Chapter 8

527 19 0
                                    

Jinyoung's POV

Nakatunganga ako dito sa terrace, di ko na alam ang nangyayari sakin. First of all! Hinayaan ko syang tawagin ako sa pangalang Junior baka isipin nun close na kami.

Nakatanaw ako sa papalubog na araw. Ang ganda lang pagmasdan ang kulay orange na kalangitan.

"Tignan mo yun Jeongyeon oh!! Ang ganda!"

Sa di malamang dahilan napatingin ako sa baba. Nagulat ako ng makita sya na may tinuturo. Dito rin sila nakatira?!

"Nung isang araw pa ang usapan na may lilipat dito sa village natin" sulpot ni JB kung saan saan

San ba galing to? Para syang kabute. Pasulpot sulpot na lang. Tss -__-

"Dahan dahan lang Nayeon!" sigaw ni Jihyo sa rabbit na yun

Takbo kasi ng takbo. Mukhang timang lang, tumatakbo sya habang nakastretch pa ang dalawang kamay. Parang bata na ngayon lang nakalabas. Napailing na lang ako.

"You know what Junior. I think ang lakas ng epekto nila satin" sabi ni JB

Anong pinagsasabi nito? pero ayaw ko mang aminin totoo ang sinasabi nya. I can't believe na dahil sa makukulit na babaeng tinatanaw naming dalawa magbabago ang araw ko.

"Oo. Ang lakas ng epekto nilang asarin tayo" nakangiting saad ko

Napatawa sya habang naka focus sa tinitignan nya, ano bang tinitignan nito? Tinanaw ko yung pinagmamasdan nya at nakita ang isang babaeng sobrang puti na parang baliw na sumasayaw.

"HOY! NAGSISIGHT SEEING NA PALA KAYO DYAN NG DI NAMIN ALAM!!!" sigaw ni Bambam

Napatago kami ng biglang lumingon sila Nayeon. T*rant*dong bata to!! Nakita kaya nya kami? wag naman sana baka sabihin nyang iniistalk namin sila. Dream On!

"Bakit kayo nagtatago dyan?!" tanong ni Mark

Sinamaan ko sila ng tingin. Bat ba ang lalakas ng boses ng mga ugok na to?! Tumingin sila sa baba kung anong pinagtataguan namin pero bigla rin silang nagtago. Titingin tingin tas magtatago rin pala, mga abnormal nga naman. Tss

"Nakita nila tayo?" tanong ni Youngjae

"Oo yata. Hindi ko alam!" iritang sabi ni Yugyeom

Napatingin silang lahat saming dalawa. Anong kasalanan namin? Bat ganyan sila makatingin? Tss. Kasalanan ba naming tanga sila at di nahalata na may pinagtataguan kami kaya nga kami nagtatago eh!

"Bat ba kayo nagtatago?" tanong ni Jackson

Paupo akong naglakad papunta sa pinto at binuksan ito tsaka patakbong bumaba. Hay naku! Baka sabihin nilang iniistalk ko ang babaeng yun. Di kaya slight lang

"Junior!" sigaw nilang lima

Bigla akong lumabas ng bahay bago nila ako maabutan. Bwisit!! Ano bang problema nila?! Kasama ko kaya si JB kanina dun! Bat ako lang ang hinuhunting nila?!

"Junior?"

Nakita kong lumabas sila Bambam para hanapin ako kaya bigla kong hinila yung babaeng tumawag sakin kahit di ko alam kung sino sya. Nang makita nilang wala ako bigla silang pumasok ulit sa loob kaya napabuntong hininga ako.

"Ayos ka lang, Junior?" tanong nung babae

Teka! Junior?! Tumingin ako sa kanya at sobra ang gulat ko ng makita si Nayeon ang nasa harap ko. F*ck! Malas! Malas! Malas! Malas! MALAS!!!!

"Hehe H-hi" sabi ko at alanganing ngumiti yung ngiting natatae ka.

Ngumiti naman sya. Sa nangyari ngayon aakalain nya na close na kami. Ano ba tong pinasok mo Jinyoung!

"Nayeon!" tawag sa kanya ng mga kaibigan nya

I grab the opportunity na tumakas pero nakahawak pala sya sa manggas ng shirt ko. No choice! Argh! Bwisit! Dahil ito kay Bambam eh!

"Jinyoung?" takang tanong nila

Kumaway na lang ako sa kanila. Ang rude ko naman kung di ko sila papansinin diba. TEKA NGA! KAILAN KA PA NATUTONG MAGING MABAIT SA IBA?! MAY PA ANG RUDE KO NAMAN KUNG DI KO SILA PAPANSININ KA PANG NALALAMAN!!

"Taga dito ka rin?" tanong ni Chaeyoung

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa tanong nya atleast alam kong di nila kami nakita ni JB sa terrace kanina na tinitignan sila.

"Oo. Taga dyan lang sya oh! Nakita ko pa nga syang tumitingin kay Nayeon kasama yung isang kaibigan nya" sabi ni Momo

Waaaah! Tumingin silang siyam sakin. F*cking sh*t! Di ko nakita si Momo kanina na nakatingin sakin. Haaays!! Biglang ngumiti si Nayeon sakin yung labas na yung dalawang malaking ngipin nya sa harap.

"Aherm! Maiwan na namin kayo" sabi ni Sana habang may nakakalokong ngiti sa mga labi nya

"Huh?! Bat natin sila iiwan?!" takang tanong ni Tzuyu

"For privacy halika na nga" sabi ni Jihyo at hinila sya paalis

"Teka unnies!! Ano ba yung privacy? Makakain ba yun? Maiinom?" tanong pa ni Tzuyu

Napailing na lang sila at tuluyan na silang umalis. Abnormal talaga ang mga taong to pati ba naman privacy pagkamalang pagkain. Tumingin ako kay Nayeon na hanggang ngayon nakangiti parin -__-

"Hahaha! Oo nga pala Junior-" di ko na sya pinatapos

"Stop calling me Junior! It irritates me! Alam mo ba yun?! And this is just a whole misunderstanding! Di ko ginusto na ikaw ang mahila ko!" bulyaw ko sa kanya

Nakita ko ang gulat sa mukha nya at unti unti itong yumuko. You're so cool Junior. Umalis na ako dun at pumasok sa bahay, bahala sya dun mag-isa. Pagpasok ko nakaabang silang lahat sa akin.

"Brad ang bastos naman ng ginawa mo" sabi ni Youngjae

"Oo nga. Kawawa naman si Nayeon oh" dagdag pa ni Mark habang nakatingin sa bintana

"Tss" sabi ko na lang

Umakyat ako sa taas para magpahinga. Nasabi ko rin ang gusto kong sabihin sa kanya. Ayos lang yan Junior. Wag mo syang alalahanin. Pinikit ko yung mata ko pero biglang pumasok sa isip ko yung itsura nya nung sigawan ko sya putek naman oh!

Alam kong masakit yun pero ginawa ko lang yun para di na sya mangarap na pwede nya akong kaibiganin. Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko, tama lang yung ginawa mo Junior.

"Hoy Junior! Kain na" sabi ni Bambam

Tumayo ako at pumunta na sa kusina, ikakain ko na lang to. Umupo ako atsaka nagsimulang kumain wala na akong pake sa paligid ko.

"Mukhang may nakokonsensya at dinaan na lang sa pagkain ang lahat" parinig ni JB

"Oo nga. Sabagay ang sakit naman talaga nung sinabi nya" sabi ni Yugyeom

"Kawawa nga yung babae eh. Ang lungkot ng itsura" sabi naman ni Youngjae

"Ganun talaga. Walang puso yung lalake-" pinutol ko na ang sasabihin dapat ni Jackson

"Wala na akong gana" sabi ko at tumayo na

Umakyat ako at dumiretso sa kwarto ko, humiga ako sa kama ko at pumikit. Mukhang nasaktan mo nga sya Junior. Haayss.

The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon