Junior's POV
Di namin alam pero may kakaiba kay Bambam simula nung umuwi sya kahapon. Kasalukuyan kaming nandito sa cafeteria dahil breaktime na.
Ilang beses na syang nagbubuntong hininga. Ano bang problema nito?
"Alam mo mamatay ka sa kakabuntong hininga mo dyan" sabi ni JB
Tumingin sya samin pero agad rin nyang iniwas. Di ko na maintindihan ang isang to prinoproblema ko na yung babaeng yun tas dadagdag pa ang isang to.
"Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya
"Wala. Don't mind me" sabi nya
Napailing na lang kami. Sumulyap ulit ako sa table nila Nayeon, bakit ba lagi na lang silang magkasama ni Jay? Ganun ba ba sila kaclose?
"Alam mo Junior. Wag mong pigilan" sabi ni Jackson
Ano bang pinagsasabi nito?! Ewan ko pero naiinis ako sa nakikita ko ngayon. Aba! May subuan pang nalalaman ang dalawang yun! Wala ba syang kamay at nagpapasubo sya kay Nayeon?!
"Hahaha dumadamoves si Jay ah" sabi ni Mark at Youngjae tsaka sila nag apiran
Di ko alam pero agad akong tumayo at pumunta sa table nila. Nagulat pa sila ng makita ako. Naiinis na ako sa araw araw ko silang nakikita! Kahit walang pasabi umupo ako sa gitna nila.
"Ahm Jinyoung bat andito ka?" tanong ni Nayeon
Bat ba andito ka ngayon Junior?! Ano na naman bang kagaguhan to?! Nakayuko lang ako dahil nahihiya ako sa sarili ko. Ano ngayon ang sasabihin mo Junior?! Trip mo lang kung bat ka umupo dito?!
"Haha baka gusto nya lang makipagkwentuhan diba Junior?" sabi ni Jay at inakbayan ako
Kung putulin ko kaya kamay nito. Wala sa sariling napatango na lang ako. Bwisit!
"So Jinyoung dahil kadadating mo lang tatanungin ka namin" sabi ni Jeongyeon
Na hot seat pa ako ng wala sa oras. Wala ng atrasan to. Kaya mo yan Junior!
"Sige" sabi ko
"Okay! Jinyoung pano kayo nagkakilala ni Nayeon Unnie?" tanong ni Tzuyu
Really? Anong klaseng tanong yun? Nagbuntong hininga ako bago sya sagutin.
"Nabangga ko sya sa harap ng Mcdo. Tumatakbo kasi sya ng mga oras na yun" sabi ko
"Ahh. Nung nakita mo sya sa harap ng classroom nyo na nagpapakilala. Nakilala mo ba sya na sya yung babaeng nabangga mo?" tanong ni Dahyun
"Uhm. Oo mas lalo na nung ngumiti sya at kumaway sakin" sabi ko
Napangiti naman sila at napatango tango lang habang itong katabi ko ay namumula na.
"Bro may sakit ka ba?" tanong ni Jay
Napalingon ako sa kanya. Ano bang pinagsasabi nito? Kung di ko lang to naging kaibigan promise kakatayin ko sya.
"Hindi naman ikaw yung klase ng tao na narerecognize ang isang tao sa isang kita lang" sabi nya na ikinagulat ko
Wrong move! Napatingin pa si Nayeon sakin. Bat ba naalala nya pa yun? Wrong move talaga bwisit!
"Naalala mo pa na ilang beses mo pang tinanong ang pangalan ko kasi nakakalimutan mo ang itsura ko" sabi pa ni Jay
Napakuyom ako ng kamay. Bat ako kinakabahan? Sasagot na sana ako pero nagring na ang bell. Sa wakas save by the bell ako ngayon. Tumayo na ako pero bago yun inalalayan ko muna na tumayo si Nayeon bago tumakbo sa mga kaibigan ko.
Dahyun's POV
Di ako makaconcentrate dahil sa katabi ko si crush. Oo may gusto ako kay JB dahil sa sobrang cool nya. First time ko syang nakita noon sa gym na nagbabasketball. Grabe ang angas ng dating nya nung mga oras na yun.
"Staring is rude, lady" sabi nya at humarap sakin
Napayuko naman ako. Bat ba bigla bigla na lang syang tumitingin? Yah Dahyunie~ nakita ka nya. What should i do?
"Hindi ako nakatingin sayo" sabi ko
"Talaga lang ha pero sorry hindi kita type" sabi nya at tumingin na sa harap
hindi kita type...
hindi kita type...
hindi kita type...
Bat ang sakit ng sinabi nya? Crush ko lang naman sya pero bat nasasaktan ako sa sinabi nyang di nya ako type? At first i'm not expecting that he would like me pero ano tong nararamdaman ko? Bat ako nasasaktan ng lubos.
*Kriiiiing*
Uwian na pero wala akong ganang tumayo dito sa kinauupuan ko. I don't know kung tumingin ba sya sakin bago sya umalis hahaha wag kang magassume dahyun bat ka naman nya titignan?
"Dahyun. Halika na" sabi ni Chaeyoung
Wala sa sariling tumayo ako at lumabas. Di pwede yun! Nakita ko pa syang naglalakad kasama ang mga kaibigan nya.
"Dahyun anong problema?" tanong ni Mina
Humugot ako ng lakas ng loob. Kaya mo yan Dahyun kaya mo yan! Ipinikit ko ang mata ko dahil ayokong makita ang reaksyon nya pagkatapos kong sabihin to sa kanya.
"IM JAE BUM!! SISIGURADUHIN KUNG MAHUHULOG KA SAKIN AT SA ORAS NA MANGYARI YUN! WALA KA NG TAKAS! I SWEAR!!" sigaw ko
Unti-unti akong nagmulat ng mata. Nakita ko syang tumigil sa paglalakad nya pati ang ibang tao dito sa corridor. Salamat at di sya lumingon hehe.
"Ano ba yang pinagsisigaw mo Dahyun" suway ni Jihyo unnie sakin
Ngumiti lang ako ng napakatamis. Isa-isa nila akong binatukan napasimangot na lang ako.
"We're happy for you" sabi ni Sana at niyakap ako
"Dalaga ka na oh my gosh" maiiyak iyak naman na sabi ni Nayeon
"Ang isa sa mga baby namin may napupusuan na huhu" drama ni Jeongyeon
Napatawa na lang ako sa pinagsasabi nila. Siguro nga achievement sakin ang magkagusto sa isang tao. Hala! Sya kaya ang kauna unahang lalake na crush ko. Alien kumbaga pero di pa talaga ako nagkakacrush kahit pa nga mga manliligaw ko noon eh. Wala kasi akong matipuan hehe at akala ko nga tibo ako noon pero see! Nagkagusto ako sa isang Im Jae Bum na ilang araw ko lang nakilala hihi.
JB's POV
Napangiti ako sa sigaw nya. Ang babaeng yun haha. Nagpatuloy na akong maglakad at gayun rin ang mga kasama ko.
"Wow! Ang astig ni Dahyun" sabi ni Bambam
"Yeah. I never thought na sya pa ang magcoconfess kay JB haha" sabi ni Junior
Then do it dahyun. Make me fall in love with you
harder.

BINABASA MO ANG
The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)
FanfictionNasa kanila na ang lahat... Kagwapuhan Kayamanan As in lahat... Pero pano kung magulo ang mapayapa nilang mundo sa pagdating ng siyam na babae. Siyam na makukulit na babae na araw-araw sisirain ang araw nila... Pero pano kung sa pagtagal ng panahon...