Mas inilapit ko pa sa aking mukha ang libro nang matanaw ko ang paglapit ni Leandrie sa kinahihigaan naming tatlo.
Kainis sya...umalis si Dino na hindi man lang nya kinausap kanina.
Hindi din nya ako kinikibo kahit na pinaghain ko sya ng dinner.So,umuwi-uwi pa sya dito tapos hindi lang nya ako kikibuin.
Napatigil ako sa pagbabasa nang maramdaman ko ang pagsampa nya sa paanan namin.Marahan syang dumapa habang yakap ang aking mga hita.
Napakagat ako sa aking labi bago marahang ibinaba ang libro.Leandrie..what's with you?
Matapos kong itinabi ang hawak na aklat ay marahang bumaba ang aking kamay palapat sa kanyang ulo.Sinuklay ko ng aking daliri ang kanyang buhok.
Huminga ako ng malalim habang pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang tatlo.
Ito ang lagi kong pinapangarap..na bumalik sa dati ang samahan namin.
"Starting tomorrow,hindi ko na ihahatid sa school ang dalawa.Tutal malapit na din ang bakasyon at saka wala namang kaso kung hihinto sila sa pag-aaral tutal wala pa naman sila sa primary school."basag ko sa katahimikan.
Hindi sya sumagot but he trace my thigh with his finger...nakikiliti tuloy ako.Damn!
"But...i hired a tutor for them.Bale whole day syang mananatili dito sa bahay with the kids.So,kapag nakauwi na ako sa bahay saka pa sya aalis."
Hindi parin sya kumikibo kaya naman para na akong tanga dito na nagsasalitang mag-isa.Hayyy...
"Leandrie,sorry kung pinapangunahan kita sa lahat ng bagay.Sorry kung pakiramdam mo na tinatanggalan kita ng karapatan.Sorry kung naging matigas ang aking ulo minsan.From now on,makikinig na ako sa'yo...so,can you stay with us?hwag mo naman kaming iiwan-iwanan kasi kailangan din namin ang lalaki dito sa bahay na magtatanggol sa amin kung sakaling may masamang mangyari.Ang hirap kasi kapag lagi kang wala Leandrie,eh!"
Bigla syang gumalaw at tuluyan nang umahon mula sa pagkakadapa.Pinangko nya si Shady at mabilis na inilipat sa kanyang silid.Pero bago pa sya tuluyang lumabas ay nilingon muna nya ako.
"Stay here..."
Tuluyan nang kumawala ang butil ng luha na kanina ko pa pinipigilan.
Ano pa ba ang gusto nyang gawin ko?wala na ba talagang paraan para bumalik ang pagmamahal nya sa akin?
Muling bumukas ang pintuan.Malalaking hakbang ang ginawa ni Leandrie papalapit sa higaan.Napasinghap ako nang bigla nya akong pangkuin.
"Why are you crying?"titig na titig sya sa aking mukha na halos puno na ng luha.
"Ikaw kasi...ayaw mo pang aminin sa akin na hindi mo na ako mahal!"
"Sinabi ko ba na hindi na kita mahal?"kunot-noo nyang tanong.
Oo nga naman...sinabi ba nya na hindi na nya ako mahal?
*
*
*
Katakot-takot na eksplenasyon ang ginawa ko pero nagkaroon lang ng tantrum ang dalawa.
"I miss my friends in the school,Daddy!tapos kapag hindi na kami papasok ni Shady paano pa namin sila makikita at makakausap?wala na kaming makakalaro!"iyak ng iyak si Sharyl nang sabihin ko sa kanila na hindi na sila papasok ng kanyang kambal.
"I miss Teacher Dino too!kapag hindi na kami papasok sa school hindi na namin makikita ang Teacher namin!"si Shady at nagwawala na din.
Huminga ako ng malalim bago ko tinapunan ng paningin si Leandrie.Naghintay pa ako ng ilang minuto bago nagsalita ang kanilang Daddy.
"Fine!fine!Mommy...call Teacher Dino right away!sabihin mong papasok ang kambal ngayong araw...ihatid natin ang dalawa bago tayo tutuloy sa jobsite natin."
Napatuwid ako ng tayo nang marinig ang kanyang sinabi.
"Are you sure?"pigil hininga kong tanong.
Tumango lang sya bago napa-facepalm.
"I love you,Daddy!"
Gusto kong matawa kasi kahit na humihikbi parin si Sharyl ay nagawa parin nyang sabihin iyan.
Marahang lumuhod sa kanyang harapan si Leandrie bago nya ito niyakap ng mahigpit.
"And i love you too,baby girl!stop crying na...see?nagkaroon kana ng sipon...."
"Shady,come here!"tawag ko kay Shady nang makita kong pinapatahan ni Leandrie ang baby girl namin.
Mabilis namang yumakap sa aking hita si Shady bago ko sya inalo.Ginulo ko ang kanyang buhok bago ko sya niyakap ng mahigpit.
So,kailangan ko na bang magpagulong-gulong sa sahig?kasi atleast panalo ako this time!
Napapailing nalang ako habang hinahagod ang likod ni Shady.
☆☆☆
Leandrie's POV
"Bakit hindi mo ako tinawagan kung nagkaroon pala ng problema ang kotse mo kahapon?"tanong ko kay Heera.
Naihatid na namin sa school ang anak namin kaya naman ay patungo na kami ngayon sa hospital na pinapasukan ni Heera.
It's been ages nang huling beses kong naisakay sa aking kotse ang mag-iina ko.
Huminga ako ng malalim.Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nagbago ng ganito.Dati-rati naman ay wala talaga akong pakialam kahit anong disisyon pa ang ginagawa ni Heera.
Hindi ko alam kung kailan ako nagiging sensitibo.Pwede namang hayaan ko nalang sya,
but imagining her with someone else?pakiramdam ko ay makapatay ako ng tao!"Ayokong maka-istorbo..."
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa may steering wheel.Gusto kong sabunutan ang sariling buhok.I'm doom!really!
"Pero magawa mong istorbohin ang ibang tao,ganoon ba Heera?"
"Leandrie...magsisimula na naman ba tayo?"
Nilingon nya ako bago muling nagsalita.
"Lumipas na yun kaya pwede ba hindi nalang natin banggitin ulit?"
Napabuga nalang ako ng hangin bago itinuon sa kalsada ang paningin.
Biglang tumunog ang kanyang phone kaya saglit ko syang nilingon nang maging busy sya sa kanyang phone.
"Okay,just check the vital sign...I'll be there after fifteen minutes."kausap nito sa cell phone.
Walang kaduda-duda na sobra nyang minahal ang kanyang propesyon.Kaagad syang natataranta kapag pasyente na ang nasasangkot sa usapan.
Bahagya nya akong nilingon nang maibaba nya ang phone.Saglit kaming nagkatitigan kaya bahagya nya akong nginitian.
Napakurap ako...gosh!how i miss those simple smile from her!!
Napakaganda ni Heera...no doubt.
"Hindi mo ba ako uutusan na paliparin na itong sasakyan para makarating na tayo kaagad?"i teased her.
"Hmm...if i were alone,siguro paliliparin ko na nga....but with you?hindi na mahaba ang fifteen minutes para sa akin kaysa may mangyari sa'yong masama hindi ko kakayanin iyon.Misyon ko sa buhay ay buhayin ang mga taong naghihingalo hindi yung bigyan sila ng pagkakataon para umikli ang kanilang buhay."mahaba nitong paliwanag.
"Mahal mo ang buhay ng iba...bakit mo binabalewala ang iyong sariling buhay?"wala sa loob kong tanong.
"Dahil siguro ipinanganak ako para mahalin ang buhay ng iba."
Saglit akong natahimik at wala sa loob na hinawakan ang kanyang kamay.
☆☆☆
BINABASA MO ANG
The Loyal Wife
Chick-LitAno nga ba ang gagawin mo kapag napagtanto mong niloloko ka ng iyong asawa? Aawayin mo ba sya?mag-iiskandalo ka ba?o...manahimik na lamang? The loyal wife and a cheater husband... Paano nga ba magiging maayos ang ganitong samahan? Magtatagal kaya si...