Nayeon's POV
Kasalanan ko ba kung nagassume ako? Ang assuming mo kasi Nayeon yan tuloy nasasaktan ka ngayon.
"Babaita tara na" sabi ni Jeongyeon
Tumayo ako at wala sa sariling sumakay sa van. Masyadong inoccupy ng Junior na yun ang utak ko, isa syang makasalanang tao dahil sa ginawa nya sakin!
"Wag mo ng alalahanin yung sinabi nya sayo" sabi ni Momo
Oo nga pala! Alam ko na ang dahilan sa kung bakit umiiyak noon si Momo sa salitang rape. Dahil yun sa lalaking nagngangalan na JACKSON! Oo isa sya sa mga barkada ni Junior. Kumalat ang balita sa school na binuhat daw ni Jackson si Momo pero ang akala ni Momo pagsasamantalahan sya ni Jackson kaya sumigaw ito ng RAPE pero nagkamali sya dahil dinala lang pala sya ni Jackson sa cr na limang oras na hinahanap ni Momo nung araw na yun! Diba ang galing ko. Mwahahahahahahahahahahaha!
"Hoy! Bumaba ka na dyan" sabi ni Jeongyeon
"Nagdadaydream ka na naman" sabi ni Chaeyoung
Ang babad talaga nila! Bumaba na lang ako at nagsimula na kami maglakad. Habang naglalakad kami sa corridor puro sigaw nila ang naririnig ko.
'Nayeon! Akin ka na lang'
'Please marry me Chaeyoung'
'Ang ganda mo talaga Jihyo!'
'Tzuyu! Be mine!'
'Pwedeng anakan ka Momo?!'
'Ang anghel ng buhay ko! JEONGYEON!'
'Mina-ri! Pakasal na tayo!'
'Sanaaaaa! Will you be my girlfriend?!'
'Dahyun my labs! Date tayo!'
'Ang gaganda talaga ng mga asawa ko!!'
Ang many more! OA nila masyado basta kay Junior lang ang puso ko wala ng iba! pero pano kung sobrang sungit, suplado, lamig, bipolar, at GWAPO ng taong yun.
"WILL YOU SHUT UP!!" sigaw ng isang boses
Napatingin kami sa kanila. JUNIOR MY LABS OMGEEE!! Sya ba yung sumigaw?
"Si crush! Hihi" malanding sabi ni Dahyun
Nagkakacrush na pala ang batang to. Naku naku naku! Ngumiti ako at kumaway sa kanya pero expect ko na iisnobin nya ako ganyan naman sya eh. Matapos kung mageffort na magpapansin sa kanya hanggang ngayon wala parin ako sa kanya.
Nabulungan ang mga taong nakakita sa pagsigaw ni JB. Oo si JB pala yung sumigaw at kaya nagningning ang mahiwagang mata ni Dahyun dahil sumigaw ang crush nya.
"JUNIOR!" tawag ko sa kanya
Di ako susuko hanggang di sya naiinlove sakin Bwahahahahahaha! Akala nya tatantanan ko sya?! Pwes ako si Mike Enriquez! Hindi kita tatantanan! Naglakad sila papunta sa direksyon namin oh my gosh! Papunta sya sakin! Waaaah! Malapit na sya. Ayan na sya!
-____-
Nagassume na naman ako! Huhuhu T.T akala ko lalapit sila samin yun pala lalagpasan nila kami. Hinabol ko sya at biglang pinulupot ang braso ko sa braso nya, nagulat naman ito ng makita ako sa gilid nya kaya napahinto sya at ganun rin ang ginawa ng mga kaibigan nya.
"Markie~" sabi ni Sana at pumunta kay Mark
Napakunot ang noo ni JB ng pumunta sa harap niya si Dahyun habang nakayuko. Kumapit naman si Tzuyu sa manggas ni Yugyeom na parang sinasabi na wag syang umalis baka mawala na naman sya.
"Ikaw Mina? Di ka ba lalapit sakin?" tanong ni Bambam habang may ngiting nakakaloko
"Bat naman ako lalapit sayo?" mataray na tanong ni Mina
Wow! Ngayon ko lang sya nakitang nagtaray si Mina. Magkakilala sila?!
'Slut!'
'Mga malalandi! Kebago bago akala mo kung sinong magaganda'
'Ang yayabang!'
'Mga peste! Hinahawakan nila ang mga prince natin!'
'Mga makakati! Pasikat pa!'
Sino kayang papansin samin sa ginagawa nila?! Bigwasan ko ang mga clowns na to eh! Pigilan nyo ako! Susugurin ko na talaga ang mga fastfood chain na mga ito!
"JUNIOR BABY!" sigaw nung linta
-__- naiinis ako sa lintang to. Bigla nya akong tinulak at pumwesto sa pwesto ko kanina! Waaah! Yung braso ng Junior KO! Nabwibwisit na ako sa linta slash ahas na to ah!
"HOY LINTANG AHAS NA HINDI MALAMAN KONG SANG PLANETA KA GALING! PWEDE BA LUMAYAS KA SA TABA NG JUNIOR MY LABS KO!" sigaw ko
Nakaagaw na naman ako ng atensyon hihi. I really love attentions! Nagulat si lintang ahas sa sinabi ko sa kanya pati nga si Junior KO eh. May masama ba sa sinabi ko?
"Excuse me?!" sigaw ni lintang ahas
"Dumaan ka na para makaalis ka na rin. Tss" sabi ko with matching taas kilay pa at cross arms
"I mean! You! How you dare to insult me ha! Do know you me?!" mahabang sabi nya
Hanudaw?! Di ko gets. Hahahahahahaha! Napakunot ang sambayanan ng marinig ang mahabang speech ni lintang ahas!
"Oh my dear stop talking nonsense. Just go away will you?! Shoo! Shoo!" sabi ko habang tinataboy pa sya
Tss. Mageenglish na nga lang wrong grammar pa. Isumbong ko kaya to sa english teacher nya for sure mapapagalitan to baka nga ipahiya pa ng teacher nya eh! Akalain mo nakapag 4th year hindi naman marunong mag english.
"Argh! You the one talking nonsense! Shoo shoo not is english!" sabi nya pa
Pft- Wait lang! Huhugot lang ako ng hininga!
"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" sabay naming tawa nila Jihyo
Nag apiran pa kami. Laughtrip si ate! Pati yung ibang nanunuod di na mapigil ang tawa pati nga yung mga kaibigan ni Junior my labs humagalpak na ng tawa.
"Junior baby! Inaaway ako ng pangit na yan" sumbong nila lintang ahas kay Junior my labs
"Tapos ka ng tumawa?" sabi ni Junior
"HAHAHAHAHA-HA-HA-HA" tawa ko habang pa unti unti itong huminto
Seryoso?! Tutulungan nya si lintang ahas?! Ngumiti si lintang ahas sa akin, ngiting nagsasabi na panalo sya. Nakakainis.
"Natutuwa ka bang pagtripan ang isang tao?" tanong nya
Err. Bat ka nakayuko Nayeon?! BWISIT! Tignan mo sya ng nakangiti kung hindi mapapahiya ka! Andami pa namang tao na nanunuod!
"Teka lang Jinyoung ah! Bat yata si Nayeon ang sinisisi mo?!" tanong ni Jeonyeon
Napatingin ako sa kanila Jeonyeon. Iritang irita ang mukha nila parang gusto nilang sugudin si Junior.
"Bat nga ba ako magtataka. Kaibigan nyo sya kaya siguro magkakapareho ang ugali nyo. Papansin na nga pabida pa" sabi nya
Taena! sa mga salitang binitawan nya dun ako nasaktan. Siguro nga tama sila Papansin nga ako.
"Junior. Tama na" awat ni Jackson sa kanya
"Ano? Napahiya ko ba kayo?" tanong nya
Ayoko na. Humakbang ako palayo sa kanya tsaka tuluyan ng umalis. Takbo ako ng takbo habang umiiyak, ansakit marinig sa kanya mismo ang salitang iyon.
"NAYEON!"
rinig ko pa ang ilang ulit nilang tawag sakin pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Di ko alam kung saan ako nakarating well likod ata to ng school. Umupo ako at dun umiyak ng umiyak. Bat ka ba umiiyak Nayeon?! Ilang beses mo naman narinig ang mga salitang yun sa ibang tao eh pero ang sakit talaga pag sa mismong bibig nya lumabas.
"Here. Wag ka ng umiyak"
BINABASA MO ANG
The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)
FanficNasa kanila na ang lahat... Kagwapuhan Kayamanan As in lahat... Pero pano kung magulo ang mapayapa nilang mundo sa pagdating ng siyam na babae. Siyam na makukulit na babae na araw-araw sisirain ang araw nila... Pero pano kung sa pagtagal ng panahon...