Chapter 7

553 21 0
                                    

Yugyeom's POV

"Put your hands up... Put your hands up... put put put put put put.. PUT YOUR HANDS UP!!" kanta nila

Halos pinagtitinginan na sila dito sa cafeteria pero wala silang pake. Sinong sila? Edi yung siyam na transferee. Napalingon ako sa table nila at sa di inaasahan nakatingin rin pala yung isa. I think her name is Tzuyu. Panong di ko kilala, e katabi ko sya.

"HI SEATMATE" sabi nya at kumaway pa

Napailing na lang ako. Ano pa ba ang aasahan ko syempre nag mana sya sa mga kaibigan nya. Nakakapagtaka lang dahil hindi sila pinapagalitan ng mga facilitators dahil sa kalat nila. Ano kayang meron sa kanila?

"Teka mga brad" sabi ni Bambam

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Wala akong balak na alamin ang ikwekwento ni Bambam. Siguro kabaliwan nya lang sasabihin nya. Knowing him.

"Mark, Jackson, at Junior. Bat parang magkakakilala kayo sa mga babae dun sa siyam na transferees?" tanong ni Bambam

"Oo nga! May nangyari ba na hindi namin alam?" tanong naman ni JB

"Wala" sabay nilang tatlo na sabi

"Sige Yugyeom! Di na kami magtataka kung mamaya tunaw na sya" sabi ni Youngjae

Napaiwas ako agad ng tingin. Di ko namalayan na titig na titig na ako sa kanya. Tumayo ako para bumili ng Moo. Bakit may angal kayo? Pumunta na ako sa counter pero may babaeng bumibili, ang tangkad nya ah. Ano kayang height nito? Pagtalikod nya bumangga sya sakin, akala nya siguro walang tao.

"Aray... Sorry" sabi nya habang nakangiti at nakapeace sign pa

Kung mamalasin ka nga naman oh. Si Tzuyu pala yung nabangga ko, bat di ko nahalata kanina na pareho sila ng buhok.

"Sir... may i take your order?" tanong nung cashier

Bwisit. Naspace out pa ako dahil to sa Tzuyu na yun eh! Bumili na lang ako ng Moo tsaka nagbayad pagkuha ko ng barya timing ang pagbell ng ring. Instead na bumalik sa table namin, nauna na akong lumabas ng cafeteria.

Habang naglalakad todo tingin sila sakin. Anong magagawa ko gwapo eh -__- Oh? Si Tzuyu? Anong ginagawa nya? Pabalik balik lang sya at di nya kasama yung mga kaibigan nya. Mukha syang tanga. Pumunta ako sa pwesto nya.

"Asan na pala yung daan?" tanong nya sa sarili nya

"Ang alam ko dito kami pumunta eh. Unnies naman kashi eh! Iwan ba ako" dugtong nya pa

Baliw na sya. Baliw na baliw, sabagay baliw naman talaga sya. Nilagpasan ko lang sya pero napahinto rin ako ng marinig ko ulit ang sinabi nya.

"OMO! Hindi kaya may sariling paa ang mga classroom dito at nagpapalit palit ng pwesto?" sabi nya

Pfft- HAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA! Tang*na naman oh! Anong nakain ng babaeng to? Bumalik ako tsaka sya tinignan. Bigla itong ngumiti ng makita ako.

"Ngi-ngiti ngiti mo!" sabi ko sa kanya

Nagulat ako ng bigla nya ipulupot ang braso nya sa braso ko. Ano bang nasa isip nya?! Halos pinagtitinginan kami ng mga dumadaan. Tinatanggal ko ang kamay nya pero ang hirap.

"Ayaw! Wag mong tanggalin! Baka mawala ulit ako!" nakangusong sabi nya.

UNBELIEVABLE! Ilang taon ba to?! Wala na akong magawa kundi hayaan sya baka susunod iiyak na to. Pumunta kami sa classroom na ganun ang pwesto namin. Para syang bata na mawawala. Pagpasok namin sa classroom, gulat silang lahat. Sino ba ang hindi diba?!!

"Thank You Seatmate" sabi nya at tanggal ng braso nya sakin

Nilagpasan ko lang sya at umupo sa upuan ko. Sumunod naman sya at umupo na rin, ano bang nangyayari sa buhay namin?! Sa pagkakaalam ko wala naman akong balat sa pwet ah.

"Sungit" bulong ng katabi ko

Di ko sya pinansin at natulog na lang. Oo itutulog ko na lang ito.

~FASTFORWARD~

"Yugyeom"

"Yugyeom!"

"Hoy yugyeom!"

"KIM YUGYEOM! GUMISING KA DYAN!"

O_O

"ASAN?! ASAN ANG SUNOG?!" sigaw ko

Nagsitawanan naman silang lahat at dun ko narealize na nakatulog pala ako. Sh*t nakakahiya!! sinamaan ko ng tingin si Bambam pero nagpeace sign lang sya.

"Uwian na tsong! Hahahahahahaha!" sabi ni Jackson habang di na makapigil sa kakatawa.

Mabilaukan ka sanang g*go ka! Nag-ayos na ako tsaka tumayo. Nagsilabasan rin naman yung ibang classmate namin habang tumatawa pa rin. Masyado silang masiyahin! Bigwasan ko sila isa isa eh!!

"Tara na nga" sabi ni JB

Sumunod na lang kami at sa di inaasahan nga naman nandito pa pala ang transferees na baliw. Tumingin kami sa kanila at nilagpasan ang mga ito.

"Markie~" sigaw ng isang babae

Sa pagkakaalam ko Sana ata ang pangalan nya. Napatigil si Mark kaya napatigil rin kami at napalingon sa kanya. Anong problema nya? Noon naman ayos lang sa kanya ang mga babaeng tumatawag sa kanya.

"Bro. Let's go" sabi ni Jackson at hinila sya

"Hoy JUNIOR!" sigaw pa ng isang babae

Biglang napahinto si Jinyoung. Yare ka. Galit na ang toro! Hahahaha. Madami pa ring estudyante ang nagkalat sa campus kaya naman nagsilingonan rin sila. Napalingon kami sa likod at nakita si Nayeon na kumakaway pa.

Naglakad palapit sa kanya si Jinyoung. O-kay? Anong gagawin nya kay Nayeon?! Wag mong sabihin na papatulan nya?! Nakangiti lang si Nayeon at walang pake kung magdikit na ang kilay ni Hyung sa pagkunot nito.

"Stop calling me JUNIOR cause i don't know you!" sigaw ni Hyung sa kanya

"Edi magpapakilala ako. Im Nayeon nga pala. Nice to meet you Park Jinyoung. Can i call you JUNIOR?" sabi ni Nayeon habang nakangiti

Napatitig sa kanya si Jinyoung. Delikado na to. May tinamaan ata sa ngiti lang. Hahahaha. Biglang tumalikod si Jinyoung sa kanya at bumalik sa pwesto namin at pulang pula ang tenga nya.

Naglakad na kami papunta sa parking lot. Sumakay na kami sa van at napagdesisyonan na si Jackson ang magdadrive. Habang nasa van ay inaasar namin si Jinyoung tungkol kay Nayeon at pikon na pikon naman sya.

"Tss. Di ko nga sya crush!!" depensa nya sa sarili

Nagsitawanan kami dahil pulang pula na ang mukha nya dahil sa galit pati si Jackson nakiasar na rin. Sabagay may spark naman kasi yung dalawa hahaha. Ilang ulit pa namin syang inasar hanggang sa makarating na kami sa bahay. Bumaba kami sa van at nagsipasukan na kami.

The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon