Chapter 6

608 26 3
                                    


(a/n: Magfofocus na lang muna po ako sa iisang loveteam, mahirap po kasi silang pagsabayin lahat pero may mga sweet moments rin po yung iba)

Nayeon's POV

Nakasimangot na umupo ako sa harapan nya. Parang di kami magkakilala ah, sabagay di naman talaga kami magkakilala. Nakakainis lang, kanina pa ako ngiti ng ngiti sa kanya pero wala lang. Poker face lang sya, hindi ba sya marunong ngumiti?

"Bat ganyan itsura mo? Haha" tanong ni Mina

Napapout ako. Tawanan ba ako? Ang bad nya. Walang kaexcite excite naman ang classroom na to. Ang babait nila masyado. Nagsulat ako sa papel tsaka ko binigay sa likod ko. Natanggap nya kaya? 

Naghintay ako pero walang bumabalik na papel. Baka marami lang syang sinusulat. Lumipas na ang limang minuto pero wala parin, nilingon ko sya. Nakatingin lang sya sakin ng walang emosyon.

"Hi" sabi ko tapos nagwave pa ng kamay

Wala syang karea-reaksyon. Bat ba ganito to? Kahit nung nagkabungguan kami sa harap ng McDo, wala parin syang emosyon. Ang cold naman nito, hindi lang naman sya pati yung mga kasama nya. Kagaya nya yung lalaki na bumili ng tubig sa cafeteria, yung lalaki na hinalikan ni Sana.

Tumingin na lang ako sa harap, wala rin naman akong mapapala sa lalaking to. Ang cold masyado daig yung babaeng nag memenopause sa itsura. Nagmumukha na tuloy syang matanda sa poker face nya.

"Ang El Filibusterismo ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose P. Rizal ito ay blablablablabla" paliwanag ni Miss Joy

Pasulyap sulyap ko syang tinitignan. Ano ba naman, humarap ulit ako sa kanya pero nakatingin sya kay Miss. Wag nyang sabihin na may crush sya kay Miss? Oo maganda si miss pero bawal kaya ang student-teacher relationship. Lumingon ako kay Miss at aba nacoconscious ang higad na to. 

Masamang tinignan ko sya at natulog na lan. Bwisit na higad na to ang tagal matapos ng oras nya para makakain na ako. Boring rin naman ang tinuturo nya, palihim akong nagcecellphone. Tama! Magcecellphone na lang ako. Hahahaha. Anong pangalan nya? 

Maisearch nga sa peysbuk, tumingin ulit ako sa kanya at tinignan ang id nya. Park? Taena, gusto kong hablutin yung id nya. Ang liit naman kasi ng pangalan nya. Nagulat ako ng bigla nya itong tinalikod. Tinignan nya ako habang nakakunot ang noo, nagpuppy eyes ako at nagpout. 

"Mr. Park! Please focus in my discussion" sabi ni higad

Nyenyenye! Napakunot ang noo ko tsaka humarap sa higad. Gusto nya lang na nasa kanya ang atensyion ni Park eh. Lumingon ako tsaka tinignan sya ng masama. Gustong gusto naman nyang makipagtitigan sa higad na yun?! Di hamak na mas maganda ako dun no!

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

"YES! TIME NA!" sigaw ko at tumayo na

Napatingin silang lahat sakin pati na rin yung higad sa harap. Tinaasan ko sya ng kilay, ano pang ginagawa nito dito? Kumunot ang noo nya. Kahit teacher to hindi ko sya uurungan. 

"Ano pang tinatayo mo dyan? Alis na! Shoo!" sabi ko sa kanya habang nakapamewang

Nakita ko sila Jungyeon na nagpipigil tawa. Kinuha nya yung mga gamit nya sa mesa at nagwalk out. Ganyan dapat! Masunurin pala ang teacher na yun. Tss. Nagsilabasan na yung ibang classmate namin.

"Let's go to CAFETERIA!!" sigaw ni Sana

"Gutom na talaga ako kanina pa" sabi naman ni Momo

"Lagi ka namang gutom eh!" sabay naming sabi

"Tinatawag na ako ng kaharian ko" sabi ko habang nakastrech pa ang kamay

Napalingon ako kay Park at ngumiti, hindi ba sya kakain? Tumayo sya at nilagpasan ako. Dinedma nya lang ang beauty ko?! How dare him! Lumabas na rin yung mga kasama nya. Lumabas na rin kami pero nakita ko na may biglang yumakap sa kanya na isang linta.

Sino yun? Girlfriend nya? Mukha namang ahas na linta. Crossbreed ganun? Naglakad ako papunta sa pwesto nila.

"Junior, kumain ka na" tanong ni linta sa kanya

Junior pala pangalan nya? Park Junior? Ang sagwa naman haha. Tumikhim ako kaya napalingon sila sakin este samin pala. Kasama ko pa pala sila Jihyo hehe.

"Anong kailangan mo?" tanong nung linta

"Irene, stay away from me and never call me again Junior" sabi ni Junior

So, Irene pala ang pangalan ni linta pero mas prefer ko ang linta. It suits her well. Tinignan ko sya mula paa hanggang ulo. Di naman sya maganda, clown pa nga. 

"Stay away from me" sabi ni Junior at tinanggal ang kamay nito sa braso nya

Naglakad na sila paalis kaya naiwan kami kasama si linta. Tinignan nya ako ng masama pero nagwalk out kami. Di ako pumapatol sa linta. 

"Her face is priceless" sabi ni Tzuyu

"I agree ahahaha" sabi naman ni Chaeyoung

"Hoy Junior" tawag ko sa kanya

Bigla syang napalingon samin habang nakakunot ang noo nya. Ngumiti ako sa kanya at kumaway pa.

"Isa ka pa. Wag na wag mo akong tatawagin na Junior" sabi nya

Grabe si kuya, ang sungit. Pero di uubra sakin yan. Hahaha kung ayaw mong gawin ko mas lalo kong gagawin. That's me.

"Junior junior junior" sabi ko sa kanya

Halatang iritado na sya, itsura palang parang si hulk na. Hahaha. Ang cute nya lang asarin. 

"Tara na Nayeon baka kainin ka na nya hahaha" natatawang sabi ni Dahyun

Nagdiretso na kami papunta sa cafeteria. Pagdating namin dun naghanap kami ng mauupuan. Sila Jihyo na ang pinaorder namin. Hahaha

"Crush mo yung lalaki kanina no" pangaasar ni Momo

Nag iwas lang ako ng tingin, di ko sya crush siguro nacucutan lang ako sa kanya. Tama! nacucutan ang ako sa kanya kahit di naman sya cute. 

"pero infairness ang gwapo nya" sabi ni Jungyeon at sinundot ang tagiliran ko

"Ano ba. Hindi gwapo yun no" sabi ko

Di naman sya gwapo. Mukha nga syang siyang.....


BASTA!! DI SYA GWAPO!

Napatingin ako sa entrance ng cafeteria, nandun sila at papasok na. Mukha silang drug addict na drug pusher na mukhang basagulero. Hahaha. Ops! Nagsasabi lang ng totoo. Pano ba naman kasi yung isa naka lagay sa balikat nya yung topper ng school uniform tapos yung isa naman nakshades pa habang bukas yung topper nya, yung isa mukhang narape sa daan kasi gusot na gusot yung damit. Basta yung typical na makikita mo sa school nyo ganun.

"Yan pala ang di nagagwapuhan ah" sabi ni Mina

"Hindi! Pinaliwanag ko lang sa kanila yung itsura nilang pumasok dito sa caf no" sabi ko 

"OPPA!" sigaw ni Sana at kumaway pa

Feeling close talaga ang babaeng to. Hinarass nya na nga nung isang araw tapos papansin pa. Hahaha. Bumalik na sila Jihyo kaya kumain na lang kami. Ewan ko lang kung tumingin sila dito o hindi basta kami KAKAIN NA!!

The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon