Chapter 10

529 22 1
                                    

Nayeon's POV

"Here. Wag ka ng umiyak"

Napatingin ako sa kamay na may panyo sa harap ko. I don't know pero kinuha ko ito tsaka napatingala at dun nakita ang isang lalake na nakangiti habang nakatayo sa harap ko. May ginto itong buhok, singkit na mata at may perfect na katawan.

"Bat ka nga pala umiiyak?" tanong nya at umupo sa tabi ko

Umiling lang ako tsaka pinagsingahan ang panyo nya, narinig ko syang tumawa.

"Ayos ka lang ba?" tanong nya

Napatango ako at ngumiti sa kanya. Ang sama ko naman kung hindi ko sya ngitihan diba, sinamahan nya na nga ako dito sa likod ng school eh.

"Bago ka lang siguro dito ngayon lang kasi kita nakita haha by the way Kim Jin Hwan nga pala Jay na lang" sabi nya at lahad ng kamay nya

"Oo bago lang ako Im Nayeon nice to meet you and thank you na rin sa panyo dibale lalabahan ko naman eh" sabi ko habang nakangiti tsaka inabot ang kamay nya

"Haha sayo na yan remembrance na nagkakilala tayo" sabi nya at kinamot pa ang batok nya

How cute. Nakakapanggigil yung pisngi nya hihi. Di ko namalayan na ngumingiti na naman pala ako hahaha thanks to him.

"Thank you ulit" sabi ko habang nakangiti

"Oo nga pala" sabi nya at may kinuha sa bulsa nya

Ano naman kaya yung kukunin nya? Inilabas na rin nya. Wow. Bulsa ba ni doraemon ang bulsa nya?! Naglabas kasi sya ng pagkain puro chocolates nga lang.

"Gusto mo?" tanong nya at abot sakin ng chocolates

Alanganin pa akong kumuha pero kinuha ko na rin baka sabihin nya tinatanggihan ko ang grasya, di naman sa ganun nakakahiya lang kasi haha.

"Thanks" sabi ko

Kumain na kami. May balak ata tong sirain ang ngipin ko Hahaha. Ang sarap ng chocolates nya favorite ko pa naman ang cadbury.

"Oo nga pala. Bat ka pala umiiyak kanina?" tanong nya

Napahinto ako sa pagnguya. Sasabihin ko ba sa kanya na dahil ito kay Junior? Hays. Nagbuntong hininga ako bago ko kinwento ang nangyari.

"Ah. Ganun talaga si Junior. Hahaha. Matagal ng may topak ang grupong yun" sabi nya habang tumatawa

Napangiti ako. Ewan pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya basta di ko maexplain.

"Gusto mo tulungan kita?" tanong nya with silly smile in his lip

"Pano?" tanong ko

"Basta. Ako na bahala dun" sabi nya then he wink at me

Napatawa na lang ako sa kanya. Di ko alam pero naeexcite ako sa plano nya kahit di ko naman alam hahahaha meganun ba?

Ilang oras pa kaming nagkwento tungkol kahit saan. About sakin, about sa kanya, about sa lovelife, about sa kalokohan. Basta madami pa kaming pinagusapan at tawang tawa ako parang kami lang yung mga barkada nya. Maloko rin daw sila kung ano anong pumapasok sa mga isip nila at kung ano anong trip ang ginagawa nila.

"Hahaha naalala ko pa noon na yung buhok nung classmate ko pinanglinis ko ng inidoro dahil sa naiinis ako sa kanya pero nalusutan ni mommy yun" tawang tawa kong kwento sa kanya

"Hahahaha. Dapat yung mukha ang pinanglinis mo" sabi nya

Nagtawanan kaming dalawa. Hahahaha. Nakakatuwang isipin na may taong sasabayan ka sa trip maliban sa mga kaibigan mo. Napangiti ako habang sya tumatawa at nakahawak pa sa tyan nya.

*Kriiiiiiiiiing*

Nagtinginan kami at sabay napatawa. Hahahaha. Uwian na pala. Di manlang namin namamalayan, tumayo na sya at tinulungan akong tumayo. Pagtayo ko pinagpag ko yung palda ko at sinuot na rin yung backpack ko.

"Thank you sa time" sabi ko habang nakangiti

"Wala yun. Mauna ka na. Babye" sabi nya with wide smile pa

Naglakad na ako pero kumaway muna ako bago tuluyang umalis. Habang naglalakad ako papunta sa classroom para makita sila Jihyo, pinagtsitsismisan nila ako. Tss. Ang bilis talaga kumalat ng tsismis mas lalo pa kung maraming tsismosa!

"Nayeon!"

Kumaway ako kila Jihyo ng makita sila sa tapat ng classroom. Hahahaha. Nagsitakbo sila papunta sakin di ko sila masisisi kung nagalala sila sakin ng grabe. Paglapit nila sakin agad nila akong niyakap.

"I-c-can-t br-breath" sabi ko

Napabitaw naman sila. Hahahaha.

"Waaah! Wag mo na ulit gagawin yun! Pinagalala mo kami Unnie" sabi ni Tzuyu

"Oo nga Nayeon! Di na nga mapakali si Jeongyeon kanina eh" sabi ni Mina

"Don't make us worry again" sabi ni Jihyo

Napangiti ako pero nawala ito ng magtama ang mata namin ni Junior. Lumapit ako sa kanya na ikinagulat ng mga kaibigan ko at kaibigan nya.

"Sorry nga pala kung masyado na akong nagpapansin sayo siguro asar na asar ka na sakin. Just forget what happen awhile ago, Jinyoung" nakangiti kong sabi

Napatigil sya at tinitigan ako ng mabuti. Ang hirap naman basahin ng taong ito >.< bat ganyan sya makatingin?! Waaaaah!!! Help me.

"Tara na" sabi ko habang nakangiti sa kanila Jeongyeon

Ngumiti silang lahat at umalis na kami. Inilagay ko na lang yung headset ko para wala na akong marinig na tsismis sa paligid. Ayoko ng may marinig pa ulit.

Sumakay na kami sa van at nagkwentuhan, nagtawanan.

"Hindi! Mas gwapo kaya si JB!" sabi ni Dahyun

"Duh! Mas gwapo si Markie ko!" sabat naman ni Sana

"A big NO! Pinakagwapo si Jackson. Ang manly pa!" sigaw ni Momo

"Wag nga kayo! Mas pinakagwapo si Yugyeom no" sabi naman ni Tzuyu

Napailing na lang ako hahahaha. Ayan pinagcocompare na nila ang mga crush nila at hindi sila aware na magkakaibigan pa talaga yung mga crush nila.

"Di hamak na mas gwapo si Bambam. Cute pa" asar na sabi ni Mina

Napatingin kami sa kanya. Akala ba namin ayaw nya kay Bambam? Hahahaha.

"May pataray taray ka pa kanina! May gusto ka rin pala sa Bhuwakul na yun!" sabi ni Chaeyoung

Napatawa kami saglit tsaka nagumpisa na naman sila sa bangayan nila kanina. Hahahaha. Ang kukulit talaga nila.

"MANAHIMIK NGA KAYO MAS GWAPO SI YOUNGJAE PARA WAG NA KAYONG MAG AWAY PA" sabi ni Jihyo

O_O

"Unnie" sabi ni Tzuyu

Di ako makapaniwala! Sa wakas tao pala si Jihyo! Yehey! Magdiwang tayo! Woot woot!

"Waaaah! Jihyo! Welcome back sa pagiging tao mo! Di namin alam na crush mo pala si Youngjae" sabi ni Jeongyeon

"Oo nga! We're so happy for you" sabi ko

Nagtawanan ulit kami hanggang sa makarating na kami sa bahay. Nagsilabasan kami sa van at pumasok na sa bahay. Humiga ako sa sofa. Nakakapagod palang umiyak.


The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon