Junior's POV
Andito na kami sa cottage. Pinagmamasdan ko lang yung papalubog na araw habang nakaupo dito sa buhangin. Ang kulay orange na bilog at sinasamahan ng violet na kalangitan. Nagrereflect rin ito sa tubig.
"Bat ayaw mo makisali dun?" tanong ni Mark at umupo sa tabi ko
"Bat andito ka?" tanong ko sa kanya
"Haha kailan pa naging tanong ang sagot sa isang tanong" sabi nya
Hahaha. Pinagmasdan lang namin ang kalangitan.
"Kung gusto mo kunin mo. Wag mong hayaang makuha ng iba" sabi nya pero napangiti lang ako
Kung makapagsalita akala mo naman walang iniiwasan. Napailing na lang ako tsaka tumayo na. Pinagmamasdan ko lang silang magkulitan sa loob ng cottage. Mga kaibigan ni Nayeon at mga kaibigan naman ni Jay. Napailing ako ng makita kung gaano katalim ang titig nila sa mga kaibigan ni Jay. Mga baliw talaga ang kaibigan ko.
"Hala! T*ng*na naman Bambam! Sunog na tuloy yung hotdog!" sigaw ni Youngjae
Napatigil sila sa pagkukulitan at napatingin sa mga kaibigan ko. Hahaha.
"Hoy! Tanggalin nyo na yang hotdog baka tuluyang masunog! Mga p*ta to!" sigaw ni JB
Ayan na. Nagalit na ang dakilang tagaluto namin. Hahahaha. Napapatawa na lang ako sa pinaggagawa nila.
"Kasalanan mo to Yugyeom! Ikaw kasi dapat nagbabantay dito!!" sigaw ni Bambam kay Yugyeom na naghahanda ng kanin.
"Teka nga lang! Kasalanan ko pa kung maging kasing kulay mo na yang hotdog na iniihaw mo!" sigaw ni Yugyeom
Napailing ako tsaka pumunta na sa pwesto nila. Mga siraulo talaga.
"Waaaah! Junior oh! Inaaway ako ni Yugyeom" sumbong ni Bambam
"Hahahahahaha!" tawa ko
Napatigil sila at lumingon sakin. Anong problema nila? Makatingin sila sakin wagas.
"Tumatawa si Junior!" sigaw ni Bambam
"Narinig namin Bambam! Hindi kami bingi!" sigaw naman ni Jackson
"Wow brad! New achievement yun!" sabi ni JB at ginulo pa ang buhok ko
"Tao na ulit si Junior kaya sunugin ang hotdog!" sigaw ni Youngjae
"Tayo ay magdiwang dahil nanumbalik na ang pagiging tao ni Junior!!" sigaw ni Mark
Napailing na lang ako. Hindi yata nila alam na may audience kami na kanina pa nakatingin samin. Siguro tama na ang mahabang panahon na pagtatago namin sa totoong kami.
"Junior! Junior! Junior!" sabi nila habang pasayaw sayaw pa
Ganyan po kabaliw ang mga kaibigan ko. Hahahahaha. Mas lalo akong napatawa ng magsayaw sila ng budots.
"Mga g*go! Yung hotdog sunog na!" natatawang sigaw ko
Nataranta naman sila at bumalik sa mga ginagawa nila. Napangiti ako ng makitang nakangiti na sila ngayon. Mas lalo na si JB.
Jay's POV
Masaya ako dahil bumalik na ang totoong Junior na kilala ko. Naalala ko pa noon kung pano sya ngumiti kita pa nga gilagid nya. Hahahaha.
"Tumatawa sila" sabi ni DK
"Oo nga. Ganyan ba sila pagsila sila lang?" sabi ni Nayeon
Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang mga nakangangang reaksyon nila. Kahit sino mapapa nganga pag nakita silang ngumiti.
"Atlast inilabas nya rin ang totoong sya" sabi ko
Napalingon sila sakin kaya binigyan ko sila ng isang ngiti. Junior hinihintay ko ang pagkakataon na to. Sa resort na to una kaming nagkakilala.
Naglalakad ako habang pinagmamasdan ang tubig na umaalon papunta sa mga paa ko. Gusto kong maglaro sa tubig pero hindi pwede, Di kasi ako marunong lumangoy.
Pinagmamasdan ko ang ibang bata na naglalaro sa dagat. Nakakainggit sila! Dahil sa inggit tinry kong pumunta sa mababaw na parte hanggang tuhod ko lamg ito. Ang saya! Ang lamig ng tubig. Maya-maya may bolang lumapit sakin kaya agad ko itong kinuha pero hahawakan ko na sana ng bigla itong tangayin ng alon kaya lumayo sakin yung bola dahil sa kagustuhan ko itong makuha ay lumapit pa ako ng lumapit sa bola ng di ko namamalayan.
Hindi ko inaakala na nasa malalim na parte na pala ako halos di ko na maabot ang buhangin na tinatapakan ko.
"Ma-ma! Pa-pa!" sigaw ko
Unti-unti akong nakakainom ng tubig hanggang sa di ko na nakayanan pa. Wala akong magawa sa oras na yun dahil akala ko katapusan ko na yun pero nagkakamali ako. Lumutang ako at parang may bumubuhat sakin paitaas. Naramdaman ng katawan ko ang buhangin.
"Hoy bata! Hoy! Gumising ka"
Parang may nakabara sa lalamunan ko na ayaw lumabas. Mga ilang segundo ay inubo ako. Napaupo ako habang hinihingal.
"Buti naman nagising ka na"
Napalingon ako sa katabi kong bata. Basang basa sya at hinihingal katulad ko. Sya ba ang nagligtas sakin?
"Sa-salamat" sabi ko
"Hahaha wala yun. Ako nga pala si Jinyoung. Junior na lang" sabi nya at nalahad ng kamay nya
"Jinhwan. Jay na lang" sabi ko at tanggap ng kamay nya
Isang ngiti ang sagot nya kaya napangiti na rin ako. Nalaman ko na magbabakasyon lang sila dito. Halos araw-araw na kaming nagkikita tsaka nagkakasama. Tinuruan nya rin akong lumangoy.
Nasa isang cottage ako nun at nakita ko sya na nakaupo habang kumakain ng hotdog kaya tumayo ako tsaka sya tinawag.
"Junior!" sigaw ko habang nakangiti at kumakaway pa
Lumingon sya sakin ng may ngiti habang kinakaway ang right hand nya habang nakataas pa ito. Naglakad ito papalapit sakin.
"Yow" bati nya at nagfist bump kami
"Jay!"
"Jay!"
"Kim Jinhwan!"
Napabalik ako sa realidad ng makita sila na sinisigawan ako. Napangiti na lang ako dahil sa alaalang bumabalik sakin. Tumayo ako tsaka tumingin sa kay Junior habang nakaupo at kumakain ng hotdog.
"Junior!" sigaw ko habang kumakaway pa
Tumayo ito at lumingon sakin. Napangiti sya ng makita ako at kumaway rin. Naglakad sya papalapit sakin, parehong pareho pero ang kakaiba lang ay malalaki na kami.
"Yow" bati nya at nagfist bump kami
Napakunot ang noo nya at nakatingin sa mga kamay namin. Hahahaha. Alam ko ang nasa isip nya.
"Hahahaha" tawa nya at pinangsuklay ang kamay nya
"Oh bakit?" natatawang tanong ko
"May naalala lang ako teka nga wag mong sabihin na sinadya mo talaga yun!" sabi nya habang nakangiti
Nagkibit balikat ako tsaka sya inakbayan. Namiss ko ang bestfriend ko! Hahahaha.
"Sinadya mo yun!" sabi nya at tinulak tulak ako
Napatawa na lang ako. Oo siguro nga sinadya ko ang lahat ng to. Wala sa plano ko ang magbakasyon sa resort namin ng isang linggo.

BINABASA MO ANG
The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)
FanfictionNasa kanila na ang lahat... Kagwapuhan Kayamanan As in lahat... Pero pano kung magulo ang mapayapa nilang mundo sa pagdating ng siyam na babae. Siyam na makukulit na babae na araw-araw sisirain ang araw nila... Pero pano kung sa pagtagal ng panahon...