Nayeon's POV
Nandito lang ako sa van kasama ang kumag na to. Nakababa na sila. Kung papano? Madali lang naman. Nagswap kami ng pwesto kay Jeongyeon kaya napunta ako sa tabi ng bintana tsaka inusog nila si Junior kaya ayun! Kaming dalawa lang ang naiwan dito.
"Nayeon" tawag nya
Oh? Gising na to? Tinignan ko sya pero putek! Tulog mantiko oh! Tulo laway pa hahaha ang cute lang. Bat naman ako tatawagin nito?
"Nayeon! Akin ka na lang" sabi nya ulit
May huli pa syang sinabi pero ewan ko kung ano. Sobrang hina kaya ng boses nya. Mga ilang minuto bumalik na sila kaya ayun nagbyahe ulit kami. Bumili lang sila ng madaming pagkain kaya humingi na lang ako. Di kaya ako nakalabas kanina no!
"Ang sarap ng tulog nyan ah" sabi ni Chan habang nakatingin sa rearview
Napatawa na lang ako. Sa sarap nga ng tulog napapayakap na sakin hahaha.
"Feel na feel mo namang bruha ka haha" pang-aasar ni Jeongyeon
Ayan na naman sila. Inilagay ko na lang ang headset ko tsaka pumikit. Inaantok ako. Anong oras kaya ako natulog kagabi dahil sa sobrang excited.
Sana's POV
"Look at them! Ang cute nila" sabi ni Mina
Kinuha ko ang cellphone ko tsaka sila pinicture. Nakahiga kasi si Jinyoung sa balikat ni Nayeon while si Nayeon naman nakadagan ang ulo sa ulo ni Jinyoung. Holding hands pa ang peg nila. I'm so happy for them.
"I hope nandito rin si Markie ko" malungkot na sabi ko
Ang lalakeng yun! Di man lang ako pinansin for the whole week kaya bahala sya! Di ko rin sya papansinin!
"Talaga? Pustahan tayo?" tanong ni Momo
Waaaaah! Bat alam nya ang nasa utak ko? Maligno ba si Momo?! Baka naman isa sya sa mga nababalitan na mga nagmamagic!
"Sana, aminin mo nga. Nabagok ba ang utak mo at kung ano ano ang pinagiisip mo" sabi ni Momo
How rude! Napapout ako. Bigla kaming huminto kaya napatingin ako sa bintana and like oh my gosh! Paradise ba to?! Agad kaming nagsibabaan at like god!! So beautiful! Bumaba na rin sila Markie sa kabilang van.
"Markie~" tawag ko rito
Pero gaya ng dati lang. Di nya ako pinapansin. Ouch lang ha! Nagpatuloy lang sya sa paglalakad.
"Tulungan na kita" sabi ni Han Bin
I smile at him at binuhat na nya ang bagahe ko. Ang gentleman naman ng kaibigan ni Jay just like him. Gentleman na nga gwapo pa! Di katulad nung isa dyan! Hhmmph!
"Pinaprivate ko muna yung resort namin para tayo tayo lang ang nandito" nakangiting sabi ni Jay
Buti pa ang grupo nila puro nakangiti. Yung mga kaibigan naman ni Markie puro nakasimangot na parang pasan ang buong mundo.
"Where's Nayeon?" tanong bigla ni Jay
Oo nga pala!! Di namin sya natawag kanina. Nakatulog pa naman ang bruha na yun!
"Don't worry parating na sila" sabi ni Jeongyeon
Napatingin kami sa kanya pero nakatingin lang sya sa isang lugar kaya tumingin rin kami.
O_O-> kami
Like OMG! Si Jinyoung ang nagbubuhat sa mga gamit ni Nayeon. Gentleman rin pala ang mokong na yun? Nasa harap si Nayeon while nasa likod nya si Jinyoung na parang bodyguard nya. How cute!
"Junior!" bati nila Jay ng makarating na sila sa pwesto namin
Tumango lang si Junior hehe makikifeeling close ako. Ang haba kaya ng pangalan nya like duh!
"Kayo girls, tatlo ang nakaassign na kwarto nyo pero sa boys naman dalawa lang" sabi ni Jay
"Mina! Sana!" sigaw ni Momo at niyakap kami ni Mina
"Jeongyeon! Dahyun!" sigaw ni Nayeon
"Jihyo Unnie! Chaeyoung" sigaw ni Tzuyu with patalon talon pa
Ang hyper talaga ng batang to. Siguro isang sako ng bigas ang kinain nito kanina lang.
"Kami na lang ang magkakasama" sabi ni Markie ko
"Ayaw! Gusto ko kasama si Junior" sabi ni Jay at yumakap kay Junior
Hahaha. Close talaga sila ni Junior. Nakita ko na napasimangot si Nayeon hay naku! Pati ba naman lalake pagseselosan nya? Hahahaha!
"No! Sa amin lang si Junior" sabi ni Jackson at pinaglalayo si Jay at Junior
"Hindi pwede! Junior is mine!" sabi ni Jay at hinigpitan ang pagkakayakap kay Junior
At ang mukha ni Junior? Blanko lang. Wala syang pake kung madurog o magkanda lasog lasog ang katawan nya hahaha.
"Waaaah! Amin lang si Junior!" sigaw ni Bambam
At ayun nagrambulan na sila. Anim laban sa isa haha. Ano bang meron kay Junior at pinag aagawan sya?
"Sasama na lang ako kay Jay" sabi ni Junior na ikinatigil nila
"WHAT?!" reak ng mga kaibigan nito
"Yehey!" sabi ni Jay at tumalon pa sya
At sa wakas! Natapos rin ang rambulan nila. Binigay samin ni Jay ang susi ng kwarto namin kaya pumunta na kami dun. Humiga agad ako sa kamang nagustuhan ko for 3 person pala ang bawat kwarto.
"Waaaah! Momo Mina! look oh! Nakikita dito ang dagat" sabi ko habang nakatayo sa napakalaking bintana.
Glass window sya. Ceiling to flooring ang laki nya basta parang pader na ang itsura nya. Lumapit silang dalawa sakin, nasa second floor kasi ang kwarto namin.
"Wow! Sugoii" manghang sabi nilang dalawa
Blue na blue kasi yung dagat atsaka grabe yung puti ng buhangin. Nakakaexcite na lumusong sa tubig!
*Tok tok*
Umalis si Mina at binuksan ang pinto. Napalingon kami sa tao na kumatok, si Bambam lang pala. Seryosong naguusap sila ni Mina. Wow! Close ba sila? Then sinara na ni mina yung door.
"Ano sabi?" tanong ni Momo
"Wala naman. Maghanda na daw tayo kasi maghahapunan na tayo sa isa sa mga cottage" sabi nya
Tumango kami at bumalik na sa kama ko. Nasa baba pa pala yung mga bagahe namin, sabi ng mga kaibigan ni Jay sila na daw magaakyat para di kami mapagod. Like duh~ may elevator kaya.
"Tsaka paakyat na daw yung mga bagahe natin" sabi pa nya
*Tok tok*
Ayan na! Dali-dali kong binuksan yung pinto at tada! Si Markie ang nakita kong nakabitbit sa bagahe ko tapos si Bambam sa maleta ni Mina and then si Jackson naman sa bag ni Momo.
"He-hello" sabi ni Jackson
Pinapasok ko na sila at inilapag na nila yung mga bagahe namin. Umalis naman agad sila pagkalapag ng mga bagahe namin. Di pa kaya ako nakapag pasalamat no! Nevermind na nga lang!
BINABASA MO ANG
The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)
FanficNasa kanila na ang lahat... Kagwapuhan Kayamanan As in lahat... Pero pano kung magulo ang mapayapa nilang mundo sa pagdating ng siyam na babae. Siyam na makukulit na babae na araw-araw sisirain ang araw nila... Pero pano kung sa pagtagal ng panahon...