Mark's POV
*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*
"Okay class dismissed" sabi ni Sir Leo at lumabas na ng classroom
Sa wakas breaktime na rin. Nag inat-inat muna ako bago tumayo. Nilingon ko sila pero wala ata silang balak na kumain. Bigla silang tumayo at inistrech pa ang kamay, binabawi ko na ang sinabi ko kanina.
"Gutom na ako, tara"sabi ni Jackson at nauna ng lumabas
Sumunod na kami. Gutom na rin ako pero napahinto ako ng may nagpop out sa utak ko. Shit!! Napatigil rin sila at napalingon sa akin.
"Bro, may problema ba?"tanong ni Youngjae
"Brad, ayos ka lang?"tanong naman ni Bambam
"HOY MARK!! Okay ka lang ba?"tanong ni Jackson
Napatingin ako sa kanila. Nawala ata ako sa huwisyo. Kinamot ko ang kilay ko, ugali ko na to pag may iniisip ako. Umiling ako tsaka nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa cafeteria. Andun pa kaya siya? That annoying girl.
Maraming tumili tili habang naglalakad kami. Sino bang hindi? Nakarating kami sa cafeteria. Hindi ko alam pero kinakabahan akong pumasok dito. Nakapikit akong pumasok at halos nagdadasal na wala sya.
"Brad, ayos ka lang ba talaga?"tanong ni JB
Inimulat ko ang mata ko at tumingin sa upuan nila. Napabuntong hininga ako ng makitang ibang tao na ang nandun tsaka malinis na rin ang sahig banda sa table na yun.
"Oo, I'm fine"sabi ko na lang
Dumiretso kami sa counter para mag order. Nagorder lang ako ng carbonara at lemon juice, pagkatapos dumiretso kami sa bakanteng table sa dulo ng cafeteria.
"Asan si Jackson?" tanong ni Youngjae
Napalingon-lingon kami, nawawala nga sya. San naman nagsusuot yun? Bahala sya, malaki naman na yun. Kumain na lang kami.
Jackson's POV
Nandito ako sa garden. Wala lang, gusto ko lang mapag-isa. Pagkatapos kong umorder ng burger at mocha frappe, dumiretso ako dito. Peaceful kasi dito kaysa dun sa cafeteria na kahit pagkagat mo sa kinakain mo tinititigan nila. That's shit. Susubo na sana ako ng may nakita akong babae na may hinahanap ata. Nagkibit balikat ako tsaka kumain na lang.
"Asan na ba yun? Ngayon pa ako nawala" sabi nya habang paikot ikot
Ano bang hinahanap nya? Nadidistract ako sa kanya. Mukha syang constipated na paikot ikot, nakakatawa ang itsura nya. Habang kumakain tinitignan ko lang sya. San ba to pupunta? Nagulat ako ng bigla syang umupo sa sahig at nagpapadyak. Hala shit!! baliw ba to?!
"Waaaaah!!! Give up na ako!! *sniff* Asan na ba ang cr na yun?!" sigaw nya habang patuloy sa pagpadyak na parang bata
Napatawa ako ng bigla sa itsura nya. Sandali nga- JACKSON!! HINDI KA TUMATAWA!! Ano bang nangyayari sakin? Ininom ko ang mocha frappe ko tsaka tumayo. Baka maihi pa to sa floor, mukhang di pa naman sya taga dito. Naglakad ako papunta sa kanya.
"*sniff* Asan ka na ba kasi cr?" tanong nya
Mukha syang bata na nawalan ng lollipop sa itsura nya. Bigla akong umupo sa harap nya para makalevel ko sya. Buti na lang walang tao na pumupunta dito. Inangat nya yung ulo nya.
O_O Umiiyak sya!! Umiiyak sya dahil sa di nya makita ang Cr?!! Kakaiba ang babaeng to. Napailing ako tsaka binuhat sya ng parang sako.
"WAAAAAH!! RAPE!! TULONG!!" sigaw nya
Taena! Mukha ba akong manyak?! Sa gwapo kong to nagmukha lang akong manyak?! Bigla nya akong pinagpapalo sa likod. Tangina naman oh!! Sya na nga ang tinutulungan, sya pa may balak hampasin ako sa likod?!
"Aray ano ba!!" reklamo ko
"IBABA MO AKO!! TULUNGAN NYO AKO!!" sigaw nya
Ilalaglag ko na talaga to. Bwisit ang sakit ng likod ko. Pinagtitinginan pa kami ng ibang estudyante. Malamang may nagkalat na students dahil breaktime. Bigla ko syang binaba, hahampasin na sana nya ako ng iniikot ko sya.
"Ito ang cr, miss" sabi ko at tsaka umalis
Ang sakit ng likod ko, bwisit na babae yun. Nagmukha pa akong rapist. Bumalik na lang ako sa classroom dahil nagring naman na yung bell. Ako yata ang laman ng tsismis nila ngayon. Pagbalik ko sa classroom, umupo na lang ako sa upuan ko.
"Hoy! San ka pumunta kanina?" tanong ni Youngjae
Inilagay ko lang yung headphones ko, bahala silang magdaldalan dyan. Wala akong pake. Sumandal ako sa sandalan ng upuan ko at natulog. Napagod ata yung katawan ko sa babaeng yun. Ang sakit talaga ng likod ko, ang tigas ng kamay nun.
"Good morning class" biglang bati nung teacher kaya agad kong hinablot yung heaphone ko pababa sa leeg ko.
Bwisit na teacher to. Buti na lang mabilis ang reflexes ko kaya naibaba ko kaagad ang heaphone ko. Naconfiscate nya kasi ng isang beses itong headphone ko kaya siguro pag nakuha nya ito ng pangalawang beses, byebye headphone na.
Umubob na lang ako at natulog, ayokong makinig sa lecture nya kasi nakakatamad. Pinapaikot ikot nya lang ang sinasabi nya kaya mas mabuting tulugan ito kaysa intindihin. Teka nga!! bat pala nakapasok ang babaeng yun kung hindi sya nag-aaral dito? may binisita ba sya? may kapatid siguro sya.
Bat ba sya ang iniisip ko? Ano bang nangyayari sakin? Ang isip batang yun!! I just close my eyes at hinayaan na idala ako sa dreamland. Fuck! So GAY!!
*FASTFORWARD*
"So, thank you and goodbye class"
Napadako ang tingin ko sa harap. Iba na ang teacher, tinignan ko rin yung relo ko. 12:00 na pala. Buti naman at timing ang paggising ko. Lumabas na yung teacher kaya nagsilabas na rin yung classmate namin. Kami? nakaupo parin.
Biglang tumayo si JB kaya nagsitayo na rin kami. Sya lang naman ang sinusundan namin. Naglakad na kami papunta sa parking lot. Half day lang kasi ang pasok sa paaralang ito. Ewan ko ba sa may-ari pero mas maganda na rin yun para naman hindi boring.
Sumakay na kami sa sarili sarili naming kotse tsaka ito pinaandar. Iisa lang ang nasa isip namin at yun ay
KUMAIN!!!
BINABASA MO ANG
The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)
FanficNasa kanila na ang lahat... Kagwapuhan Kayamanan As in lahat... Pero pano kung magulo ang mapayapa nilang mundo sa pagdating ng siyam na babae. Siyam na makukulit na babae na araw-araw sisirain ang araw nila... Pero pano kung sa pagtagal ng panahon...