Chapter 17

543 17 1
                                    

Junior's POV

Nandito ako ngayon sa basketball court. Ayaw kong pumasok, maghapon na siguro ako dito. Habang patuloy na shinoshoot ang bola ay may nagbukas sa gym kaya napalingon ako.

"Junior" tawag nya sakin

Uminit ang ulo ko ng makita ang pagmumukha nya. Ayokong magkasakitan kami kaya idadaan ko na lang sa basketball to. Binato ko sa kanya ang bola at agad naman nya itong nasalo.

"One on one" sabi ko sa kanya

Napangiti ito at tinanggal ang polo nya. Dinidribble nya ang bola papalapit sakin, hindi ako magpapatalo sayo Jay.

"Anong nakain mo at naghamon ka?" tanong nya habang may ngisi sa mga labi nya

I want to make that smirk fade away! Tinignan ko lang sya kaya nagkibit balikat ito.

"What's the deal?" tanong nya

"You know it already" sabi ko

Tumango sya at dun nagsimula ang laro namin. Paulit ulit na inaagaw ko sa kanya ang bola expected ko na matatalo ako dito. Isang MVP ba naman ang hamunin ko. Tsk!

Naagaw ko ang bola at agad na pumunta sa freethrow line tsaka ito shinoot. Di naman na sya nakahabol kaya pumasok ang bola.

"1 point" sabi nya habang nakangiti

FASTFORWARD

Hingal na hingal na kami sa kakatakbo pabalik balik sa court. Di namin namalayan na madilim na pala. Tatakbo na sana ako ulit pero napahiga sya sa court kaya huminto ako.

"Panalo ka na" sabi nya habang nakangiting nakatingin sa kisame

"What do you mean? Di pa tapos ang laban!" matigas na sabi ko

Umiling ito. Ano bang pinagsasabi nito?! Lumapit ako sa kanya at umupo na lang sa tabi nya.

"Una palang panalo ka na haha" sabi nya at umupo na

Una palang panalo na ako? Tumingin ako sa kanya pero napatawa ito tsaka tumayo na. Pinulot nya ang polo nya.

"Tandaan mo Junior. Ikaw lang ang nag aakala na talo ka" sabi nya at tuluyan ng umalis

Napailing ako at tumayo na. Umalis na ako sa court habang naglalakad sa corridor walang katao tao na makikita dahil madilim na. Hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa sinabi ni Jay.

Nayeon's POV

Yehey! Anong oras na at malapit na kaming umalis papunta sa resort nila Jay.

"Nayeon! Andito na sila! Bumaba ka na dyan" sigaw ni Jihyo

Agad akong bumaba at pumunta sa labas ng bahay. Kanina pa namin naibaba sa sala ang mga bagahe namin kaya for sure na nasa loob na ng van ang mga yun.

"Yow!" bati ni Jay ng may malawak na ngiti

Ngumiti lang ako sa kanya. Luminga linga ako pero wala akong makita na anino ng mga kaibigan ni Junior. Di sila sasama?

"Hahaha! Di pa namin sila nasusundo" sabi ng isang lalakeng kadadating lang

"Oh by the way. Mga kaibigan ko pala. Han Bin, Ju-ne, DK, Song, Chan, and Bobby" sabi ni Jay at pakilala sila mga lalake na nagsilabasan sa isang van

Oh my gulay! Why so pogi nilang lahat?! Ngumiti lang kami sa kanila at nagpakilala rin naman.

"Tara na! Dyan lang naman yung bahay nila Junior" sabi ni DK

Pumasok na ako sa van katabi ko si Jay sya yung banda sa pintuan at mga ilang layo lang nagstop na rin kami. Bumaba si Jay at nagdoor bell.

Bumukas ang bahay at bumungad samin ang mga gwapong mukha nilang lahat pero wala si Junior. Halata nila siguro na hinahanap namin si Junior kaya bumalik si Yugyeom sa bahay nila.

"JUNIOR HYUNG! WAKE UP!! AALIS NA TAYO!" rinig naming sigaw ni Yugyeom

Ang lakas naman ng boses ni Yugyeom. Tulog mantika pala si Junior haha. Inilagay na nila yung mga bagahe nila sa isang van. Sayang di sya dito sasakay.

Maya-maya dumating na si Yugyeom kasama si Junior na nasa dreamland pa ata dahil papikit pikit pa ang mata. Ang cute lang haha. Parang zombieng naglakad sya papunta sa van namin.

"Junior dun ang van-" naputol ang sasabihin ni JB

Agad na sumakay si Junior sa tabi ko at agad na natulog. Bat parang pagod na pagod ang taong to?

"Hehe pagpasensyahan nyo na. Mga ala sais na kasi umuwi sa bahay yan at mukhang pagod pa ang itsura kaya ganyan" sabi ni Jackson

Tumango na lang kami. Wala ng nagawa si Jay kundi sa kabilang van sumakay. Di ako makapakali sa pwesto ko dahil ang lapit lapit ni Junior sa kin. At habang nasa byahe ang sarap ng tulog nya.

"Yieh! Si Nayeon kinikilig" sabi ni Jeongyeon at sinundot sundot pa ang tagiliran ko

Katabi ko kasi sya! Bale sa nasa left ko sya habang si Junior ay nasa right ko. Napatawa na lang ang mga kaibigan ko pati si Chan na driver tapos si Jihyo naman ang passenger seat.

"Wag nga kayo!" suway ko sa kanila

Patuloy lang sila sa pang aasar sakin habang ako patuloy sa pamumula. Bigla akong nagulat dahil ang ulo ni Junior ay nasa balikat ko na. Oh my gosh! Humihilik pa sya.

"Ehem! Ehem!" sabi ni Momo

Napayuko na lang ako. Nakakainis! Gusto kong itulak ang ulo nya pero ayaw ko syempre libreng chansing na to mga repa!

"Ako'y kinikilig~
Sa tuwing ika'y lumalapit ako'y kinikilig~" kanta ni Sana with pa heart heart pa

"Ikaw... ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na IKAW" kanta ni Dahyun

"Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako
Sana ay mapansin mo~" kanta ni Chaeyoung

"At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko to aking sinta
Pangarap lang kita~" kanta ni Jihyo

"Mahal kita pero~
Mahal kita pero~" kanta ni Momo

"Okay! Tama na! Naiinis na ako sa mga lyrics ng kanta nyo!" inis na sigaw ko

Tumawa naman silang lahat. Anong nakakatawa sa sinabi ko?! Totoo naman ah! Ish! Hindi ako tinamaan sa bawat lyrics nila Promise! T*ng*na! Di talaga ako natamaan! Bwisit! Oo na tamang tama na ako oh! Mulat na mulat na ako sa katotohanan na hindi ako magugustuhan ng lalakeng to! Bwisit sila!

"Hahaha oh stop over muna tayo" sabi ni Chan at hininto ang van

Pano kami bababa nito? Seriously? Tss.

The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon