Chapter 1

1.5K 35 10
                                    

JB's POV

"Hoy JB!! Bilisan mo naman dyan" sigaw ni Jackson.

"Oo nga!! Gutom na kami" sigaw naman ni Junior.

Mga puta tong mga to!! Ako na nga tong nagluluto, sila pa ang may ganang magreklamo. Pagsisipain ko kaya sila.

Binilisan ko na lang para matapos na at makakain na ang mga ugok na to na wala namang mga silbi, pagkatapos padabog na inihanda ko yung kakainin nila sa mesa.

"Mga UGOK!! Kain na!!" sigaw ko

Nagsitakbo naman sila papunta dito sa kusina. Mga patay gutom talaga ang mga tarantado. Umiiling na umupo ako, nagsiupo na sila at nilantakan ang mga pagkain. Di lang sila mga ugok mga baboy pa.

"Hoy. Bilisan nyo dyan. Aba! late na tayo" sabi ko

Nagsilingon sila sakin pero wala pang isang minuto binalik agad nila sa pagkain ang tingin. San ko ba napulot ang mga to?? -__-

(a/n: Kung magpakilala ka kaya muna bago ka salita ng salita dyan -__-)

Kailangan pa ba yun?? tss. 

(a/n: Engot! kailangan yun. tingin mo sa readers natin manghuhula at kilala ka na agad??)

Oo na. Eto na nga oh. Highblood masyado. Author tanong lang. May readers ba tayo??

(a/n: Oo nga no. basta bahala na! Magpakilala ka na lang!)

Roger! *salute*

Hello -__- sa mga di pa nakakakilala sakin ako lang naman ang pinaka super duper ultra mega gwapong si Im Jae Bum but you can call me JB para di na kayo mahirapan pa. 4th year highschool sa Sanford Academy. 17 years old. 

*BOGSH*

*PLOK*

*TOINK*

*KABOOM*

"Ang hangin mo! siguro nababagyo na ang readers natin" sabi ni Yugyeom.

Siraulo to! Kung sya kaya pahanginan ko dyan. Sakit ng mukha ko, Ikaw ba naman batuhin ng kutsara, tinidor, plato, at mangkok. Aba di na makatwiran yun!

"Tapos na kami. Hugasan mo na yan" sabi ni Youngjae

"TEKA LANG!!! AKO NA NGA TONG NAGLUTO NAGHANDA TAPOS AKO PA ANG MAGHUHUGAS?!! BAKA GUSTO NYONG WAG KUMAIN NG ILANG BUWAN!! SIGE!! SABIHIN NYO LANG AT SISIGURADUHIN KO NA KUNG SAAN SAAN KAYO PUPULUTIN NG ILANG LINGO!! ANO!!" sigaw ko sa kanila

"Ito na nga eh. Sige na umakyat ka na. Hehe. Di ka naman mabiro"

"Syempre joke lang yun. JB wag ka ng magalit dyan"

"Kami na magaayos at maghuhugas. Hehhe"

"Peace brotha!!"

Sabi nila at pinagtulakan pa ako sa hagdan para umakyat na sa taas. Mga tukmol talaga. Kailangan pang sigawan bago gumalaw. TSS. Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis ng uniporme.

*FAST FORWARD*

Pagtapak na pagtapak namin sa Main gate ng school. Tili agad ang maririnig mo. Ano pa nga ba. Sikat eh.

"Yugyeom!! Please marry me!!"

"JB!! Akin ka na lang"

"Jinyoung!! Anakan mo na ako!!"

"Bambam!! I love you so much!!"

"Youngjae!! Gagawin ko lahat basta be mine!!"

"Mark!! Kahit isang gabi lang!!"

"Jackson!! ang hot mo talaga!"

Ganyan lagi ang senaryo dito sa main gate ng school. Para lang silang nakakita ng artista o kaya kpop idols. Pero kami? pokerface lang. Di kasi namin pinapakita ang totoong kami. Siguro kapag kami kami lang ang magkakasama. Di kami showy.

