Napabuga ako ng hangin nang bigla nalang sumabog ang gulong ng aking kotse.Shit!kung kailan na nagmamadali ako.
At nagkataon na dito pa ako nasiraan sa kalagitnaan ng daan na kung saan mahirap kumuha ng taxi.
Kinuha ko ang aking phone para sana tawagan si Leandrie.Pero hindi ko maintindihan kung bakit ni hindi ko magawang pindutin ang kanyang pangalan sa may contact list ko.
Ilang beses na ba na nangyari sa akin ang ganito tapos ni hindi nya ako magawang sunduin kapag tinatawagan ko sya para sabihin sa kanya na nasiraan ako?
'Take a taxi from there..I'm so busy right now,Heera.'
Nakapanghihina ng loob kapag naaalala ko ang lagi nyang sagot kapag tinatawagan ko sya sa panahon na nagigipit ako sa isang sitwasyon tulad nito.
Sino ba kasi ang aasahan kong sumundo sa akin maliban sa kanya?what if kung wala akong nakilalang Dino?siguradong mapapahamak nalang ako nang walang kalaban-laban.
I dialled Dino's number na kaagad naman nyang sinagot.
'Oh,bestfriend...mag-o'overnight kana naman ba dyan sa hospital?you're late already...naiinip na ang mga anak mo sa kaaantay sa'yo.'
Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Mag-o'overnight yata ako dito sa gitna ng daan kapag walang susundo sa akin ngayon.Nasiraan na naman ako Dino.Sumabog yung gulong ng kotse ko."mahaba kong paliwanag.
'Tsk!tsk!kawawang babae...sige ipa-pick up mo nalang yang kotse mo at papunta na kami dyan ngayon...ako na ang maghahatid sa inyo pauwi sa bahay nyo.'
Paano nalang ako kapag wala si Dino?
Kaibigan versus Asawa?
Bakit si Dino na kaibigan ko ay ni minsan ay hindi man lang nya ako binigo?nandyan sya kapag kinakailangan ko ng karamay.
Anim na taon na akong ikinasal at nagkaroon na din ng anak pero hindi iyon ang nagiging hadlang para masira ang pagkakaibigan namin.
Minsan si Dino din ang nagiging dahilan ng sagutan namin ni Leandrie.Pero hindi ko pinapansin iyon.Mawala na ang lahat hwag lang si Dino na kaibigan ko!
Itinuring ko syang hero na laging sumasalo sa akin kapag nagkakaroon ako ng problema.
Hindi ko naman pinaghahambing ang dalawa.
May bagay naman kasi na talagang magkaiba sa pagitan ng kaibigan at ng asawa.
Kung ang iyong kaibigan ay laging inuunawa at laging nakikita ang iyong kahinaan.Pero hanggang doon lang yun.
Ang asawa naman...kahit hindi ka iniintindi..ikaw yung umuunawa sa kanya.Sa kanya mo nararamdaman ang init na pagmamahal na lagi mong hinahanap.Nami-miss mo ang kanyang presensya kahit na para ka nang baliw sa kaaantay sa wala.
At yun nga ang nararanasan ko ngayon.
*
*
*
"Dito kana mag-dinner,Dino..bayad ng utang na loob...."
Irap lang ang nakuha kong tugon sa kanya na syang ikinatawa ko.
"Baka sakalin ako ni Leandrie..."Sagot nito matapos isara ang kanyang kotse.
"Teacher Dino,hindi naman po nananakal ang Daddy ko!"
Aba ang talas ng pandinig ni Sharyl ah!
"Dito kana kumain,Teacher Dino...kasi kailangan mo pa akong turuan kung paano paandarin yung giant robot na niregalo mo sa akin."kumbinsi ni Shady sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Loyal Wife
Literatura FemininaAno nga ba ang gagawin mo kapag napagtanto mong niloloko ka ng iyong asawa? Aawayin mo ba sya?mag-iiskandalo ka ba?o...manahimik na lamang? The loyal wife and a cheater husband... Paano nga ba magiging maayos ang ganitong samahan? Magtatagal kaya si...