Junior's POV
"Ano?! Akala namin sa school kayo nagkakilala!" sigaw ni Mark
Napatawa kami ni Jay. Nasa cottage na kami at kumakain katabi ko ang kunehong to na hindi ko alam kung may bulate ba sa tyan nya dahil kanina pa sya galaw ng galaw.
"Iniligtas ka ni Junior at yung ginawa mo kanina ay nangyari nung mga bata pa kayo?" tanong ni Song
Tumango-tango si Jay. Sabi na nga ba! Sinadya nya ang lahat ng to. Hahahaha.
"Ah. Si Jin-" napautol ang sasabihin ni Nayeon ng hilain ko sya palabas
Nakatingin lang sila samin. Narinig ko pa ang pagtawag nila pero di ko sila pinansin, hinila ko sya hanggang sa makarating kami sa likod ng hotel.
"Ano bang kailangan mo?" tanong nya
Sh*t! Huminga ako ng malalim at tinignan sya. Nakipagtitigan sya sakin pero napaiwas ito kaagad.
"Call me Junior" sabi ko
Napalingon sya sakin at halata sa mukha nya ang gulat. Napangiti ako ng makita ang panlaki ng mata nya hahaha.
"A-no bang p-pinagsasa-bi mo?" utal na tanong nya
"Basta! Tawagin mo na ako ngayon sa pangalang Junior!" sabi ko sa kanya
"Junior" tawag nya sakin habang nakayuko
Napangiti ako sa narinig ko. Much better, hinila ko sya papalapit sakin kaya napaangat ang ulo nya.
"From now on. Wag ka ng umalis sa tabi ko" sabi ko
"H-ha?" tanong nya
Ngumiti ako sa kanya at pinitik ang noo nya. Nakita ko itong sumimangot pero agad rin syang ngumiti.
"Halika na" sabi ko at hinila sya
Bumalik na kami sa cottage at nagtataka silang nakatingin samin. Napatingin ako kay Jay, tama nga sya. Sa una palang naman panalo na ako. Sa lugar rin na ito nya pinakilala sakin ang girlfriend nya. Bat di ko naalala yun? Oo. May gf na ang ugok na yan.
"Ehem" sabi ni Yugyeom
"May sakit ka Yugyeom?" tanong ni Bambam kaya ayun pinagbabato sya
Umupo na ulit kami. Reserve kaya yung upuan namin hahaha. Pinareserve ko kay Jay hahaha.
"Anong meron?" tanong ni Youngjae while looking at our hands
"Nothing" bored na sabi ko
Nakatitig lang lahat samin. Tss -__- What's wrong with their look?! Napailing na lang ako habang itong katabi ko naman hindi na makatingin sa mga kaibigan nya.
"Hey! Hindi na sya komportable sa tingin nyo" sabi ko
Napaiwas naman sila ng tingin pero halata sa mga mukha nila ang isang napakalaking question mark.
"Swimming na lang tayo" sabi ni Momo habang nakangiti ng abot tenga
"Ibabalandra mo na naman yang abs mo! Hay naku Momo!" sabi ni Sana sa kanya at kinotongan pa ito
"Edi ikaw na! IKAW NA MAY ABS!" sigaw ni Bunny at naparoll eyes
Napatawa kami pero sa huli nanalo si Momo at naghahanda na kami para magswimming. Ayaw ko mang aminin >.< pinagbawalan ko syang magbikini. Subukan nya lang. Naku!
Nandito na kami sa tabing dagat, hinihintay yung mga girls habang naglalaro ng volleyball beach. Kalaban namin sila Jay. Halata ang kuryente sa mga mata nila hahahaha pwera samin ni Jay.
"Hoy Sana! Maghintay ka nga!"
Agad kaming napalingon ng makita namin sila. What a hot body! Nakashorts lang sila pero t*ng*na! Buti na lang nakaclose itong resort nila Jay kundi magdidiwang ang mga mata ng kalalakihan. Nakasports bra sila pero may mga fitted jacket. Lumapit sila samin at mga kaibigan nakanganga silang lahat.
"Bunny!" tawag ko sa kanya pero sumimangot lang sya
Hinila ko sya. Putek makatingin si DK sa kanya wagas na ha! Naglakad lakad lang kaming dalawa at halata sa kanya na hindi pa sya komportable. Huminto ako kaya napahinto rin sya hinarap ko sya sakin at pinagmasdan.
"One word. Hot" nakangising sabi ko
Nakita ko itong namula. Hahaha. Nagblush si Bunny. Ginulo ko ang buhok nya at binuhat sya ng parang bagong kasal.
"O-oy! Ibaba mo ako" sabi nya
"Ayaw ko. Maliligo tayo" sabi ko with playful smile
"H-HA?!" sigaw nya kaya napaiwas ang ulo ko
"A-ay! Sorry" biglang sabi nya
Napangiti ako at di sya pinansin. Papunta kami sa dagat syempre hahahaha nang makarating kami binaba ko na sya.
"Wow!" sabi nya habang nakatingin sa tubig
Bambam's POV
That girl! Bat ba sya nagsusuot ng ganyan?! Argh! Chan is looking at her. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nagtatampisaw sa tubig at ako andito binabantayan ang bawat kilos nya.
Lumapit ako kay Chan. Nakangiti itong pinapanuod sya, napakuyom ako ng kamay dahil sa inis ko. F*ck!
"Enjoying the view" maangas kong sabi
Napatingin sya sakin habang nandun parin ang mga ngiti nya. Pupunitin ko na talaga ang ngiti nito!
"Yeah. She's very charming" sabi nya at itinuon ulit sa kanya ang atensyon
Tss. Alam ko yun! Padabog akong naglakad patungo sa kanya. Napatigil ito ng nasa harap nya na ako maski pati mga kaibigan nya.
"Bambam" sabi ni Jackson
"I'm sorry Jihyo but I'm just going to kidnap her" sabi ko tsaka sya hinila
"GO ON!" sigaw pa ng mga kaibigan nya
Nakita ko si Chan na nakatingin samin habang papalayo kami. Ayokong mageskandalo dun kaya sya na lang ang hinila ko. Nakakasakit talaga sya ng ulo!
"Ano ba!" sigaw nya
Wala na ngang boses na mailalabas sisigaw pa. Tss! Dinala ko sya sa garden ng resort at iniharap sya sakin.
"Alam mo! Naiinis na ako sa ugali mo!" sabi nya
Wala sa isip kong niyakap sya. Nastiff naman ang katawan nya. Sheez! What i am doing?! Sheez! Nagpupumiglas pa sya.
"5 minutes" bulong ko sa kanya at hinaplos ang buhok nya sa likod
Nagstay kami ng limang minuto sa ganung posisyon. Mahirap nga siguro na ikaw lang ang umiibig sa inyo. I'm totally fall in my wife and i don't want to lose her. Not ever! Humiwalay na ako sa kanya.
"Thank you for letting me to hug you" sabi ko with sad smile
"Parang may magagawa naman ako! Duh! You're my husband and my body is yours. Remember that Bambam" sabi nya at iniwan na ako dun
Napangiti ako. Tama nga naman sya may karapatan akong hawakan at yakapin sya cause she's my wife and I'm her husband.

BINABASA MO ANG
The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)
FanfictionNasa kanila na ang lahat... Kagwapuhan Kayamanan As in lahat... Pero pano kung magulo ang mapayapa nilang mundo sa pagdating ng siyam na babae. Siyam na makukulit na babae na araw-araw sisirain ang araw nila... Pero pano kung sa pagtagal ng panahon...