Patuloy parin kami sa paglalakad papunta sa classroom. Mukha man kaming mga basagulero sa kanto pero may natatanging katalinuhan naman kami. Magaling kami sa academics at sports. Diba total package na talaga. Gwapo na matalino na magaling pa sa sports. San ka pa. Sabi nga nila kami daw ang ideal man ng mga kababaihan dito.

Pagpasok namin sa classroom dumiretso kami sa mga upuan namin at pasalampak na umupo dun. Umubob ako sa table ko at natulog. Kulang ata ako sa tulog.

Junior's POV

Yow! Ako nga pala si Park Jin Young. Don't call me Junior unless relatives or close friends kita. 17 years old. Yun lang. Dahil wala rin naman akong magawa dito sa classroom aalis muna ako saglit. Nagutom ako bigla.

"San ka pupunta, Junior?" tanong ni Jackson sabay tanggal ng headphone nya.

"Kakain" maikling sagot ko.

"Sama ako" biglang sabi ni Youngjae at tumayo. 

Tumango ako tsaka sabay kaming umalis. Pababa na kami pero todo tili parin sila. Tss. Ang ingay!! Yung mga mata nilang para na kaming hinuhubaran. Ganun sila tumitig kaya nakakadiri. Sh*t lang talaga!!

"Hoy! dito ang daan papunta sa cafeteria!" sigaw ni Youngjae. 

"Sa Mcdo ako kakain" maikling sabi ko sa kanya na hindi nililingon man lang.

"Dapat sinabi mo sakin ng maaga" sabi nya at inakbayan ako.

Nagpunta kami sa McDo. Malapit lang naman ang Mcdo sa school, walking distance lang. Mas peaceful kasing kumain dito. Walang nakakairitang tili tsaka walang mga titig na malalagkit. Nakakasuka. Nagorder lang ako Fries at McFlurry. Ganun rin naman si Jackson.

" This is your change, Sir" sabi nung nasa counter with her malanding smile.

Umalis na kaagad ako dun. Kakasabi ko lang kanina na ayaw ko sa mga ganun. Tss. Hinintay ko lang si Youngjae sa labas ng Mcdo. Antagal naman kasing magorder. Mga ilang minuto sa wakas lumabas na rin sya. Pagliko namin may babae akong nabangga. 

"I'm sorry. Sorry talaga"sabi nya at mukhang nagmamadali pa sya

"Okay lang" sabi ko kahit inis na inis ako sa kanya.

"Sorry talaga kuya. Pasensya na. Nagmamadali kasi ako. Babye" sabi nya sakin sabay tingin sa mukha ko

"Okay lang yun miss. Umalis ka na" sabi ni Youngjae

Tumakbo na sya kaya bumalik na rin kami sa school habang kinakain yung binili namin. Pagdating namin sa classroom wala pa yung terror teacher pero mukhang time na. Nakakapagtaka naman.

"Asan si Ms. Gonzales?" tanong ko kay Mark

"Pinatawag sya ni Principal. Urgent daw eh" sabi nya

Tumango na lang ako at umupo sa upuan ko. Inilapag ko yung kinakain ko sa table ko tsaka sumandal sa sandalan ng upuan ko. Pagpikit ko napamulat agad ako. WTF!! Bakit bigla bigla na lang  pumasok sa isipan ko yung babaeng yun? This is weird. Tss. Simula kanina di ko na makalimutan ang mukha nya. It's remind me someone. Her innocent eyes. Mas nagiging weird ka sa mga pinagsasabi mo Junior!! Umayos ka nga!!

Sino ba sya?

Nabangga ko lang naman sya kanina ah. Maski nga pangalan nya di ko alam eh. Iniiling ko ang ulo ko tsaka inilagay ang earphone ko. Mawawala siguro to. 

The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon