Chapter 5

662 27 1
                                    


Youngjae's POV

Nagising ako sa liwanag na tumama sa mukha ko, napamulat ako at may nakita na isang bulto ng tao sa bintana ko. Istorbo talaga to ng tulog, nagtalukbong ako ng kumot pero mga ilang minuto lang may humablot sa kumot ko. Nagpapadyak akong tumayo.

"Buti naman at nagising ka na" sabi ni Junior

Tinitigan ko lang sya ng masama, nakakainis. Nagsignal ako sa kanya na lumabas, sinunod naman nya kaya pumunta na ako sa cr para maligo. Nagbabad lang ako sa shower, hinayaan na dumaloy sa buong katawan ko ang tubig. Nagsabon na ako at nagbanlaw tsaka sinuot ang robe.

Lumabas na ako sa cr at tinignan muna ang orasan ko sa side table ng kama ko. 7:00 na pala. Nagbihis ako ng uniporme tsaka nagayos. Kinuha ko yung bag ko sa study table ko at mabilis na bumaba ako tsaka dumiretso sa kusina. 

"Yow! Good morning" bati nila sakin

Tumango lang ako at umupo sa tabi ni Yugyeom. Isinawsaw ko sa gatas yung tinapay, istyle ko na to. Mas gusto kong kainin ang tinapay pag nababad sya. Kumuha rin ako ng hotdog tsaka kinain ito. Pagkatapos namin kumain, niligpit ni JB ang pagkain at sya na rin ang naghugas. Naghintay lang kami sa kanya sa sala. Nakaheadphone si Jackson habang nakakunot ang noo ganun rin si Mark at Junior.

Nagtinginan kami tsaka tinignan silang tatlo. Ang laki ng problema nila. 

"Anong problema nila?" tanong ni Yugyeom

"Kahapon pa silang ganyan" sabi naman ni Bambam

Tumango tango kami ni Yugyeom. Biglang may pumatong sa balikat ko kaya napatingin ako, si JB lang pala. Tapos na sya siguro.

"Tara na" sabi nya at pinagbabato sila Junior ng unan.

Hahaha. Tumayo na kami at pumunta sa garahe ng bahay. Napag usapan na iisang kotse lang ang gagamitin namin para di sayang sa gasolina. Sumakay na kami at si Junior ang napagisipan naming magdrive.

"That annoying girl. Kailan ba nya tatantanan ang utak ko?" rinig naming bulong ni Mark

Himala! nagka girl problem ata sya, siguro pati itong dalawa ganun din. Tahimik lang kami magdamag sa van. walang nagsasalita miski isa. Ang boring naman. Tumingin lang ako sa bintana ng may nakita akong babaeng tumatakbo. Nakauniform sya ng uniform ng school namin. Schoolmate? 

Di ko masyadong nakita ang mukha nya pero nakakasigurado akong bago lang sya. Nagkibit balikat na lang ako tsaka napatingin kay Junior ng mag preno bigla. Fuck!

"Hoy! Papatayin mo ba kami?" tanong ni Bambam

Andito na pala kami, bumaba na kami at pagbilang ko ng tatlo.

1

2

3..


"OH EM G!!! ANDYAN NA SILA!!"

"Yugyeom!! Please marry me!!"

"JB!! Akin ka na lang"

"Jinyoung!! Anakan mo na ako!!"

"Bambam!! I love you so much!!"

"Youngjae!! Gagawin ko lahat basta be mine!!"

"Mark!! Kahit isang gabi lang!!"

"Jackson!! ang hot mo talaga!"

"Mga IDOL ko talaga sila!!"

"Ang gwagwapo nyo. Oh my God!!"

Tss. Yan na nga ba ang sinasabi ko. Di na lang namin pinansin ang tilian nila. Sanayan lang naman to. Ano pa nga ba. Malalake man iniidolo kami. Sino bang hindi? Dumiretso lang kami sa classroom namin. 

The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon