Youngjae's POV
San naman ako maghahanap ng ganun dito sa loob ng campus?! Sana nag isip ka muna Youngjae bago ka umalis! Kanina pa ako naglilibot pero wala man lang akong makita na estudyante dahil nasa kalagitnaan sila ng klase. No choice.
Pumunta ako sa likod ng school tsaka umakyat sa isa sa mga puno at dun tumalon para maakyat ko ang bakod. Pagbaba ko ay tumakbo agad ako sa malapit na convenience store.
Naglakad lakad ako sa store at tumingin kung asan yung sanitary napkin na yun? Hays! At nung nakita ko na sya ay kumuha ako ng tatlong klase tsaka dumiretso sa counter.
"Haha siguro araw ng girlfriend mo ngayon no?" tanong ng cashier
Ngumiti ako at tumango. Alangang sabihin ko na nanay ko. Tsk. Pagkatapos nyang iplastick ay binayaran ko na at umalis na dun. Pumunta ako sa likod ng school at umakyat sa bakod. Hindi mahirap sakin ang bagay na to dahil minsan ko na itong ginagawa sa tuwing tumatakas ako sa bahay.
Agad-agad akong tumakbo papunta sa cr. Sana buhay pa sya dun. Pagdating ko ay kinatok ko ito.
"Jihyo" tawag ko at kinatok ko pa ng ilang ulit
Binuksan naman nya at inabot ko na sa kanya yung plastick. Kinuha naman nya at sinara ulit ang cr, tumayo na lang ako sa gilid at sumandal sa pader.
"Youngjae" tawag ulit nya
Ano na naman ba? Tumingin ako sa kanya at hinintay kung anong sasabihin nya.
"Pakikuha sa locker ko yung extra skirt ko" sabi nya
Napabuntong hininga ako tsaka tumango at nagsimula na ulit na tumakbo. Ang layo pa naman ng locker ng mga girls! pero hindi ko magawang mainis sa katunayan nageenjoy ako.
Pagdating ko dun. Tinignan ko ang locker nya at pagbukas ko nito. F*cking sh*t! Puno ng love letters ng mga lalake! Kinuha ko lahat ng iyon atsaka tinapon sa malapit na basurahan. Kinuha ko na yung skirt nya at sinara ang locker nya tsaka tumakbo ulit papunta sa cr.
Hingal na hingal akong dumating sa cr tsaka kumatok ulit. Binuksan nya ito at binigay ko na sa kanya yung skirt nya na nakapaper bag pa. Kinuha naman nya at sinara ulit ang cr, umupo ako sa gilid ng cr at hinantay sya.
"Ang malas ko naman" sabi ko at nakayukong hinahabol ang hininga ko
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napaangat ako ng tingin. Nakita ko syang nakapalit na she smile at me, hawak hawak nya yung paper bag.
"Thank you nga pala at sorry na rin dahil mukhang masyado ka atang napagod" sabi nya
Tumayo na ako at ibinulsa ang mga kamay ko. Ngumiti sya sakin kaya napangiti na rin ako.
"Ilibre mo ako ngayon" sabi ko at inakbayan sya
"Hey! Wag kang manghila!" sabi nya
Di ko sya pinakinggan. Patuloy lang ako sa paglalakad pero nakaakbay parin sa kanya. Dapat ko na tong pigilan pero may nagsasabi sa akin na wag.
Nakarating kami sa cafeteria at sya na ang pinaorder ko. Napagod kaya ako kakatakbo atsaka inakyat ko pa ang bakod para sa kanya.
"Ito na po mahal na prinsipe" sabi nya at lapag ng pagkain sa mesa
*Kriiiiiing*
Oh? Breaktime? Nagtinginan kami at napatawa. Nagsitakbuhan na ang mga estudyante dito pero halata sa mukha nila ang gulat ng makita na magkasama kami.
Di naman sila pinansin at kumain na lang. Nagutom ako hahaha.
Nayeon's POV
Asan kaya si Jihyo? Ang babaeng yun talaga. Naglalakad kami dito sa corridor ng makita namin si Jay habang kumakaway sa amin. I waved back.
"Hi Jay" bati namin sa kanya
"Hello. Let's go?" sabi nya
Pumunta na kami sa cafeteria ng makasalubong namin sila Junior. I want to call him and greet him pero may pumipigil sakin. Kahapon habang katabi ko sya parang ang sikip tapos ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko.
"Ayos ka lang, Nayeon?" tanong ni Jay
"Yeah" maikling sabi ko
Dumating na kami sa cafeteria at nagulat kami sa makita namin. Si Jihyo kasama yung isa sa mga kaibigan ni Junior. Nang makita kami ay kumaway sya samin kaya pumunta kami sa pwesto nila.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Tzuyu
"Let me explain guys hahaha wag kang OA Tzuyu" sabi ni Jihyo
Umupo na kami at napatingin kay Youngjae na busy sa pagkain. Halatang gutom na gutom ang nilalang na to. Kinwento lahat ni Jihyo magmula nung una. Ganun pala ang nangyari.
"Thank you for taking care our Jihyo" sabi ni Tzuyu pero andun parin ang matalim na tingin kay Youngjae
"No problem" sabi ni Youngjae at nagthumbs up pa
Ganito rin ba si Junior pag magkakamenstruation ako? Hay naku Nayeon! Umaasa ka naman. Napailing ako tsaka nag order na kami habang nagoorder ako sa counter ay may matitipunong dibdib ang sumagi sa likod ko.
Dugdug... dugdug... dugdug...
"Ako na ang magbabayad sa kinuha nya" sabi ng boses sa likod at binigay sa cashier ang pera nya
Ang boses nya. Ramdam ko pa ang init ng hangin na dumadaan sa ilong nya. Kabisado ko na ang amoy nya.
"Junior" mahinang tawag ko sa kanya
Umalis na sya pagkuha ng barya nya. Anong nangyayari? Bat nya ako binayaran? Anong ibig sabihin nun? Tulalang pumunta ako sa table namin at tumabi kay Jay.
"Nayeon? Ayos ka lang?" tanong ni Jeongyeon
Wala sa sariling tumango ako tsaka nagsimula ng kumain. Naguguluhan na ang isip ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko sa nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)
FanficNasa kanila na ang lahat... Kagwapuhan Kayamanan As in lahat... Pero pano kung magulo ang mapayapa nilang mundo sa pagdating ng siyam na babae. Siyam na makukulit na babae na araw-araw sisirain ang araw nila... Pero pano kung sa pagtagal ng panahon...