Chapter 11

531 19 0
                                    

Junior's POV

"Junior wake up!"

Gising na ako pero nakapikit parin ako. Bwisit! Pauulit ulit na nagplaplay sa utak ko yung banggitin nya ang Jinyoung na pangalan ko kaysa sa Junior. Nakakapanibago lang.

"Hoy! Junior! Bumangon ka na dyan!" inis na sabi ni Youngjae

Tumayo ako at dumiretso sa cr. Mawawala siguro tong iniisip ko kapag naligo ako.

After 2737281827377 years

Lumabas na ako sa kwarto ko dahil sa tapos na akong maligo, magpalit, at mag ayos. Bumaba ako at dumiretso sa kusina, nakita ko naman sila na kumakain.

"Kain na Junior" sabi ni Yugyeom

Umupo na ako tsaka nagsimulang kumain. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin  kung bakit naninibago ako sa pagtawag nila ng Junior sakin, parang hindi sila ang gusto kong marinig tumawag sakin nun.

"A-ayos ka lang bro?" tanong ni Mark

Tumango lang ako. Ayos lang ba talaga ako? Ewan. Tumayo na ako at pumunta sa kotse ko, gusto kong mapag-isa ngayon. Tumingin ako sa paligid at hinihintay na dumaan sya pero nandito na sila wala parin. Nauna na siguro sila ng kaibigan nya.

"Magkokotse ka?" tanong ni JB

Tumango ako. Nagkibit balikat sila at pumasok sa van hinintay ko muna silang mauna bago ko pinaandar yung kotse ko. Halos nasa likod lang ako ng van.

"Just forget what happen awhile ago, Jinyoung"

"Just forget what happen awhile ago, Jinyoung"

Gusto kong kalimutan pero di ko magawa!! Dahil.... Naiinis ako sa sarili ko habang sinasabi ang mga katagang yun! Naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong nasaktan kita! Naiinis ako sa sarili ko dahil sakin pa mismo nanggaling ang mga salitang yun!

*Beeeeeep*

Di ko alam na napalo ko pala yung manobela ayan tuloy bumusina. Tsk! Nakarating na kami kaya bumaba ako agad pagkapark ng kotse ko. Nagsimula na naman ang hiyawan nila, sinalpak ko na lang ang earphone ko.

Habang naglalakad sa corridor papunta sa classroom nagbabakasakali ako na makita ko sya pero malapit na ako sa classroom pero wala parin.

"Oh? Si Nayeon yun diba?" tanong ni Bambam

Tumingin kami sa tinuro nya. Hinintay kong ngumiti sya at kawayan nya ako pero wala. Oo, Sya nga pero may kasama syang lalake, di ko makita yung itsura dahil nakatalikod samin yung lalake bale si Nayeon ang nakaharap samin at may gitara kasing bitbit yung lalake. Tss.

Pumasok na kami sa classroom tsaka umupo ako sa upuan ko. Nakakainis! Nakatanaw lang ako sa kanilang dalawa, nasa bungad kasi sila ng pinto.

"Ang gwapo ni Jay" sabi ni Sana

"Yah! Bagay sila ni Nayeon. Ayiee" sabi naman ni Momo

Tss. Bagay bagay! Natulog na lang ako para di ko na sila makita at marinig pa. Nakakaasar talaga!! Pinikit ko ang mata ko tsaka na tulog na.

Youngjae's POV

Dugdug..dugdug..dugdug

Ayan na naman! Basta talaga pagkatabi ko ang babaeng to. Galaw ako ng galaw dito sa upuan ko.

"Ayos ka lang?" tanong nya

F*ck! Mas lalong kumabog yung dibdib ko ng magsalita sya. Napayuko ako dahil ayokong makita nya na namumula ako. Bakit?! Babae lang ba ang nakakaramdam nito?! Lahat tayo nagkakasakit uy!

Simula ng makita ko sya noon na tumatakbo nagkaganito na ako. Noong una akala ko wala lang to pero wala na! May sakit ata ako sa puso! Kailangan ko ng magpakita sa doctor sa madaling panahon baka ikamamatay ko na pala to.

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong nya ulit

Nakinig na lang ako sa teacher namin. Wag mo syang  papansinin Youngjae kundi ikaw ang kawawa! Kailangan ko na talaga pumunta sa hospital pero pwede pa naman siguro sa clinic diba para maagapan muna. Tama tama.

Tinignan ko yung relo ko. Malapit na ang time.

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

*Kriiiiiiing*

Yes! Lumabas na yung teacher tapos nagsilabasan rin yung mga classmate namin.

"Youngjae tar-" di ko na pinatapos si Junior

Tumakbo agad ako palabas ng classroom at pumunta sa clinic. Pinagtitinginan na nga ako kanina, pagdating ko sa clinic napaupo ako sa isa sa mga kama.

"Oh youngjae?" tanong ng nurse

Close kami. Sa katunayan nga pinsan sya ni Junior di halata no?

"Ah ate Raine kasi ganito yun. Nabalitaan mo naman na siguro yung 9 na transferees diba?" tanong ko tapos napatango sya

"Tapos yung isa sa kanila katabi ko. Hindi naman yun yung unang kita ko sa kanya! Hindi ko alam pero pag malapit sya sakin bumibilis yung tibok ng puso ko tapos ninenerbyos ako pagtumitingin sya sakin. Wala naman siguro akong sakit diba? Di ko naman ikamamatay to diba?" dugtong ko

Napatawa sya kaya napakamot ako sa batok ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Sana di na lang ako sa kanya nagtanong. Tama dapat sa doctor na lang ako nagtanong.

"Alam mo Youngjae. Ikamamatay mo yan" sabi nya habang nakangiti

ANO?! Hindi ko alam na may taning na pala ang buhay ko T.T

"Ikamamatay mo yan kung pipigilan mo haha hindi sakit yang nararamdaman mo. It's pag-ibig" sabi nya

HUWAT?! Pag-ibig?! Ako inlove sa babaeng yun? No way! Malaking NO! Hindi maaari!!!

"Wag kang magbiro ng ganyan Ate" sabi ko sa kanya

Nagkibit balikat lang ito tsaka tinapik ako sa balikat. Inlove ako?! At malala pa! Sa babaeng yun pa!

"Bumalik ka na sa classroom nyo. Mukhang time na" sabi nya

Ha? Ganun ba katagal yung usapan namin? Bahala na nga. Tumayo na ako tsaka nagpaalam tapos pumunta na sa classroom. Bwisit!

Pagdating ko sa classroom agad akong umupo sa tabi nya at eto na naman ang walangyang puso ko! Sh*t! Natulog na lang ako. Ano pa bang gagawin ko. Ayoko rin naman makausap itong katabi ko kaya wala na akong magagawa kundi matulog baka mas lalo pang lumala yung sinasabi ni Ate Raine. Delikado na dahil




Ayoko ko ng mainlove pa ulit.

The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon