga sa ibabaw ng aking malawak na kama.

Tumihaya ako ng higa habang nakatutok sa kisame ang paningin.

Napakurap ako nang biglang bumalik sa aking alaala ang mga pangyayari ngayong araw.

Tama kaya si Mama?

Kailangan ko bang ibigay ang second chance na hinihingi ni Leandrie sa akin?

Anong mangyayari kung paiiralin ko nalang palagi ang aking pride?

Hindi ko naman ugali ang ganito.Lumaki ako at nagkaisip na pasensyosang tao.

Mapagmahal sa kapwa..matulungin at wala nalang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng iba.

Nasaan na ang dating ako?

Malalakas na katok sa pintuan ang nagpanumbalik sa akin sa kasalukuyan.

Tinatamad akong umahon sa kama para tunguhin ang pintuan.Si Mama ang nabungaran ko sa labas.

"Bakit,Ma?"wala sa loob kong tanong.

"Heera,yung asawa mo may  trangkaso...nagkasalubong kami sa may corridor at nanginginig sya sa ginaw."

Gusto kong magpanic pero pinigilan ko parin ang aking sarili.

"Hayaan nyo na Ma...gagaling din yan."
Sagot ko bago muling bumalik sa higaan.

"Heera,puntahan mo sandali...delikado yan kapag tumaas ng bahagya ang kanyang lagnat!baka ma-convulsion yun!!"

"Ayoko!"

Nagtakip na ako ng kumot hanggang sa naramdaman ko na ang pag-alis ni Mama mula sa bungad ng aking pintuan.

Pero kung kailan wala na si Mama saka naman ako hindi mapakali dito!

Knowing me?kapag taong may sakit ang pag-uusapan kaagad akong natataranta!

Tuluyan na akong bumangon bago tinanggal mula sa lalagyan nito ang medicine kit.Tumuloy ako sa kusina at kumuha ng yelo.Nagdala na din ako ng maliit na basin na may lamang tubig at towel bago ko tinungo ang guests room.

Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan.Lumipad sa ibabaw ng kama ang aking paningin na kung saan doon nakabaluktot ng higa si Leandrie habang balot na balot ng makapal na kumot.

Inilapag ko sa bilugang mesa ang mga dalahin bago ko binuksan ang medicine kit.Hinanap ko doon ang maliit na thermometer bago ako lumapit sa kinahihigaan ni Leandrie.

Tahimik kong tinanggal ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan bago ko inipit sa kanyang kili-kili ang hawak na thermometer.

Ilang segundo ang lumipas bago ko muling tinanggal ang thermometer.

39.2 iyon nang tingnan ko...so,mataas nga ang lagnat ng mokong na ito.Nabasa lang ng ulan ay nilagnat na kaagad.tsk!

Bumalik ako sa kusina para kumuha ng isang basong tubig dahil kailangan ko syang painumin ng paracetamol.

"Leandrie..."

Tinampal-tampal ko ang kanyang mukha para magising.

"Mmm..."ungol nya sabay mulat ng mga mata.

"Take this medicine..."

Inilagay ko sa kanyang bibig ang gamot bago ko inangat ang kanyang ulo para painumin ng tubig.

Tumayo na ako ng tuwid para kunin ang towel na nasa loob ng basin.Matapos kong pigain iyon ay saka ako bumalik sa higaan.

Marahan kong pinunasan ang kanyang mukha.Nagulat nalang ako nang bigla nalang namasa ang nakapikit nyang mata.

The Loyal Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon