Chapter 12

554 21 1
                                    

Junior's POV

Lunch na at nandito kami sa cafeteria ngayon. Kumakain kami ngayon at kanina pa ako naiinis dahil sa nakikita ko. Dapat masaya ka dahil tinigilan ka na nya! Bwisit!

"Brad walang kasalanan yung pagkain" sabi ni Bambam

Binitawan ko na yung kutsara at tinidor ko. Kailan pa sila naging close ng Jay na yun?! At mukhang masaya pa sila.

"SANA!" sigaw ni Mark

Nagulat kami sa ginawa nya. Lumipat lang naman sya sa upuan nila Nayeon at sa tabi pa nung Sana sya umupo. Napatawa na lang itong mga ugok ko na kasama. Anong nakakatawa sa ginagawa ni Mark?

Nakita kong nagthumbs up si Mark habang nasa likod nya yung kamay nya. Ano bang ginagawa nya?

"Hahaha gagawin ko na sana yung ginagawa ni Mark pero naunahan nya ako" sabi ni Jackson

"May crush ba sya kay Sana?" tanong ko

Tinapik tapik lang nila yung balikat ko. Tinignan ko naman si Mark na nakikipagtawanan sa table nila Nayeon, siraulo talaga sya. Tsk

*Kriiiiiiing*

Tumayo na kami at lumabas na sa cafeteria pero bago yun nakita ko pa na naghiwalay na sila Jay at Nayeon. Napangiti ako ng umalis na si Jay akala ko di na aalis ang g*gong yun.

"Kung ikaw ay nagseselos UMAMIN KA! Kung ikaw ay nagseselos UMAMIN KA!
Kung ikaw ay nagseselos at puso mo'y nawawasak
Kung ikaw ay nagseselos UMAMIN KA!" kanta ni Bambam at sumayaw sayaw pa

Di nya ata alam na nasa corridor pa kami at pinagtitinginan sya ng mga tao. Napatawa na lang kami pero bat the whole time na kumakanta sya sakin sya nakatingin at ako pa ang tinuturo nyang nagsese-

"HOY! SINONG NAGSESELOS?! BUMALIK KA DITONG ASUNGOT KA!" sigaw ko at hinabol sya

Ako?! Nagseselos?! No way! Hinabol ko sya ng hinabol at buti na lang nahabol ko sya kaya inipit ko ang ulo nya gamit ang braso ko.

"A-aray! Oo na nagseselos ka na este di ka pala nagseselos hehe" sabi nya habang nakangiti

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakaipit sa kanya tsaka kinutusan. Akala nya ha! Sinong nagseselos ha?! Hinding hindi ako nagseselos kahit pa araw-araw silang magsama! Mga bwisit sila!

"A-ARAY! JUNIOR TAMA NA!" sigaw ni Bambam at pulang pula yung mukha nya

Binitawan ko na sya at ang siraulong to naghahabol ng hininga take note nakalabas pa ang dila parang aso lang. Kadiring bata to.

"Masyado nyo atang inenjoy haha" sabi ni Mark at inakbayan kami

Inipit nya yung ulo namin at hinila na kami papunta sa classroom. Masakit pala yung ginawa ko kay Bambam haha ngayon alam ko na ang feeling.

Pumasok kami sa classroom at umupo na ako. Dumating naman na yung teacher na tingin na tingin sakin.

(a/n: remember yung teacher na tinarayan ni Nayeon? Sya po ulit yung teacher nila)

Nakatingin lang ako sa kanya habang sya naman nakafocus sa pakikinig. Pag makakasalubong ko sya di na sya pumapansin at bukod pa roon hindi na nya ako tinatawag sa pangalang Junior.

~FASTFORWARD~

Uwian na kaya lumabas na kami pero nagbanggaan kami sa pinto ni Nayeon.

"Una ka na" sabi ko

Naglakad na sya palabas kasunod ako pero paglabas ko nandun ulit si Jay. Tsk! Ano na namang ginagawa ng kumag na to dito?!

"Hahaha Jay napakagentleman mo talaga" sabi ng mga kaibigan ni Nayeon

Gentleman?! Di hamak naman na mas mabait ako kaysa dyan! Bwisit! Ano bang pinagsasabi mo Junior! Umalis ka na dyan.

"Yow Junior" sabi ni Jay habang nakangiti at makikipag apiran pa

"Eyyow Jay!" bati nila Yugyeom kay Jay

Isa isa silang nakipag apiran kay Jay pagkatapos tumingin sya sakin. Ano pa nga ba tss.

"Yow musta?" sabi ko at nag apir kami tsaka pinagbangga ang mga balikat namin

"Ayos naman haha ikaw?" tanong nya habang nakangiti

"I'm good" sabi ko at ngumiti sa kanya

"Ehem! Brad naman wag mo ulit kami ipagpalit sa Jay na yan haha" sabi ni Youngjae at niyakap ako

Napatango sila Bambam habang nakapout. Really this guys.

"Haha i guess nagselos talaga kayo that time" sabi ni Jay at ngumiti ng nakakaasar

Napatawa ako at tinulak si Youngjae na parang linta na nakayakap sakin. Nakakadiri lang kasi pati paa nya kinawit nya na sakin.

"S-sinong di magseselos dun ha! Araw-araw kayong magkasama ni hyung!" sigaw ni Yugyeom kay Jay

Napailing na lang kami ni Jay. Oo may pinagsamahan kami ng kumag na to kaya naiinis ako dahil sa dami ng lalake sya pa talaga ang umaaligid kay Nayeon.

"Best buddies lang kami nun at wala akong intention na agawin sya sa inyo cause in the first place mas nauna nya akong nakilala" sabi ni Jay at inakbayan ako

Sinamaan nila ng tingin si Jay at pinaglayo kaming dalawa. I miss this guy haha.

"Oo nga pala. Malapit na ang 1 week vacation natin so do you want to join us?" tanong ni Jay

Napatingin ako sa kanya. San naman nya balak pumunta? At kasama pa si Nayeon.

"Huh? Saan?" tanong ni Bambam

"Do you know yung resort namin? We're planning na dun mag vacation with Nayeon and her friends" sabi ni Jay

Napatingin ako kay Nayeon na nakangiti kasama yung mga kaibigan nya. So she agree huh.

"Talaga? May resort kayo?" tanong ni Mark

"Yeah. Actually si Junior ang first person na pinunta ko dun" sabi ni Jay

Nagsitinginan naman silang lahat sakin. Bat ba ako lagi nilang tinitignan. Kasalanan ko ba na nakapunta na ako sa resort nila Jay. Tss -__-

"Talaga Jinyoung maganda ba dun?" tanong ni Nayeon

Napatango na lang ako. Jinyoung.

"Okay count us in" sabi ni JB

"Really JB?! Papayag ka?!" gulat na tanong ni Jackson

Nagsitalon naman si Bambam at Mark. Over protective kasi samin si JB ano pa bang aasahan mo. Si JB ang tumayong nanay at tatay namin kaya ganun na lang ang pagiging protective nya na kahit nga pagihi namin kailangan alam nya hahaha.

"So see you next week" sabi ni Jay

"By the way mauna na pala kami" sabi ni Jihyo sa amin

Nagwave muna sila bago umalis. Habang paalis sila nakatingin lang ako kay Jay na nakahawak sa balikat ni Nayeon.

"Tara na" sabi ni JB

Umalis na rin kami sa school. Wala na rin naman kaming gagawin dun.

The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon